Chapter 87

1K 32 4
                                    

Nag simula na ulit pumasok sa school si Kisses, hindi muna sya tumangap ng project dahil gusto nyang ma achieved ang magna cumlaude. Kinailangan nyang i sikreto kay Donny ang totoong dahilan kung bakit nya kailangan tangihan ang project na inoffer sa kanya.  Sinabi nya lang na she's aiming to be part of deans lists kaya naintindihan naman sya nito.  Dalawang commercials kase ang hindi nya pa magagawa dahil this month na mag ka kaalaman kung nakuha nya ang magna cumlaude. Kinakabahan man pero ready naman sya kung hindi sya ang makakuha.

Habang si Donny balik work na din.  Balik sya sa mga hosting job nya at madaming bumati. Sa kanya. Lalo na asar talo sya sa honeymoon nila. Pbay kase barkada nya ang kasama na host.

Dumaan ang mga araw nasanay na din sila tumira sa sarili bilang bahay. Minsan dumadalaw sa kanila ang mga parents nila at mga kaibigan. Bukod dun wala na silang ibang pinatu tuntong sa bahay nila.  Kapg nasa bahay sila sabay silang nag aaral magluto. Mga ilang bagay na kailangan din nilang matutuhan ay ang pag lilinis ng bahay. Enjoy silang gawin ang nga yun na mag kasama.

Nasa kwarto sila habang nag aayos ng linag tulugan

Donny-" love? "

Kisses-" po?"

Donny-" last day nyo na today ng school diba?

Kisses-" oo, susunduin mo ba ako?"

Donny-" oo naman"

Kisses-" eh pano yung work mo mamaya? Naipit ka na nung isang araw. Ok lang naman kung si Kuya Manny na lang eh.  Wag ka lang ma ka abala sa mga project mo"

Donny-" nasabi ko na  na malalate ako. Two pa naman ang uwi mo diba? 3:30 pa yung show. Sama na kita ha. Tapos dinner tayo."

Kisses-" ok sige! Andun ba sila Kiko?"

Donny-" oo, kasam sigurado si Devon."

Kisses-"yay! Sige i te text ko si Devon para sumama sya kay Kiko"

Donny-" o sige baka kase di sumama yun eh. Minsan daw kase naiinip sya sa studio kase walang masyadong ka close. Kaya ayaw sumama sabi ni Kiko"

Kisses-" ok ako bahala."

Donny-" tara na love baba na tayo. Nagugutom na ko"

Kisses-" sorry love di ako nakagising ng maaga ha. Di tuloy kita napag luto."

Donny-" ok lang nakakain naman na ko kanina eh."

Ta tawa tawang sabi nya, nang biglang may dumapong unan sa ulo nya.

Donny-" aray! Love bakit?"

Kisses-" ano ano na naman lumalabas sa bibig mo."

Donny-"kumain naman talaga tayo kanina diba?  Ikaw ang kung ano anong iniisip. Hahaha ang sarap kaya nung dala ni Daddy na adobo."

Kisses-" hmmm palusot ka pa. Kilala kita."

Lumapit si Donny kay Kisses at inakbayan ito at nagsimula silang lumabas ng kwarto

Donny-" ikaw Talaga! Ano kala mo sakin yun na lang laman ng isip?"

Kisses-" oo palagi! Hahaha"

Donny-" ahahaha ay! Grabe ka sakin love."

Kisses-" aminin mo na kase. "

Donny-" o sige na. Pero hindi naman palagi. Napoagod  din naman ako hahaha"

Kisses-" bwiset ka hahaha lika na naka ready na daw ang food sabi ni yaya kanina"

After nilang kumain hinatid na ni Donny si Kisses sa school at pumunta na sya sa studio kung saan may taping sya. 

Kisses calling

Mommy C-" Hello anak, andito na kami sa office ni Dean"

Kisses-" ok Mom, im on my way . Kaka drop lang po ni Donny sakin. He didn't know na andito kayo"

Mommy C-" ok anak excited na kami ng  Daddy mo"

Kisses-" me too Mom"

Dean of accountancy:

Nasa loob na ng office ang pamilya Delavin, pinaupo sila ng Dean. Ngumit malungkot ang mukha nito

Kinamusta nya ang mag iina atsaka i anunsyo ang gustong sabihin

Mrs. Urbino-" ikinalulungkot ko Ms. Delavin hindi mo nakuha ang posisyon bilang magna Cum Laude"

Bagsak ang balikat ni Kisses ng madinig ang sinabi ng Dean. Kita din ang lungkot sa mukha ng parents ni nya . Hindi alam ni Kisses kung ano mararamdaman nya, buti na lang pala at di nya sinabi kay Donny at sigurado syang ma di dissapoint din ito. Pero alam nyang nag aral naman syang mabuti kaya sobrang nalungkot sya . Nahihiya sya sa parents nya dahil kasama nya ang mga ito ngayon. Alam pa naman nila na malaki ang chance nya dahil lagi naman matataas ang grades nya. At the same time yun ang sinabi sa kanya ng Dean nung huling mag usap sila.

Kisses-" Eh Dean, pwede po ba malaman sino nakakuha ng Magna? "

She feel sorry for herself , nag aral naman sya mabuti lagi syang top sa mga exams. At recently alam nya mas mataas ang score nya sa dalawang kasabayan nyang running din pero isa lang ang kino consider nyang kompetensya dun .

Mrs. Urbino-" Im sorry Ms. Delavin but i cant discuss you about that."

Nahiya naman si Kisses sa nadinig napayuko na lang sya. Tumayo na sya at aalis na sana ng tawagin ulit sya ng din.

Mrs Urbino-" Ms. Delavin? "

Kisses-" po? Sorry po bigla na lang ako tumayo ng walang paalam pasensha na po"

Mrs-" wala ka na bang ibang itatanong?"

Hindi na makapag isip si Kisses kaya wala syang maisigot. Nakatingin lang din ang parents nya sa kanya dahil sa concern alam nilang pinag buti ng anak pero wala naman silang magagawa

Kisses-" wala na po"

Mrs Urbino-" ako may gusto pang sabihin."

Kisses-" pasensha na po talaga. Sige po ano po yun?"

Mrs Urbino-" alam ko na supposedly running ka para sa magna cum laude, pero hindi mo deserve yun"

Malumanay na sabi ni Dean

Nasaktan naman si Kisses sa sinabi ng Dean. Hindi nya maintindihan bakit kailangan pa syang sabihan ng ganon. Hindi pa ba sapat na masakit na nga na malaman na hindi nya yun nakuha at bakit kailangan pang magsalita ng ganon. Gusto sana sumagot ni Kisses, pero para ano pa? Wala naman na sya ipag lalaban meron na silang napili para maging magna. Gusto na lang nyang maiyak kaya minabuti na lang nyang mag paalam.

Kisses-"sige ho Dean mauuna na po ako."

Mrs.Urbino-" teka! Hindi pa kita pinaalis, maypo muna kayo please"

Kisses-" po? "

Mrs. Urbino-" kailangan pa natin mag usap."

Kisses-" ano po yun?"

Mrs Urbino-" kase ganito yun, makikiusap sana kami sayo kung pwede kang gumawa ng speech para sa Summa Cum laude?"

Kisses-" po bakit po ako?"

Nag tatakang tanong ni Kisses

Mrs Urbino-" kailangan kase ng good speech para dun. And madaming nag suggest magaling ka daw ."

Kisses-" ho? Hindi po... "

Mrs. Urbino-" ang humble mo talagang bata ka"

Kisses-" hindi naman po, kaso lang po diba po dapat ang gagawa nun ay kung sino ang Summa Cum laude? Nakakahiya naman po kase na gagawin ko yung speech nung taong mas higit nga po sakin. Hindi nga ako naka abot sa magna Dean eh. Parang ang awkward naman po diba kung ako gagawa. I think kung sino man po ang Suma cum laude she or he should do his or her own speech. Para mas ma deliver nya po ng maayos "

Mrs Urbino-" so its all set then? You'll do the speech on your own."

Kisses-" po? Ahh hindi po ako nag oo Dean. Ang sabi ko po dapat kung sino man po yung Summa Cum laude sya ang gagawa ng speech nya"

Ikaw Nga Ba🌺lllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon