5 MONTHS HAS PASSED
Mandy POV
One more month lalabas na ang baby namin ni dhruv at maniwala man kayo o sa hindi we have baby girl, at sobrang saya ni dhruv kaso nasa barcelona siya ngayun may meeting siya doon kaya ito nag iisa ako sa bahay, paminsan minsan binibisita ako nila kuya, mommy at daddy minsan family side ni dhruv, akala nga nila mommy na baka mag buntis ako ng kambal dahil sa history namin pero salamat naman at isa lang, kasi pag nagkataong dalawa o tatlo baka mahihirapan kami ni dhruv, hindi naman sa ayaw ko pero pag nangyari kasi yun hindi na ako makapag aaral mas gugustuhin ko nalang kasing alagaan sila kaysa sa pangarap ko, okay lang na isa atleast hindi mahirapan si dhruv sa travel pag bibisitahin nila ako, pero gusto ko talaga sumama nalang si dhruv sa akin sa london doon muna kami kasama ang baby namin, gusto kong doon manganak ng walang problima,
"ay tulaley?" napalingon ako kay Yuri at napangiti
"namiss mo agad mister mo? dalawang araw lang ang nakalipas namiss agad?" napaupo nalang ako sa gilid.
"parang isang taon na sakin yun yuri" napangiti siya habang namimili ng damit.
"trabaho naman yata ang pinunta nun" tumango ako at napahaplos sa tiyan ko.
"ano pala ang ipapangalan niyo sa baby girl niyo?" excited niyang tanong at ngumiti lang ako
"hindi pa namin napag usapan ni dhruv yan" simpleng sagot ko at nagpatuloy siya sa pag pili ng mga damit, nandito kasi kami sa mall, at alam niyo ba kahit 8 months na ang tiyan ang liit lang niya hindi gaya nung iba na malaki ang tiyan, sa akin hindi parang bola lang, sabi ni kuya phinnaeus ganun daw talaga pag first baby.
"mandy for once ba hindi ka nagduda kay dhruv?" marahan akong umiling.
"nga naman sa ganda mong yan kahit juntis ka iiwan ka pa kaya?" ngumiti ako sa kanya ng tumabi siya sa akin.
"kahit ba juntis ka nag jogjog pa rin kayo?" napangiti ako sa kanya
"ano ba sagotin mo ako" ngumiti lang ako sa kanya at hindi siya sinagot.
"Baliw" simpleng sagot ko nalang at lumabas ng shop ng may makita akong matanda na pilit pinapalabas sa supermarket. Nagtaka ako bakit nila yun ginagawa.
"Pasensya na po pero bawal po kayo dito" sabi nung sales lady kay nanay.
"Nagmamakaawa ako sa inyo pangkain lang namin" halos magmakaawa ito ng marahang itulak ito ng guard pero pinigilan ko ang guard kaya napatigil sila.
"Pasensya na pero dahan dahan kuya" medyo naiirita ako sa ginagawa nila, agad akong humarap kay nanay at ngumiti.
"Nay okay ka lang ba?"Hindi siya sumagot.
"May kailangan po ba kayo?" Nakangiti kong sabi at mangiyak-ngiyak si nanay na tumango.
"Wala kasi kaming pagkain nagugutom na yung mga apo ko" naawa naman ako kay nanay pero kailangan ko muna mag tanong.
"Nasaan po ba yung mga anak niyo at kayo nag babantay sa apo niyo" bigla nalang itong umiyak.
"Namatay" natahimik ako at tumingin sa dalawang sales boy.
"Pwede ka bang kumuha ng cart" sabi ko at tumingin kay nanay.
"Nay ako na po bahala, kunin niyo lahat ng kailangan niyo ako po magbabayad, pero hihintayin lang po kita nay hanggang sa matapos ka, hindi ko na kasi kayang maglakad ng matagal dahil sa tiyan ko" nakangiti kong paliwanag na hinahaplos ang tiyan ko saka nalang siya umiyak at niyakap ako kaya niyakap ko na rin siya, maraming nandidiri kay nanay dahil sa ayos nito pero pinalaki ako nila mommy at daddy ng maayos,
"Salamat anak salamat" hinaplos haplos ko lang ang likod niya hanggang sa tumango na ako.
