"Last night.." Mahina kong sagot.
"So thats why you weren't answering any of my calls?"
"H-hindi sa gan--.."
"You were busy fucking my brother.."
"Nagkakamali ka.."
"I don't know Ellie. I thought we were okay?" Nakakunot ang noo nito habang hindi nya magawang tingnan ako.
"Levi.." Malalim ang buntong hininga ko.
"Caleb told me everything.." Sambit nito na napalunok pa ng mariin.
"W-what?" Nagtataka naman ako sa binitawan nitong pahayag.
"You're a fucking slut, damn you" Halos nag aapoy ang mga tingin nito sa akin.
Youre a fucking slut. Nagpaulit ulit ang mga katagang iyon sa aking isip at mamaya lamang ay nagbabadya muli ang mga luha ngunit tinulak ko iyon at nagdesisyong hindi na magsalita because Levi already judged me without hearing my side of the story.
Napakasakit.
"Yes" Matipid kong sagot.
Naninikip sa galit ang aking dibdib at anytime ay sasabog ito. I should have known better. Levi does not trust me at natatakot ako na kapag sinabi ko rito ang buong kwento ay hindi ako paniwalaan.
"Yes what?!" Levi spat. He's furious.
"Maybe I am a slut. Your slut and Caleb's slut too" Nakangiti kong tugon dito at kitang kita ang shock at galit sa mga mata nito.
"I'm so stupid to even believe that you were mine. Only mine" Sabi nito sa malalim na tono. Levi is furious and so am I.
"The irony.." Sambit ko at napalingon ito.
"So this is about Jessica..kaya ka ba nakipag sex kay Caleb because you were jealous?" Tanong nito.
Para akong sinaksak sa binitawang kataga nito. Hindi ako nakapagsalita dahil natatakot akong baka masabi ko rito ang totoo. Na tama sya. Nagseselos ako kay Jessica.
"Siguro.. isa pa, pumayag akong maging babae mo pero hindi ko sinabing hindi ako pwede magkagusto sa iba" Manipis kong sagot.
Nagpatuloy akong magsinungaling upang tuluyan na nga namin tigilan ang namamagitan sa amin at hayaan na paniwalaan nya ang gusto nyang paniwalaan.
"I thought you said you love me..nevermind.." Malalim ang paghinga nito at nakayuko ng bahagya.
"Levi.. tama na siguro. Itigil na natin ito" Lakas loob kong pahayag.
Hindi ito gumalaw at nanatiling nakayuko.
"Siguro nga" Mamaya lang ay nagsalita ito.
Akma kong bubuksan ang pinto ng magsalita muli ito.
"Ellie.."
"Yes?"
"Do you really love me?"
"Levi, let me ask you that this time. Kahit kapiraso ba ay may naramdaman kang pagmamahal sakin?"
Imbis na sumagot ay tumingin ito sa akin. Malamlam ang kanyang mata na minsan ay kulay abo. Mahabang katahimikan ang naganap sa pagitan namin. Sapat na iyon upang tuluyan na akong lumisan sa piling nito.
Naninikip ang aking dibdib habang nakatingin sa langit. Tumila na ang ulan ngunit ang pagbuhos ng aking luha ay hindi magawang huminto habang tinatahak ko ang daan pauwi sa aking apartment.
Diyos ko, patatagin Mo pa po ako. Pagdasal ko ng tahimik.
Ano pa ba ang kulang sa akin at hindi ako magawang mahalin nito? At bakit ba binuhos ko lahat ng pagmamahal ko rito na wala na natira sa akin.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomantizmSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
