Nagpasya akong dumaan muna sa isang clothing shop upang bumili ng kailangan kong mga gamit at tuwing magbabayad ako ay hindi naman mapakaniwala ang mga kahera sa gamit kong credit card sapagkat pang mayaman lamang ang ganung klase at hindi naman ako mukang anak mayaman. Dahil shorts at tshirt ni Levi lamang ang suot ko at ang sirang doll shoes ko. In short, nakapambahay lamang ako.
Nagmamadali naman akong nagbihis sa changing room at matapos ay nagpasyang dumeretso sa school.
Gusto ko sanang magcommute lang ngunit nagpumilit ang isa sa mga driver ni Levi na ihatid ako kundi ay baka tanggalin raw ito ni Levi sa trabaho kapag nagkataon.
Wala na akong nagawa kundi pumayag dahil sa kabila nito ay ayoko namang may mawalan ng trabaho dahil sa katigasan ng aking ulo.
Isang simpleng dress at denim jacket ang aking suot at bumili na rin ako ng bagong doll shoes na ipapares rito.
Nagpasya na lamang ako magpababa malayo sa entrance ng campus upang hindi ako makita ni Caleb na bumababa ng isang BMW.
"Manong, tatawag na lang ho ako kapag magpapasundo" Sambit ko rito bago bumaba ng sasakyan.
"Sige Mam Ellie. Paalam"
At nagpatuloy na ito.
Late na ako sa history class at siguradong nag aalala na si Caleb.
Speaking of him,
Nakita ko itong naghihintay sa ilalim ng gusali at mukhang hindi mapakali.
Umaliwalas naman ang mukha nito ng magtagpo ang aming mga mata.
"What happened? Who did this?!" Sambit nito sabay sipat sa aking namumulang pisngi at sugat sa labi.
"W-wala.. Ah..eh nahulog kasi ako sa hagdan sa bahay.." Nagsinungaling muli ako. Masakit makitang naniniwala naman ito.
"Ganun ba..Sa susunod mag iingat ka, Ellie" Napabuntong hininga ito.
"Tara..baka magalit na si Prof. Magtanggol" Pag aaya ko at nauna na ako sa klase. Hindi ko na kasi masikmurang magsinungaling pa dito
At ito pa lamang ang unang araw. Papano na ang mga susunod?.
Natapos ang klase ay nagpasya na itong ihatid ako sa bake shop.
Hindi alam ni Levi ang tungkol sa pagtatrabaho ko rito at hindi ko balak malaman pa nito.
Habang nasa sasakyan kami ay hindi maiwasan ang namumuong tensyon sa pagitan ni Levi.
"Is something bothering you, Ellie?" Ika nito sa makapal na british accent.
"Ha? Wala naman..Bakit?" Sagot ko.
"Wala lang, kanina pa sa klase ay parang lumilipad ang isip mo" Pahayag nito at hindi sya nagkakamali.
"Ah eh..napuyat kasi ako sa paggawa ng homework kagabi" Napakagat labi ako sa pagsisinungaling.
"Ganun ba..staying up all night is not good for your health" Sambit nito sabay hawak sa aking kamay habang ang isa naman ay nanatili sa Manibela.
"Hindi na mauulit.." Sambit ko sabay pisil sa mga kamay nito.
"Did you miss me?" He smiled.
"Syempre naman.." I smiled back.
"Good..just confirming" Sambit pang mulit nito sabay halik sa aking kamay.
Ramdam ko na importante ako kay Caleb at ganun rin ako dito.
"Ellie"
"Yes?"
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...