"Sige na po" tumango siya saka ko siya pinaalalayan sa dalawang sales boy at binigyan naman ako ng upuan ng isa sales lady malapit sa cashier, maraming kumukuha ng litrato pero pinabayaan ko nalang sila.
"Nandyan ka lang pala, bakit mo naman ako iniwan" ngumiti lang ako kay yuri.
"Bakit ka nandito?" Huminga ako ng malalim.
"May tinulungan lang" napatango naman siya saka kumuha ng upuan at umupo sa tabi ko, pareho kaming nag hintay.
"Ikaw pala yung tinutukoy nung sales lady ng botique" nilingon ko si yuri.
"Na ano?" He smile at me.
"Na may tinulungan na matanda" i just smile and look at nanay whose busy picking up goods, yung kinukuha niya yun talagang importante, yung pang araw araw nila yata. At maya maya pa ay dumating na si nanay pero isang sako ng bigas at sache ng kape lang ang kinuha niya.
"Nay yan lang po?" Tumango siya na parang nahihiya.
"Nay kumuha ka ng marami, wag kang mag alala hindi mauubusan ng pera to" natawa ako kay yuri at marahan sinapak siya.
"Nay sige na po kumuha pa po kayo" nahihiya siya at umiling.
"Tama na to maam" umiling ako sa kanya.
"Sige na po, minsan lang ako gumala sa mall, baka hindi na tayo mag kita ulit" i smile at her.
"Pero nakakahiya na po maam ito palang bigas sobra sobra na" umiling ako sa kanya.
"Hindi po, sige na po kunin niyo lahat ng kailangan niyo" mangiyak ngiyak siyang ngumiti saka ulit tumalikod.
"Sundan niyo si nanay" sabi ko sa dalawang sales boy saka ulit ako umupo.
"Ang bait talaga" sabi ni yuri at marahang hinaplos ang buhok ko.
"Alam mo yuri ito lang ang kaya kong ibigay na tulong kay nanay" sabay buntong hininga ko.
"Hindi kaya, alam mong may charity house and lot yung family ni dhruv, pwede mong e recommend si nanay doon" suggestions niya sa akin pero umiling ako.
"Hindi naman yun amin ni dhruv saka ayokong manghimasok sa business ng iba" wala namang masagot sa akin si Yuri.
"Business yun sa family side ni dhruv, kung gusto ko mang magbigay ng tulong gusto ko yung galing talaga sa akin, pera ko" paliwanag ko kay Yuri at napatango tango nalang siya na para bang sumusuko siya. Ng makabalik si nanay napangiti ako dahil parang nakuha na yata ni lahat, tinanong ko ulit siya at sabi niya okay na daw yun lahat, kaya binayaran ko na lahat ng kinuha niya, saka ko siya pinahatid sa driver ko dahil may bibilhin pa kami ni Yuri, paulit ulit na nagpapasalamat si nanay at masaya na akong nakita siyang nakangiti.
"Yung ngiti niyo po ang bayad niyo sa akin nanay" naiiyak siyang yumakap sa akin saka siya yumuko sa tiyan ko.
"Pagpalain ka anak, kayo ng anak mo at asawa mo" ngumiti ako kay nanay.
"Salamat nay" nagpaalam na sila saka ako tumingin kay Yuri.
"Tara na may bibilhin ka pa diba?" Ngumiti siya at tumango.
To be continued...
TheMirrorPrincess
BINABASA MO ANG
The Hot Chef And His Lover (18+)
Romance[COMPLETED] Series 3: Dhruv Fugo (BOOK 1) Smile is a sweet girl at the same time matigas ang ulo, what she want will make her want to desire to make it, she's the one and only girl of Sykes Smith Lee also known as Damian, Smile want to pursue coo...