Papalit palit ako ng pwesto sa aking kama ng gabing iyon. Hindi ako makapaniwala sa mga katagang binitawan ni Levi kanina. Ngunit hindi ito ang magiging dahilan kung bakit tuluyang masira ang aking gabi.
Higit pa sa tuwa ang aking naramdaman ng nagpahayag si Caleb ng kanyang nararamdaman sa akin.
Never in my wildest dream na magugustuhan pala ako ng isang Caleb Maximus.
Napangiti ako sabay kapa sa aking puso. Sabi ni Caleb masaya sya tuwing kasama ako. At gagawin nito lahat upang protektahan ako. Sapat na iyon para sa akin.
Bigla namang tumunog ang aking telepono senyales na may nag text. Dali dali ko itong kinuha at binasa.
1 new sms
Fr: Caleb
I miss you already 😥
Tila natunaw ang aking pagkatao sa sinabi nito. Magrereply pa lamang ako ng tumunog muli ang cellphone ko.
Fr: Caleb
So much.
Tila isang daang paru-paro naman ang umiikot sa tiyan ko kasabay ng pagkabog ng aking dibdib sa mga sinasabi nito.
To:Caleb
Miss na rin kita ❤️
Fr:Caleb
Sana umaga na.
To:Caleb
Sana.Gusto na kita makasama.
Fr:Caleb
I still can't believe you agreed to be my girlfriend.
To:Caleb
And I cant believe you really liked me.
Hindi na ito nagreply ngunit maya maya lamang ay tumunog ang telepono ko. Tumatawag ito.
"Hello?"
"Ellie?"
"Hmm?"
"Tell me I'm not dreaming" Ika nito sa malumanay na boses. Mukang nasa kama na rin ito at matutulog.
"Gusto rin kita, gustong gusto. At hindi ako magsisising ikaw ang unang boyfriend ko" Sagot ko rito, sabay kagat sa ibabang labi.
Sobrang lakas ang kabog ng aking dibdib sapagkat katulad nito, para sa akin ay parang panaginip pa rin ito.
"I'm a lucky guy" Bulong nito.
"And I'm the luckiest girl in the entire world" Pagsagot ko rito at nagpatuloy kami sa pag uusap hanggang hindi namin namalayang kami pala ay nakatulog na.
Kinabukasan ay talagang nag-iba ang aking mood. Kahit nasermonan ako ng Tiya Anabelle ay panay pa rin ang aking ngiti. Wala akong ibang iniisip kundi si Caleb.
Excited na akong pumatak ang oras sa alas otso sapagkat susunduin raw ako nito mula ngayon. Hindi ako pumayag ngunit nagpumilit ito.
Matapos ko isuot ang paborito kong yellow sweatshirt at black polka skater skirt at doll shoes, Nagmadali akong kunin ang aking bag at lumabas ng bahay.
Hindi ako makapaghintay na makita ang aking nobyo.
Napansin ko kagad ang itim na sports car nito at nagmamadali akong tumungo kung saan ito nakapark. Lumabas ito ng sasakyan at pinagbukas ako ng pinto.
"How's your morning?" Pagbati kagad nito pagpasok ko sa loob.
"The best! Ikaw?" Tanong ko ngunit imbis na sumagot ay hinila ako nito at dinampian ng halik sa labi kasabay ng pagyakap sakin.
Hindi naman ako nagpatalo at hinalikan ko rin ito at niyakap ng mas mahigpit.
"Me and Levi fought last night" Ika nito na nagpakunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
