Chapter 119

3.3K 81 3
                                    


Dhruv POV

Kanina ko pa tinatawagan si mandy 2am na dito at 8am na sa pinas pero hindi niya sinasagot ang tawag ko, nag alala na ako sa kanya. I message her ng malaman niyang online ako maya maya pa ay bigla siyang nag online kaya napangiti ako, agad ko siyang tinawagan at sinagot naman niya pero napakunot noo ako ng makita mamumula ang ilong niya, ang singkit ng mga mata niya na para bang kakagaling lang niya sa iyak.

"Babe are you okay?" Agad kong tanong pero ng tumingin siya sa akin bigla nalang siyang umiyak kaya nag alala na ako.

"Babe what's wrong?" Hindi siya sumasagot kaya hindi ko alam anong gagawin ko, wala ako sa tabi niya hindi ko siya mapatahan.

"Babe tell me what's wrong?" Pag alalang sabi ko.

"I--im fine" umiiyak niyang sabi sabay ngiti pero alam kong hindi siya okay.

"Babe alam mong bawal kang ma stress what happened tell me!" Ngumiti siya at umiling iling pero hindi ako kumbinsido.

"Bakit gising ka pa? Tulog na kasi may trabaho ka pa diba?" Sinabi niya yung umiiyak na may ngiti sa labi pero nasasaktan ako sa nakikita ko,

"Tell me" mahinahon kong sabi pero umiling iling siya but she's pouting, she's hiding something from me.

"May nangyari ba dyan? I will call my mom ng mabantayan ka" umiling iling naman siya sabay punas ng pesnge niya pero umiiyak pa rin siya.

"Babe tulog ka na" mahina niyang sabi bawat patak ng luha niya tagos sa puso ko.

"Hindi ako matutulog hangga't hindi mo sinasabi kong anong problima mo, come on baby tell me" ngumiti siya sa akin pero hindi talaga ako kumbinsido.

"I just miss you" sabi niya pero hindi, hindi ako convince.

"I can't sleep babe if you won't tell me what's wrong, bakit ka umiiyak? Ang aga aga dyan umiiyak ka na"

Mandy POV

Nakatitig ako sa kanya pero hindi ko masabi sabi yung tinatago niya, natatakot ako, natatakot akong iwan niya ako, ayokong mawalan ng daddy ang baby namin, kaya hangga't kaya ko titiisin ko ang lahat, hindi lang kami ma broken family. I smile at him.

"Wait babe" agad akong tumayo at pumunta sa banyo naghilamos ako at umiyak ng umiyak.

"Mandy stop crying" pakiusap ko pero nanginginig ang kamay ko mas lalo lang akong umiyak.

"Please" napapikit ako at paulit ulit na nag hilamos, ng huminahon ako tumingin ako sa salamin at ngumiti, lumunok ako saka pumikit ng hindi na ako umiiyak bumalik ako sa harap ng laptop naghihintay siya sa akin kaya ngumiti ako.

"Sorry babe hormones lang to" sabay ngiti ko i bite my tongue to stop from crying.

"Matulog ka na" nakangiti kong sabi pero yung mata ko tumitingin sa likuran niya looking for his woman pero tinignan ko siya.

"Are you really okay? Talaga bang hormone lang yan?" Tumango tango akong nagpipilit na hindi umiyak.

"Im fine babe" tinitigan ko siya at ngumiti, mahal na mahal ko siya pero hindi ko kayang mawala siya.

"Okay ka lang ba dyan?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Yes im fine everything is good here, nga pala babe i hired someone who could do some ironing and who can cook medyo nalalate kasi ako kaya nag hire ako" sabi niya at tumango lang ako.

"Ipapakilala ko siya sayo, teka tatawagin ko" dahil sa sinabi niya kinabahan ako. Ng bumalik siya nakita ko ang babaeng nakita ko sa litrato.

