"Anak ng!" Sigaw ng lalaki na hindi ko naman sinasadyang mabundol dahil sa pagmamadali.
"Sorry po! Pasensya na!" Paghingi ko paumanhin at nagpatuloy tumakbo sa gusali kung saan nagtatrabaho si Tiya Anabelle habang hawak ko ang damit na ipinag-utos sa aking dalhin.
Tiningnan ko ang aking relo at mabuti na lamang ay umabot ako sa oras ng aming usapan. Binigay ko ang I.D ko sa guwardiya at laking pasasalamat ko ay hinayaan na ako nito pumasok sa lobby upang doon ko na lamang hintayin si Tiya.
Habang naghihintay ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng lobby. Ako naman ay namangha kung gaano ka elegante ng detalye ng mga furnitures sa bawat sulok at ang naglalakihang chandelier na nakalambitin sa itaas. Tanging sa pictures sa magazines ko lamang ito nakikita ngunit heto at aking napagmamasdan ito sa personal.
Makalipas pa ang paglikot ng aking mata sa paligid ay hindi ko napansin ang lalaking umupo sa aking tabi.
Hindi ko naman sinasadyang masamid ng makita ko ang gilid ng mukha nito. Naka shades ito subalit kitang kita ang kagwapuhan nito ganunpaman.
Artista ata ito.
Bulong ko sa aking sarili sabay kunwari umubo ubo pa.
"Excuse me, Are you okay?" Kanyang tanong, dahilan upang makita kong buo ang mukha nito. Jusko, ang gwapo nga.
"Uhm..Oo" Sagot ko na malamang ay namumula na ang aking buong mukha.
"Good.. I'm Caleb" Sabi nito sabay alis ng shades at abot ng kamay sa akin.
Caleb??? Maximus??? Halos nagsusumigaw naman ang aking dibdib dahil naalala ko ang sinabi ni Patricia. Gwapo raw ito.
Hindi naman nito sinabi na bukod sa kulay gray ang mata nito, ay may napakalalim pa itong dimples sa isang pisngi. At ang buhok nitong natural na pinilit pang itali sa may likuran ay dumagdag sa presensya nito. Bumaba ang mata ko sa mga labi nito. Na syang pinagtataka ko kung bakit mas pink pa ang mga ito kesa saakin.
"You alright?" Sambit nito at tila naman huminto ang paghinga ko.
"S-Sorry..Ako si Ellie" Pagtanggap ko sa kamay nito na mainit.
"Ellie lang? I mean, whats your real name?" Sabi nito at hindi ko naman mapigilang mapangiti ng matamis kung paano nito sambitin ang pangalan ko.
"H-ha ah, Ellie Rose Corpuz" Sagot ko na tila nahihiya pa.
"I'm Caleb Maximus" Pagngiti nito with his complete set of pearl white teeth.
Alam ko. Kaklase kita sa history class. Gusto kong sabihin ngunit nagpigil lamang ako.
"May lahi kaba?" Tila naman nahihiya kong tanong. Tumawa muna ito bago sumagot.
"My dad's british, and my mom's filipina" Caleb smiled once again making my heart flutter.
"Ahh" Pagsagot ko naman.
"So, anong ginagawa mo dito?" Tanong muli nito. Base naman sa kanyang accent ay halatang hindi ito lumaki sa Pilipinas.
"Napag utusan lang ihatid ito" Sambit ko sabay aking pinakita ang hawak kong damit.
Sya namang pagdating ni Tiya Anabelle at ng makita nito si Caleb ay parang himalang abot langit naman ang kanyang ngiti na ngayon ko lamang nakita sa loob ng isang buwan kong pamamalagi sakanila.
"Good afternoon Sir" Pagbati nito kay Caleb.
So, tama nga ako. Caleb's family own this business. Pero, kaano ano ano nya ang lalaking nabundol ko ng nakaraan sa labas ng building? Halos pareho sila ng facial feautures lalo na ang kulay abo na Mata.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
Roman d'amourSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...