Alas nuebe pa lamang ng umaga pero tila hapong hapo ako habang nakaupo sa klase at hinihintay ang aming guro ngayong araw na si Mr. Gatchalian.
Hindi ko mawari ang aking nararamdaman ng mga nakaraang araw at tuwing inaatake ako ay umiinom na lamang ako ng gamot na nireseta ng doktor na kaibigan ni Levi.
Ngunit paubos na ito sapagkat halos mahigit isang buwan ko nang iniinom ang gamot at huli na ang aking iinumin para bukas.
At mahigit isang buwan na rin simula ng pagtatagpo namin ni Levi ng gabing iyon. Hindi na muling nagparamdam ang lalaki. At naisip ko namang oras na rin upang ako ay manumbalik sa trabaho kaya naman balak ko na ngang magpaalam kay Lisa na aalis na ako sa Mansyon.
Muka rin namang hindi na ako pinupuntahan ng misteryosong customer sa bar ayon sa impormasyon ni Maica.
Siguro ay nais lamang talaga nitong tumulong. At hindi ko dapat ikatakot iyon dahil kung may masama itong binabalak sa akin ay sana matagal na nitong ginawa iyon.
Matapos ang klase ay naisipan kong dumaan sa hospital kung saan ako dinala ni Levi at humingi ng panibagong reseta sa aking mga gamot at para humingi na rin ng tulong kay Dra. Anne kung normal lang ba ang aking nararamdaman at isa lamang side effect ng gamot ang aking nararanasan.
Paglabas ng aking paaralan ay sumakay ako ng jeep at saka ng tricycle bago nakarating sa Private Hospital. Wala si Mang Art ngayon sapagkat may importante itong lalakarin. At ang isang driver naman ni Levi ay nagbakasyon sa probinsya.
"Good morning, ano pong kailangan nila?" Tanong ng nurse sa information desk.
"Ahm nakaduty po ba si Dra. Anne?" Tanong ko rito.
"Yes po pero nagrounds lang ito sandali" Sagot nito.
"Ganun ba.. sige hihintayin ko na lang ito matapos.." Ngumiti ako sa nurse at saka naupo muna sa isa sa mga upuan.
Hindi ko naman namalayang nakaidlip na pala ako at ng maramdaman kong may tumatapik sa akin at agad na nagising ako.
"Mam, kayo na po ang next sa room 34b" sabi ng nurse na nakausap ko kanina.
Kinuha ko ang aking bag at saka nag ayos ng damit bago tuluyang pumasok sa loob.
"Magandang hapon po Dra." Bati ko sa babae na busy nagsusulat.
"Oh, hi, Miss?"
"Ellie po.."
"Oh yeah I remember. Levi's friend?" Sambit ng doktora at tumango ako.
"What brought you here?" Tanong ng duktora at sinenyasan akong maupo.
"Ubos na po kasi ang gamot na nireseta ninyo.." Maikling sagot ko.
"Ah ganun ba? Sure, I'll list it down for you. I'll just check your records.." Sabi nito bago tumayo at may kinuha sa drawer.
"At dra... may itatanong rin sana ako.."
"Sure, ano 'yon?" Nakangiting tanong ng doktora.
"Madalas kasi ay nahihilo ako at parating inaantok.. normal lang ba iyon?" Tanong ko.
Nakakunot ang noo nito at napatigil sa pagsusulat habang naguguluhang nagtanong.
"Hindi ka naman allergic sa gamot diba?" Sabi ng doctora.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
