Chapter 7

6.2K 104 2
                                    

"Pat, sama ka na, sige na" Pagpipilit namin ni Caleb sakanya sa loob ng bake shop matapos kami ihatid nito.

"Ayoko nga" Pagpapakipot pa nya.

"I'll introduce you to my friend, Aaron" Sabi ni Caleb at tila naman nagliwanag ang mga mata nito.

"Ay gusto ko yan! sige sama ako" Sabay sabi nito na ikinatuwa namin ni Caleb.

"But guys remember, you are only allowed to wear swimsuits" Banta ni Caleb na kumikintad pa sa akin.

Ano bang nakain ni Caleb at tila masaya ito ngayong araw na ito? Parang excited sa hindi ko malamang dahilan.

"Swimsuit? Pssh.. yun lang ba? Fight kami ni Ellie dyan, diba?" Ika ni Pat at pangiti ngiti pa pero ako naman ay nagdadalawang isip.

Swimsuit?

Ibig sabihin ay ieexpose ko ang aking katawan sa mga tao at parang hindi ko gusto ang ideyang iyon ngunit kakantyawan lamang ako ni Pat at sasabihang manang kaya pumayag na lamang ako. Bahala na. Hihiram na lamang siguro ako dito ng isusuot.

"Uhm, El? Can I talk to you for a minute?" Sambit ni Caleb na tila kinakabahan.

"Okay"

"Uhm El?"

"Yes Cal?"

"Ahm"

"Ano yon?"

"Ah wala wala, sige mauna na ako. See you on Tuesday! Bye!"

"Ha?"

Pagpapaalam pa nito na sya naman ikinataka ko. Whats up with Caleb? He's acting weird.

Dumating nga ang Martes ng hapon at nakarating naman ako ng ligtas sa bahay ni Pat upang sukatin ang aming isusuot sa party mamayang gabi.

"Pat, ewan ko, pero parang nagdadalawang isip ako pumunta" Pahayag ko. Sumimangot ito at tumingin sa akin.

"Ako nga dapat ang mahiya Ellie dahil hindi naman ako kasing flawless katulad mo. Mabuti na lang makapal mukha ko" Pagbibiro ni Pat.

"Baka mapahiya lang ako. Hindi naman ako kasing sexy tulad ng mga kaibigan ni Caleb..baka pagtawanan lang ako roon" Talagang kinakabahan ako at ayoko ng ganitong pakiramdam.

"Ellie bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita kung gano ka kasexy? I mean ang pwet at joga mo pang bikini model. Idagdag pa ang mala anghel na baby face mo? Pwede palit tayo?"  Pagbibiro muli nito at alam ko namang gusto lamang nito pagaanin ang aking nararamdaman.

"Trust me Ellie. And trust yourself. Be confident. Yun ang kulang sayo. Maganda,mabait at matalino ka. Bakit kaba mahihiya sa sasabihin ng ibang tao? Hindi mo naman na makikita muli ang mga iyon? ano lang ba ang magsaya tayo kahit isang gabi? we deserve it!"Pag lilift up ni Pat saakin at sa mga sitwasyong ito na lamang ako humuhugot ng lakas upang magpatuloy. Dahil sa isang mabuting kaibigang tulad ni Pat.

Nagi-guilty naman ako sa isang banda sapagkat hindi ko masabi rito ang isa pang dahilan kung bakit nagdadalawang isip akong magpunta.

The man who took my first kiss.

Levi.

Tila sasabog ang aking dibdib habang papalapit kami sa Mansion nito. Nagpasalamat naman kami sa family driver nila matapos kaming ibaba sa veranda, kung saan maririnig ang naglalakasang music galing sa may pool area sa likod.

"Wow! Ang laki ng bahay ni Caleb!" Paghanga ni Pat habang cute na cute naman ito sa suot ng red strapless dress hanggang tuhod.

Hindi ko na sinubukang ituwid ang sinabi ni Pat dahil ayokong magkaroon ito ng impresyon na magkakilala kami ng kuya nitong si Levi.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon