Mandy POV
Ilang araw na ba akong umiiyak? Ilang araw na ba akong hindi kumakain? Kahit gustuhin ko mang kumain pero wala akong gana, tanging ang ginagawa ko ay ang humiga sa kama maghapon na walang ginagawa, umiiyak na mag isa, kung noon lagi akong nagugutom pero ngayun hindi ako maramdaman ang gutom, tanging hawak hawak ko lang ang maliit na ultrasound ng baby ko, pero dahil ayokong may mangyari sa baby ko ay umiinom ako ng gatas at tanging yun lang ang laman ng tiyan ko, para sa baby ko umiinom ako, nakatitig ako sa kawalan, na kahit ilang ulit ng maglikot si baby ay parang wala sa akin, tulala lang ako, para bang nawalan na ako ng ganang mabuhay, para bang gusto ko nalang na pag nakalabas si baby hindi na ako hihinga ng hindi ko na malaman pa ang boung kwento kung bakit nangaliwa si dhruv. Parang ang sakit malaman yung kakulangan mo kaya siya naghanap ng mas better sa akin, parang ayoko nalang marinig yun, ayoko ng malaman pa kung bakit, tama na yung nalaman ko pero yung rason ayoko ng malaman pa. Napapikit nalang ako at umiyak nanaman ng mahinahon, iyak lang naman kasi ang magagawa ko wala ng iba. Parang hindi ko na rin kayang tumayo, parang nanghihina ang boung katawan ko kaya ayokong tumayo, lumalalim na ang gabi pero parang wala na sa akin ang lahat. Napapikit ako pero dahan dahan akong umupo at sumandal sa headboard saka nag isip ng maayos, paano pag umuwi na siya? Anong sasabihin ko? Sasabihin ko na bang alam ko na? Sasabihin ko nalang ba na thank you for everything malaya ka na? Dahil sa iniisip ko naiyak nanaman ako pero hinayaan ko ang luha kong matuyo sa pesnge ko, dahil nagiisip ako sa sasabihin ko kay dhruv, napatitig ako sa tiyan ko at hinaplos ito.
"Kay--kaya ba nating bitawan si daddy?" Bulong ko sa tiyan ko pero napapikit ako dahil sa sakit ng mata ko, hindi ko alam bakit hindi ako nauubusan ng luha, napahinga ako ng malalim at hinaplos ang tiyan ko. Pagod na ako ramdam ko ang pagod sa katawan ko, pumikit nalang ako at huminga ng malalim, gusto kong matulog nalang pero Everytime na pipikit ako nakikita ko si dhruv at yung babaeng yun sa isipan ko, sa tuwing natutulog ako napapaginipan ko silang nag sisiping sa panaginip ko at ako nakatingin lang sa kanila na walang ginagawa, kaya umiiyak ako sa tuwing nagigising, kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang 537 missed call ni dhruv pero napag desisyunan ko na.
Bakit hindi mo inamin sa akin dhruv? Na hindi na pala ako
Napahagulhul ako habang nag tyetype ng mensahe para sa kanya.
Alam kong may nililihim ka, alam ko na dhruv masakit man na isipin na hindi mo na ako gusto na wala ka ng gusto sa akin ay wala naman din akong magagawa dyan, hindi ko kayang diktahan ang puso mo na mahalin ako, handa naman ako sa pag amin mo na iiwan mo ako, alam kong hindi sapat lahat ibinigay ko sayong pagmamahal dahil nakita mo sa kanya na wala sa akin ang hinahanap mo. Sorry kasi hindi ka masaya sa akin, handa na akong palayain ko kahit masakit na limutin ka pero ayokong ipilit na Mahalin mo ako, pero bago mo man ako iwan gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita.
Napahagul hagul ako sa mensahe ko pero hindi ko kayang e send natatakot ako, nanginginig ang mga kamay ko, kaya inilagay ko ito sa gilid saka ako tumayo nang dahan dahan at napag isipang maligo nalang dahil sobrang sakit na ng ulo ko, marahan kong sinara ang pintuan saka ako dumiretso sa shower, agad kong binuksan ang shower at umupo ako sa sahig at napasandal sa glass wall, i let myself wet on shower habang nakapikit, dahil sa mainit init na tubig ay nawawala ang sakit ng ulo ko, ganun lang ang posisyun ko wala akong ginawa kundi ang umupo na para bang nagpapaulan lang, dumilat ako at tumingin sa kisame, gusto kong mag isip ng maayos pero wala akong maisip, tumayo ako at pumikit ulit, para akong statwang nakatayo lang walang ibang ginawa kundi ang nakayuko nakatitig sa malaking tiyan ko. Ng mapagod ako sa ginagawa ko ay nag bihis ako ng nightgown saka ako umupo sa kama at nakatitig sa sarili ko napabuntong hininga nalang ako saka humiga ulit na basa ang buhok hanggang sa nakatulog ako.
Dhruv POV
Nakarating ako sa pinas 11pm na pero ginawa ko nalang ang lahat makauwi lang, ng makita ko na ang bahay namin nagmamadali akong nagbayad at agad akong pumasok sa loob not minding the driver shouting dahil may sukli pa ako pero wala na akong pakialam, ng makapasok ako sa bahay sobrang dilim ng boung lugar kaya binuksan ko ang ilaw at tumambad sa akin ang linis ng bahay, pero agad akong dumiretso sa kwarto saka ko siya nakitang natutulog, agad kong binagsak ang mga dala kong gamit ng makita kong sobra basa pa ng buhok niya kaya pinunasan ko ang buhok niya saka ko kinuha ang blower niya, ganito talaga siya pag hindi nakakatulog naliligo dahil pag nakaligo siya nakakatulog siya nun, habang pinapatuyo ang buhok niya nakikita kong medyo nangangayat siya, i kiss her cheeks and forehead trying not to wake her up, ng matapos kong patuyiin ang buhok niya inayos ko siya ng higa, tumayo muna ako at nag bihis ng makita ko ang cellphone niya, agad ko itong kinuha pero pag bukas ko may nakasulat kaya napaupo akong binasa yun, pero nasasaktan ako, tumulo ang luha ko dahil doon at umiling iling, kahit kailan hindi nangyari yun, sapat na sapat siya sa sakin, sobra sobra pa nga eh, Mahal na mahal ko rin siya, hindi ko kayang mawala siya sa akin. Kaya hinaplos ko ang pesnge niya saka ako humiga sa tabi niya at niyakap siya ng sobrang higpit.
"I love you babe, your my everything hindi mangyayari iiwan kita, hinding hindi" i hug her tight hanggang sa nakatulog na din ako dahil sa pagod.
To be continued...
TheMirrorPrincess
![](https://img.wattpad.com/cover/129469527-288-k69348.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hot Chef And His Lover (18+)
Romance[COMPLETED] Series 3: Dhruv Fugo (BOOK 1) Smile is a sweet girl at the same time matigas ang ulo, what she want will make her want to desire to make it, she's the one and only girl of Sykes Smith Lee also known as Damian, Smile want to pursue coo...