"You look beautiful, Ellie" Ika ni Levi na nakaupo sa kama habang ako naman ay sinisipat ang aking kabuuan sa salamin.
Isang green haltered dress and napili kong suotin para sa isang charity event na pinamumunuan ng parents ni Levi na gaganapin sa isang sikat na five star hotel ngayong gabi.
Habang si Levi naman ay isang pitch black tuxedo ang napiling suotin. Napakaguwapo nito at hindi na ako magtataka kung magiging tapunan ito ng tingin ngayong gabi.
May kaba sa aking dibdib sapagkat hindi basta normal na estado ng mga tao ang aking makakasalamuha mamaya. Puro socialite, elites, at may pangalan sa industriya ng pagnenegosyo ang imbitado sa charity even na ito.
Naisip ko nang humindi kay Levi ngunit hindi ko gustong isipin nito na hindi ko nais suportahan ang kanyang mga magulang. Ngunit isa lamang ang hiling ko ngayong gabi, at iyon ay hindi mapansin ng mga tao.
Ngunit parang magiging imposible iyon. Aside from being with a filthy rich persona like my boyfriend, Levi was also one of Asia's most famous bachelor. He's drop dead gorgeous, at nakikita ko na ang magiging reaksyon ng mga tao kapag nakita itong kasama ang isang katulad ko.
Petite,nerd, and simple looking teenage girl, walking beside Levi Maximus, a CEO, and a successful businessman.
"You think so?" Sagot ko rito habang ito ay busy nagsusuot ng medyas at mamahaling sapatos.
"Babe, there you are again.." Levi said sa seryosong tono. Hindi nya gusto tuwing ako ay hindi sigurado sa aking sarili at mas minahal ko pa sya dahil kahit ano pa man ang aking itsura at estado, ay mahal na mahal pa din ako nito.
"Sorry..ayoko lang naman mapahiya ka na kasama ang isang tulad ko.."
"Isang tulad mo?" Tumayo ito at lumapit sa akin.
"Simple, at walang masasabi sa buhay" Sagot ko at hindi nito nagustuhan iyon.
"Wala kang ideya kung gano ka kaganda, Ellie Rose. Ako ang dapat mahiya because I dont deserve such a beautiful,kind,smart as hell woman like you. Bonus na lamang ang magandang hubog ng katawan mo.." Sagot nito at tila namula naman ang aking pisngi sa huling sinabi nito.
"Pasensya ka na.."
"Mahal natin ang isat isa. Sapat na iyon. We dont have to prove ourseleves to the people around us" He muttered and looked at me instensely.
"Sinong nagsabing mahal kita?" Pagbibiro ko rito.
Nawala ang ngiti sa mukha ng lalaki at tila nanigas ang panga.
Tumawa ako ng malakas at saka mariin kong hinalikan ito sa labi.
"I love you! I love you! Soooo much!" I hugged him tighter and he hugs me back.
"Don't say that again" Seryosong tono nito.
Kumalas ito sa akin at lumabas ng kwarto. Tila nakokonsensya naman ako sapagkat napapadalas ang pang aasar ko rito.
Mamaya lang ay nagpasya na kami magtungo sa nasabing venue. Kapwa kami nakaupo sa passenger seat ng mercedes benz na pag aari ni Levi. Si Mang arthur naman ang kanyang napiling driver ngayong gabi.
Nakakabingi ang katahimikan at hindi ko naman kayang tiisin ang hindi pagkikibo sa akin ng aking nobyo.
"Mmm.." Umurong ako upang dumikit sa tabi nito. Napakabango nya at talaga namang napakatikas ng hitsura.
Hindi ito kumibo at nagpatuloy naman ako sa aking plano.
"Mmm.." Hiniga ko ang aking ulo sa braso nito at saka niyakap ko ito ng mahigpit ngunit hindi ito matinag.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
