Chapter 65

1K 35 0
                                    

Pag katapos ng wedding iniayos na lahat ng regalo, nag bukas lamang sila ng ilan para sa gagamitin sa video. After that iniayos na lahat para iuwi sa bahay nila Donny. Umakyat na ng Hotel ang mag asawa kasama ang pamilya nila para makapagpalit ng damit.  As usual sumabit na naman ang Walwal squad at ilang pinsan nila , may after party kase sila para sa mag asawa si Daddy Anthony ang nag invite sa mga ito.

Since hiwalay ang kwarto nila bago sila ikasal ay nag hiwalay muna sila para makapagpalit ng damit. at iayos ang mga gamit. Supposedly sa Hotel sila matutulog yun ang alam ni Kisses. Pero may plano si Donny. Kaya ang mga walwal boys ay sumama muna kay Donny, at ang girls naman ay kay Kisses.

Habang nag aayos si Donny ng mga gamit para makapagpalit naka upo lang ang mga kaibigan at pinsan sa kama. Ang iba ay nag ce cellphone lang at nag uupload ng pictures ang iba naman ay nanunuod ng ibang video clips nila.

Donny-" Ano na naman? tapos na wedding bakit nag paiwan pa kayo? Umuwi na nga kayo... hahaha"

Biro nya sa mga kaibigan at pinsan

Jerome-" bakit mo kami pinauuwi ? Ininvite kami ni Tito Anthony eh. Mag pa party daw tayo."

Donny-" ano ba kayo? Hangang honeymoon ko ba susunod kayo?  Isa pa Tapos na party ah ang haba na nga nun eh... naka ilang wine ka ba Jerome ?"

Jerome-" Grabe ka sakin. Ako lang ni na name drop mo ang dami namin dito hahaha"

Donny-" alam mo naman ikaw ang paborito ko eh"

Biglang liyad ng dibdib ni Jerome na tila proud sa sinabi ni Donny 

Jerome-" dinig nyong lahat yun? Ako paborito nya wala ng aangal.. si Donny na nagsabi"

Donny-" ano? Hindi pa ko tapos , ikaw paborito kong asarin hahaha"

At nag tawanan ang mga magkakaibigan sa loob ng room.

Kiko-" basag!!!"

Elmo-" pero yung totoo bro saan tayo pupunta? Bakit nag invite pa si Tito A? "

Donny-"may Gift kase ako kay Kisses... and Gusto ko makita nyo din. I asked him to invite you guys.. since kayo na ang andyan when we both started , isa pa mahal kayo ni Kisses at pinag kakatiwalaan kayo kaya deserved nyo na makita yun"

Inigo-" nakaka excite naman yan. Bilisan mo na magbihis. Para maka alis na tayo.. "

Donny-" eto na nga nag mamadali na. Baka mag intay yung asawa ko"

Timo-" naks! Asawa!!!!"

Rj-" oohhhppsss yun oh!"

Marcus-" bawal mag intay yung Queen nya. So Queen pala ah.. "

Donny-" ahaha si Gelo talaga ayan tuloy alam na ng lahat.  Pero ok na din hindi na naman namin kailangan ng code eh. Kasal na kami di na kami mag tatago hahaha ang weird no hahaha asawa? May asawa na ko hahaha haysss"

Kiko-" ahahha di ka pa rin ba makapaniwala? Pero Bro Congrats ha! Grabe ang ganda ng Wedding nyo. Yung mga message nyo sa isat isa parang kinuha sa book . Bro, Hindi ko makakalimutan yung sinabi mo nung huli. "You are what happen when i wish upon a star! Tangna bro! Astig yun! Pwede bang gawan mo ko ng vows pag ikinasal ako? Hahaha"

Donny-" hahaha Gago! Totoo yun. I really wish for her. Isa pa pag ikakasal ka na mas ma iinspire ka hindi ko na nga minemorize yun basta na lang lumabas sa bibig ko. Pag inlove ka inlove ka. Kaya for sure you can do better . Ikaw pa napaka makata mo. Im just so happy right now..."

Timo-" we're also happy for you"

And they all agreed,

Donny-" couz.. i want to thank you again. Kundi dahil sayo baka di kami nagkabalikan ni Kisses. Baka wala ako sa sitwasyon ko ngayon. Kaya salamat talaga. "

Timo-" anything for you couz."

Maya maya dumating na si Tito A

Daddy Anthony-" are you noys ready?"

Donny-" Done na Dad , sunduin ko lang si Kisses sa taas then baba na kami. Kita po tayobsa lobby"

Daddy Anthony-" ok anak. Bilisan nyo ha. Noys sunod na kayo sakin iwan nyo na si Donny nasa baba na yung mga girls naunahan pa kayo. "

Jerome-" huh? Bat di nyo agad sinabi Tito, aasarin na naman kami ng mga yun eh hahaha "

Daddy Anthony-" talaga namang mababagal kayo eh hahaha, sumunod na kayo intayin ko kayo sa elevator. Donny iwan mo na yung mga gamit. Ill give the key to manang para makuha lahat ng gamit dito sila na bahala mag check out. Pick upun mo na si Kisses sa itaas baka nag iintay na yun."

Donny-" yes Dad! O sige na bye na. Kita na lang tayo dun si Daddy na bahala sa inyo. Ingat kayo"

Elmo-" iniisip ko talga san tayo pupunta"

Inigo-" na eexcite talaga ako"

Jerome-" sinong hindi? RJ and Timo? Wala ba kayong idea? "

RJ-" wala talaga bro!"

Timo-" bro sorry, none! Wala talaga"

Kiko-" tara na! Malalaman din natin yan kung baba na tayo ngayon.

Marcus-" Lets go"

At naglabasan na sila ng Room at dumiretso na si Donny sa room ni Kisses. Marahan itong kumatok at pinag buksan sya ng Isa sa mga kasambahay nila Kisses.

Donny-" Hi Ate, si Kisses po?"

Ate shirley-" ay pasok po kayo nag hihilamos lang po. Nasa cr. Andyan po sila Mommy C naka ayos na din po."

Donny-"thank you po"

Pumasok si Donny at nag beso sa Parents ni Kisses.

Mommy C-" o shirley ok na ba lahat?"

Ate Shirley-" yes po naka ayos na. Iniintay ko na lang po yung cart"

Daddy G-" mauna na kami anak nasa ibaba na daw lahat. Sumunod na lang kayo ni Kisses. Mommy katukin mo na ang anak mo at mag paalam ka na muna."

At sumunod naman si Mommy C

Mommy C-" Kisses anak andito si Donny ha, iwan ka muna namin , magkita tayo sa ibaba. "

At sumagot naman na si Kisses. Dumating na din ang cart na iniintay ni Ate Shirley para sa mga gamit na ibaba. Kaya tanging si Donny and Kisses na lang ang naiwan sa kwarto.

Ikaw Nga Ba🌺lllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon