"Punta naman tayo sa Showbiz balita. Spotted ang rumored romantic partners na si Levi Maximus at artistang si Peachy Gonzalez last weekened sa isang isla sa Palawan kung saan makikita ang dalawang magkayakap sa yate na pag mamay- ari ng business tycoon na si Levi Maximus. Makikita rin--" Boses ng isang newscaster sa channel 7 ang umalingaw ngaw sa aking tenga ng gabing iyon habang nasa locker room ako para simulan ang aking shift.
Mabilis ko namang pinatay ang TV at nagtungo sa banyo upang maghilamos ng malamig na tubig.
Sandali akong tumigil at tumingin sa salamin.
"Kalimutan mo na sya, Ellie. Please lang" Bulong ko sa aking sarili.
Kaya naman hindi ko binubuksan ang aking TV sa apartment at radyo dahil sa mga ganitong klaseng balita na bumubungad sa akin.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi masakit sa akin ang mga nakikita at naririnig tungkol sa lalaking minsang yumanig sa tahimik kong mundo.
Naalala ko naman ang pag uusap namin ni Mama sa telepono ng minsang tumawag ito.
"Eh okay ka lang ba, anak?"
"Oo naman Ma"
"Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo pero pasasaan ba at malalagpasan mo rin iyan. Manalangin ka lang sa ating Panginoon" Bakas ang pag aalala sa boses ni Mama.
"Ma, ano bang unos ang hindi ko nalagpasan? Hindi si Levi ang magiging rason ng pagtigil ko upang matupad ang mga pangarap ko para sa sarili"
"Yan ang gusto ko sa iyo anak. Anuman problema ay pinipilit mong makabangon. May pangarap ka at isipin mo kung papaanong maabot iyon"
"Opo ma, makakaasa kayo ni Papa na makakaya ko ito" Sambit ko at tila maiiyak habang hawak hawak ang isang envelope na naglalaman ng aking resume para sa napili kong trabaho sa restobar.
Balang araw magtatayo ako ng sarili kong restobar pero sa ngayon ay hanggang dito lang muna.
"Eh huwag ka sanang magalit anak pero kamuka mo nga talaga iyong Peachy na 'yon"
"Maaa!!!" Pagalit kong tugon kay Mama. Kahit mismo nanay ko na ang nagsabing kamuka ko ang bagong nobya ni Levi.
"Pero syempre di hamak naman na mas maganda ka. Maputi lang at alaga ni Belo ang balat nun. Tiyak akong pag pinaitim mo yon eh pangit"
Natawa naman ako sa sinabi ni Mama.
"Nabasa ko pa nga sa dyaryo kung sino sino na ang naging nobyo nyan! Mahilig pala sa mayaman!"
"Maa!! Ang sama mo!"
"Aba, talaga naman?! Hindi pa marunong umarte sa bago nitong teleserye" Pagtataray pa ni Mama.
"Eh bakit nyo pinapanuod ni Papa, Ma?!"
"Naku! Si Ian Veneracion lang naman inaabangan ko don!"
"Hay nako, Mama. Ewan ko sayo"
"O sya anak at manunuo-- este maghuhugas pa pala ako ng plato!"
"Si Mama talaga! Ang labo kausap. Sige na po, Bye at I love you sainyo ni Papa"
"We lab you too anak kong maganda"
Napangiti ako ng balikan ang alaala ng pakikipag usap ko sa aking magulang. Maswerte ako at ang mga ito ang mga naging magulang ko.
Kahit ano pa man ang sakit na dulot ng kahapon ay nandiyan sila upang umalalay sa aking likod.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