"Babe this is flor" pakilala niya, ngumiti ang babae sa akin pero hindi ko magawang ngumiti, nanghina ako sa nakita ko, agad akong tumayo at tinanggal ang socket ng internet saka ako napaupo sa gilid,

"Siya yung babaeng kabit ni dhruv? Kaya ba niya pinakilala sakin? Para hindi ko maghinala?" Naiyak nanaman ako, kagabi pa ako umiiyak halos wala akong tulog kakaiyak, aaminin ko maganda siya kumpara sakin, sexy siya habang ako ang taba taba ko. Napahagulhul ako at napasandal sa pader, iyak lang ako ng iyak na hawak hawak ang tiyan ko, halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak sumasakit ang ulo ko kaya tumayo ako ng dahan dahan at humiga sa kama saka mahinahong umiyak, hindi ko magawang tumigil sa kakaiyak, hindi ko mapigilang hindi masaktan. Napapatulala ako minsan, na para bang gusto ko nalang mamatay pero ayokong idamay si baby kaya iyak nalang ako ng iyak.

Dhruv POV

Bigla nalang na disconnect ang usapan namin, i call her again pero hindi na siya ma contact.

"Everything alright sir?" Tanong ni flor sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

"Yes, it's fine you can leave now, im sorry i didn't wake you up earlier, i saw your sleeping peacefully on a couch so i let you, if you want to leave you can leave now, but you can stay for tonight too, since it's dangerous outside and its already late too" sabi ko sa kanya at ibinigay ang sweldo niya.

"Thank you for helping me out" sincere kong sabi at tumango lang siyang may ngiti sa labi saka na nagpaalam kaya napatitig ulit ako sa laptop ko, hindi ko na ma contact si mandy, ano kayang nangyari dun.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya, at ring lang ito ng ring pero hindi ako tumigil hanggang sa singot niya.

"Babe?" Agad kong tawag pero hindi siya sumasagot.

"Babe our call cut out wala bang internet dyan?" Tanong ko pero hindi pa rin siya sumasagot.

"Bakit nandyan pa yang babaeng yan gabi na" tanging tanong niya.

"Who flor? Eh kasi babe 12pm na ako nakauwi, siya kasi ang pansamantalang katulong ko dito, sa agency ko siya kinuha para sigurado akong hindi magloko, usually uuwi siya 10pm pero ngayun mukhang nakatulog yata siya kay hindi ko nalang muna pinauwi nasa kanya na kung uuwi siya o hindi" paliwanag ko pero wala akong sagot na nakuha. Sobrang tahimik niya.

"Babe" i heard her voice it's cracking kaya napaupo ako dahil nag aalala ako sa kanya.

"Babe sorry kung ang taba taba ko na" biglang sabi niya, kaya napakunot noo ako, umiiyak nanaman siya.

"Im sorry" sabi nanaman niya.

"Babe what are you talking about?" Pagtatakang tanong ko.

"Babe sorry ha, sorry kung ganito ako" napasuklay ako sa buhok ko dahil sa naririnig ko.

"Pasensya na kong baboy na ang asawa mo"

"Babe stop" pigil ko sa kanya.

"Sorry kasi ang lakas kong kumain" umiiyak niyang sabi.

"Babe come on I don't have problem on your weigh, buntis ka sympre talagang normal lang yan, at saka kahit tumaba ka pa i don't mind"

"Im sorry dhruv, im sorry" sabay patay niya sa tawag ko kaya mas lalo akong hindi makatulog.

"Damn ano bang nangyayari" naiinis kong sabi i call her again pero hindi na niya sinasagot. Kaya nag aalala na ako sa kanya. Gusto kong umuwi ng malaman ko ang problima niya, agad kong tinawagan ang secretary ko saka ko pinaaayos lahat ng trabaho dahil tatapusin ko to ng makauwi agad ako.

To be continued...
TheMirrorPrincess

The Hot Chef And His Lover (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon