Chapter 64

4.2K 55 2
                                    

Madilim na ang paligid ng ako ay nagmulat ng aking mga mata at hindi ko naman namalayang nakatulog na pala ako sa bath tub.

Lumabas na ako mula sa banyo at nakitang wala si Levi sa aming kwarto. Naglakad naman ako patungo sa walk in cabinet at saka kumuha ng aking pamalit. Isang cute na off shoulder dress na kulay dilaw.

Bigla namang naramdaman kong kumalam ang aking sikmura at nagpasya akong magtungo sa baba at sa kusina upang kumuka ng makakain.

Nasa gitna pa lamang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang mga kasama namin na nagsisiyahan sa baba. Narinig ko pang may nagkakaskas ng gitara habang kumakanta at ang masayang tawanan at tuksuhan.

Tuluyan na akong bumaba hanggang tumambad sa akin ang mga ito na nakapalibot sa isang long wooden table at hindi nga ako nagkakamali sapagkat nakita ko si Levi na nakaupo at may hawak na baso ng scotch.

Nagulat ito ng makita ako ngunit di nagtagal ay naglaho ang ngiti nito sa mga labi ng mapansing hindi ko suot ang aming engagement ring.

Imbis na magtungo rito ay mas pinili kong magpunta sa kusina at maghanap ng makakain.

May nakita akong roasted chicken kaya hindi na ako naghintay at naupo sa high wooden stool at saka nilapag ang pagkain sa counter. Nagsimula na nga akong kumain ng tahimik habang hindi ko naman maiwasang dumapo ang aking tingin sa mga ito na nagsisiyahan sa veranda.

Ang mga kababaihang nakapalibot sa lalaki ay nagdadala ng selos sa aking dibdib.

"Skin and bones daw pero panay ang bulungan.." Diko maiwasang bulong sa sarili habang nakikita ang isa sa mga babaeng masayang nakikipagkwentuhan kay Levi.

Inirapan ko na lamang ito at saka tila galit na galit na nginunguya ang manok sa aking bibig.

Kitang kitang panay ang tawa ni Levi at ganun din ang babae. Ngunit panay din ang tapon ng lalaki ng tingin sa aking direksyon na tila nang aasar at sinasadya ang pagbulong sa babae.

"Hmm..ganon ha..Makikita mo.." Mabilis kong nginuya ang pagkain sa aking bibig at saka uminom ng tunig.

Inayos ko naman ang aking hitsura sa may salamin bago nagpasyang dumalo sa sayahan ng mga ito.

As usual, walang pakialam sa akin ang mga babaeng nakapalibot sa aking nobyo at ganun din ang mga lalaki na busy nagkwekwentuhan.

Habang umayos naman ng upo si Levi ng makita ako. Imbis na tumabi rito ay nagpasya akong maupo sa kabilang side.

"Hi, can I join you?" Maarte kong sambit kay Jacob, ang pinakabata sa mga colleagues ni Levi at isa pa ay single at gwapo ito.

Perfect for my plan.

"Oh, hi there Ellie. Sure, you can seat here" Mabait na sambit nito at saka tumayo upang pauupuin ako sa tabing upuan nito. ngumiti naman ako ng pagka sweet na sweet rito.

Lingid sa aking kaalaman ay ang masamang tingin ni Levi sa kabilang side ng mesa.

"Ikaw 'yung nagsusurf, tama ba?" Nakangiti kong tanong kay Jacob.

"Yes, why? Do you surf?" Curious na tanong nito.

"No! Pero nasubukan ko na" Sagot.

Dumapo ang tingin ko kay Levi at halos sumabog ang mga ugat na naglalabasan sa leeg nito habang matalim ang tingin sa amin ni Jacob.

"Oh really? Levi is a great surfer. You should ask him to teach you sometime.." Sambit ni Jacob.

"Oh ganun ba? O-of course. I would love to.." Sinadya ko pang dumikit ng husto sa lalaki at nasa ganun kaming posisyon ni Jacob ng biglang kumalansing ang baso.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon