Chapter 56

4.4K 53 7
                                    

"Miss Corpuz, you're next" Ika ni Mrs. Pacheco, isa sa mga thesis panel na kasalukuyang ginaganap sa business ad department.

Punong puno ako ng kaba sa dibdib sapagkat pinaghandaan ko ito ng husto at isa pa ay gusto kong maipasa ito upang maibalita kila Mama at Papa.

"Kaya mo yan Ellie!" Si Pat, na todo suporta sa akin habang inaayos ang aking attire ng araw na iyon. Nagpapasalamat naman ako dito sapagkat pinahiram nya ako ng kanyang business attire.

Si Pat lamang ang naturang karamay ko matapos ang nangyari magdadalawang buwan na ang nakalipas.

Pumanaw na rin kasi ang ina nito at tanging ang isa't isa lamang ang takbuhan sa tuwing pabigat ng pabigat ang aming dinadalang problema.

Pilit ko mang itaboy ang insidente kay Caleb ay araw araw pa ring nanunumbalik ang pait ng nakaraan.

Tinupad naman ni Levi ang pangako nitong layuan ako at kahit parati ko itong tinataboy sa aking isip araw araw ay sya namang pahirap ng pahirap gawin dahil ito ang laman ng balita ng mga nakaraan.

Nasurpresa ang mundo ng industriya matapos ang bali-balitang balak ng niyang magbitiw sa pwesto bilang CEO ng Maximus trading and marketing Corp at ako man ay hindi makapaniwala ngunit kailangan kong isawalang bahala ang balita dahil hindi ko din gustong maalala pa ito.

Tuwing mapapahawak ako sa aking tyan ay naalala ko naman ang naiwang sugat roon ng balang kumitil sa buhay ng aking anak at muntik ko na ring ikamatay.

Pilit ko na lamang iniisip na baka nangyari ang mga bagay na iyon ay dahil hindi pa ito ang tamang oras. At hindi ko pa oras. At marami pang bagay ang maaaring mangyari sa aking buhay.

"Hey, tawag ka na" Boses ni Pat ang nagpagising sa aking malalim na kaisipan.

"Ha? Okay okay. Wish me luck!" Niyakap ko ang babae at saka kinakabahang pumasok na sa loob ng airconditioned room.

Maaliwalas ang kwarto at sa gitna nito ay may mahabang upuan kung saan nakaupo ang tatlong guro na magsisilbing audience ko para sa aking presentation ngayon.

At hindi ko na pinatagal pa ang oras.

Sinimulan ko na ngang talakayin ang topic tungkol sa Management of Family business at ang kinasasakupan nito ay hindi ko rin pinalampas.

Mabilis naman nawala ang aking kaba dahil alam kong wala man ang Mama at Papa rito upang suportahan ako ay alam ko namang pinagdadasal nila ang pagtatagumpay ko ngayon araw at sapat na iyon.

Tumagal rin ng halos trenta minutos dahil gusto kong siguraduhing naiintindihan ng mga panels ang nais kong talakayin. Maigi naman ang resulta sapagkat mukang satisfied naman ang reaction ng mga guro.

Pagkatapos ng aking thesis ay nagpasya kaming dumeretso ni Pat sa Highlands Bar. Oo, dito pa rin ako nagtatrabaho sapagkat malaking tulong ang naiipon kong sahod upang pangtustos sa inaraw araw na gastusin ko.

Bukod pa roon, ay pamilya na ang turing namin sa isa't isa at mahihirapan akong mag-adjust kung maghahanap pa ako ng panibagong trabaho.

Simula ng insidenteng nangyari ng nakaraang dalawang buwan at tulad ng pangako ni Levi ay hindi na ito nagpupunta ng bar at tanging si Sir Leo na lamang ang madalas na nagpupunta sa bar.

Pinili ko naman ilihim na lamang ang nangyari sa akin katulad ng napag-usapan namin ng lalaki. Sapagkat mas gusto naming mamuhay na lamang ng tahimik at hindi binabalot ng tsismis at problema.

At matapos din ang insidente ay madalas kong maisip kung ano na nga ba ang estado ng relasyon ni Peachy at Levi. At kailan ang kanilang kasal. Basta ang buong alam ko ay hindi pa rin binabalita ang paghihiwalay ng dalawa, kung saan ibig sabihin ay sila parin.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon