Masaya ang nagdaang araw sapagkat nakita ako kakaibang side ni Levi. Hindi totoo ang tsismis sa mga magazine at tabloids na masungit ito at mahigpit at hindi mahilig makisalamuha. Ibang iba ang Levi na nasa harap ko ngayon.
Masayang namimingwit ng isda kasama ang aking Papa sa kabilang dulo ng ilog habang kami naman ni Mama ay nagbabanlaw ng mga kumot at punda habang nag luluto ng aming makakain ngayong tanghalian.
Nagpasya kaming mamasyal at maligo sa ilog sapagkat maganda ang sikat ng araw at upang maranasan na rin ni Levi kung papaano nga ba ang buhay sa probinsya.
Napakasuwerte ko rito sapagkat ni minsan ay hindi nito hinusgahan ang klase ng pamumuhay namin. Tila kami langit at lupa pagdating sa estado ng buhay.
Ngunit para sa lalaki ay hindi ito sagabal sa aming pagmamahalan.
Mahal na mahal kita..
Halos hindi ako makatulog kagabi sa sobrang saya ng aking naramdaman matapos ito umamin na mahal nya ako.
"Anak, sigurado ka ba na babalik ka na sa Maynila?" Si Mama na nag aayos ng aming kakainin.
"Oo ma. Isa pa ay sabi ng head sa aming department ay pwede pa raw ako makahabol bago ang midterms" Sagot ko rito.
"Humingi ng permiso sa amin ang iyong nobyo kung pupwede ka raw doon na sa bahay nito tumira" Sambit ni Mama at halos mabilaukan naman ako sa sinabi nito.
"Sigurado kang sinabi nya iyon?" Paglilinaw ko.
I already expected Levi to do this. Pero isang banda ay nakakahiya rito isa pa ay hindi kami Kasal at kakahiwalay lamang nila ni Jessica.
But I know Levi.
Hindi ito titigil hanggang hindi ako umoo sa gusto nito lalo na at pagdating sa topic na yun.
"Oo. Heto namang Papa mo mukang tuwang tuwa sa lalaki palibhasa mukang pera itong Rolando na ito.." Pagbibiro ni Mama kay Papa.
"Maaa..baka marinig ka"
"Hayan mo dyan. Ayan nga at tila aayain pa sa sabong ang iyong nobyo.." Sambit pa ni Mama.
Mukhang tama nga ito kaya oras na upang hatakin si Levi sa pamimingwit.
"Levi..halika at kakain na..Pa, tama na yan" Pagbabanta ko kay Papa at alam ko naman na alam nito ang kahulugan ng nais kong ipahayag.
"Oh sya, pag isipan mo ang aking sinabi hijo" Ika ni Papa at nanlalaki ang aking mga mata.
"Papa!" Pagbabanta ko muli rito.
Natawa naman si Levi at saka ako inakbayan patungo sa aming tent.
"Pasensya ka na kay Papa.." Bulong ko dito.
Naawa naman ako sa hitsura nito sapagkat amoy isda na ito at pawis na pawis sa pamimingwit. Nahirapan ata sapagkat di naman ito sanay sa ganitong klaseng pamimingwit. Siguro ang gamit nito ay iyong mga mamahalin na gamit habang nasa sarili nitong yate.
"I think I'm gonna come with him.." Ika nito at nasurpresa ako.
"Levi..there's no need!" Pagtutol ko rito sa pagsama sa sabong.
"What? I've never been to one. I wanna see how it is" Pinagmatigasan nito.
"Diyos ko, maingay don at masikip.."
"So? I can manage, baby. Don't worry" Sagot nito sabay dampi ng halik sa aking noo.
"I love you.." Dagdag pa nito at ngumiti naman ako bago sumagot.
"I love you more"
Tuwang tuwa naman ang lalaki sa ulam na hinain ni Mama. Enseladang talong at inihaw na bangus ang hinanda ni Mama at sarap na sarap si Levi habang nagkakamay. Matagal umano bago nito huling natikman ang mga ganitong klase ng pagkain. Abot langit naman ang ngiti ni Mama at Papa sapagkat nagustuhan ni Levi ang nakahanda.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
