Nagising ako ng may maamoy ako, parang naamoy ko si dhruv, marahan kong idinilat ang mga mata ko at napatitig sa portrait namin na nasa dingding, nakatitig lang ako dun ng biglang may gumalaw kaya nagtaka ako, dahan dahan akong napatingin sa kaliwa ko saka naman ako nanghina ng makita ko siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko, napapikit ulit ako baka kasi panaginip lang to, ginagat ko pa ang labi ko pero masakit kaya napadilat ulit ako at talagang nandito siya sa tabi ko, huminga ako ng malalim at dahan dahan na umupo, napatingin ako sa maleta niyang naka tumba sa gilid, damit niyang naka sampay sa sofa bed namin, napapikit ako at napahaplos sa tiyan ko saka ulit ako dumilat at tinignan siya, matagal akong nakatitig kay dhruv saka akong dahan dahan na umalis sa kama at inayos ang maleta niya, kinuha ko rin yung damit niya at inilagay sa labahan, napatingin ako sa maleta niya pero parang naduduwag ako, pero hindi ko alam kung anong pumasok sa akin at talagang binuksan ko ito, nakita ko lang naman ang kagamitan niya gaya ng laptop niya at mangilan ngilan niyang damit, napahinga ako ng malalim ng wala naman akong makitang hindi maganda sa paningin ko, baka kasi maya ay may itinago siyang personal na bagay ng kabit niya, hindi ko na mabilang kung ilan ulit akong napapabuntong hininga.
"babe?" bigla akong nagulat ng marinig ko ang boses niya, literal na naging estatwa ako sa pagkakaupo ko sa sahig na nakaharap sa maleta niyang nakabukas, napapikit ako at huminga ng malalim, gusto kong harapin siya pero nanginginiga ang kamay ko. Parang anytime soon bubuhos na ang luha ko pero bakit ganun? kahit anong pigil ko hindi ko magawa kaya pinahid ko ang pesnge ko at kumalma saka ako humarap sa kanya, i smile at him.
"nakauwi ka na pala" nakangiti kong sabi sabay tayo ko at inilagay sa gilid ang maleta niya, ng makaupo siya sa kama agad akong pumasok sa banyo at naghilamos pero niloloko ko lang ba ang sarili ko na hindi ako iiyak sa harap niya?
"babe" tawag niya sa akin, ng maramdam ko ang yakap niya sa tiyan ko ay napatigil ako sa ginagawa ko, marahan niyang akong pinaharap sa kanya pero agad akong yumuko dahil nahihya ako sa itsura ko.
"let's talk love" sabay haplos niya sa pensge ko at pilit niya itaas ang mukha ko makita niya lang ang itsura ko pero nag mamatigas ako kaya marahan siyang yumuko at hinalikan ako sa pesnge at inalalayan niya akong makalabas sa banyo,
"come here" ng makarating kami sa kama ay pinaupo niya ako saka siya lumuhod sa harap ko.
"have you been eating this past few days?" tanong niya pero tumulo lang ang luha ko at napakagat labi, he slowly wipe my tears away kaya pumikit ako.
"so you didn't?" hindi ako sumagot sa kanya.
"can you forgive me?" dahil sa sinabi niya mas lalo lang akong nasaktan.
"babe the truth is---" agad ko siyang tinignan at umiling iling ako.
"please don't" pagmamakaawa ko at nagtaka siya.
"don't tell me, just don't" paulit ulit akong umiling sa kanya ng hawakan niya ang pesnge ko,
"babe let me explain" umiling iling ako sa kanya.
"ayoko, ayokong malaman ayoko" tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.
"you need to hear my side alam mong hindi ko kayang gawin sayo yan, alam mong trabaho lang ang inatupag ko doon" napatigil ako sa sinabi niya ng pinaupo niya ulit ako.
"hear me okay" pagmamakaawa niya at hinaplos haplos ang kamay ko kaya tinitigan ko siya.
"hindi yun totoo, lahat ng text na natanggap mo walang katutuhanan yun" tinitigan ko siya.
"ba--kit? bakit may picture kayo?" umiiyak kong tanong ng makita ko ang pag alala sa mukha niya.
"babe stop crying" hinaplos haplos niya ang tiyan ko.
BINABASA MO ANG
The Hot Chef And His Lover (18+)
Romance[COMPLETED] Series 3: Dhruv Fugo (BOOK 1) Smile is a sweet girl at the same time matigas ang ulo, what she want will make her want to desire to make it, she's the one and only girl of Sykes Smith Lee also known as Damian, Smile want to pursue coo...