Nagmamadali kong niligpit ang mga cake sa fridge at ang mga tables at chairs sa loob ng bakeshop dahil kelangan kong umabot sa sakayan ng jeep bago mag alas nuwebe ng gabi.
May sakit si Pat kaya naman ako lamang ang tumao sa bake shop. Mabuti na lamang hindi ganun karami ang customers ngayon ngunit sapat upang makabenta kahit papaano. Sa shop ko na rin tinapos ang aking homework para bukas.
Nasa locker room ako ng biglang tumunog ang aking telepono. Nagmamadali naman akong kinuha ito bago sinagot. Number lang ang nakaregister sa screen.
"Hello?" Sagot ko.
Sa una ay tila walang sumasagot.
"Sino ito?" Sagot kong muli at narinig ko naman ang kabilang linya na kumaluskos.
"Ellie its me" Pahayag nito sa mababang boses.
Tila tumigil ang tibok ng aking puso. Hindi ako pwedeng magkamali. Namiss ko ang boses na iyon.
"Caleb?" Tila sasabog ang aking dibdib sa excitement.
"Yep" Maikling sagot nito.
"Kumusta ka na? Mabuti napatawag ka?" Aking tanong pero sandaling tumahimik nito.
"Uhm, wala lang. I just missed your voice" Pahapyaw na sagot nito sabay suminok.
Lasing ba ito?
"Ganun ba..I miss you too" Hindi ko na napigilang sabihin kahit pa alam ko naman na friendly word lang iyon para kay Caleb.
"Sorry ha?"
"Ha? para saan?"
"For everything I said or did to you"
"Caleb ano ka ba. Wala ka namang kasalanan sa akin" Tila natawa pa ako sa huling pahayag nito.
Ngunit tila seryoso ito.
"He doesn't deserve you, Els" Sambit pa nya at naguluhan naman ako kung sino ang tinutukoy nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Alam mo kung sino ang tinutukoy ko.. stay away from him.. he's gonna use you and eventually get tired of you" Pagdidiin ni Caleb.
Ano ba ang nalalaman ni Caleb sa aming dalawa? Alam kong hindi magagawang sabihin ni Levi ang nangyari umano sa aming dalawa. Ngunit ano itong sinasabi ni Caleb?
"Caleb, walang namamagitan sa amin ni Levi..tinulungan lang nya ako..huwag kang mag isip ng kung ano pa man.." Pahayag ko ngunit hindi ako narinig nito.
"Levi is a danger zone, Ellie. You are my friend and I dont want you to get hurt" Tumaas na ang boses nito. Bakit nga ba ganito na lamang kung magsalita si Caleb patungkol kay Levi? May namamagitan bang hindi maganda sa magkapatid? May hindi ba pagkakaintindihan ang dalawa?
"Caleb mabuti pa at magpahinga kana. Nakainom ka na at alam kong hindi mo gusto ang mga sinasabi mo saakin ngayon" Sagot ko rito.
"I'll see you tomorrow" At pinatay na nito ang telepono.
Halong lungkot at saya ang aking nararamdaman sapagkat makikita kong ito muli sa campus. Lungkot dahil pinaalala lang saakin nito kung ano ang tunay na estado ko sakanya. A friend. Pero nagpapasalamat ako at nag aalala pa di umano ito saakin. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking pisngi bago tuluyang isara ang bake shop.
Kinaumagahan ay normal as usual. Pagdating ng hapon ay nagmamadali naman akong magpunta patungo sa history class.
Papaliko pa lamang ako ng building ng biglang may humila sa aking kamay.
Nagulat naman ako ngunit ng makita ko kung sino iyon ay hindi ko napigilang ngumiti.
"Caleb!" Kasabay ng pagyakap ko rito na syang ikinagulat nito. Pati na rin ako.
Ano ka ba Ellie!
"Namiss rin kita" Sambit nito.
"Kelan ka dumating?" Hindi talaga mapapawi ang ngiti sa aking labi tuwing kasama ko ito.
Ang gwapo nito sa suot na faded jeans, vans, at plain black shirt.
"Yesterday. Here, I've got something for you" Dali nitong may kinuha sa back pocket ng kanyang jeans at inabot sa aking kamay.
"Ako ito?" Abot langit ang aking saya habang tinitignan ang isang key chain ng isang hawaii dancer at kamuka ko pa ang naka ukit. May pangalan rin sa likod nito.
For Ellie Rose
"Thank you Caleb, nag abala ka pa" Dali dali ko itong tinago sa aking bag.
"You like it?" Caleb asked at tumango tango ako na parang bata dahilan upang Ngumiti ito at inakbayan ako patungo sa history class.
Usap usapan sa campus ang pagkakaibigang matalik namin ni Caleb ngunit hindi sapat iyon upang isipin nilang may relasyon kaming higit pa sa pagkakaibigan sapagkat kilala nila si Caleb at hindi ito basta bastang papatol sa katulad ko. Ganunpaman, masaya ako at kaibigan ko sya.
Matapos ang klase ay sinamahan pa ako ni Caleb sa bake shop at tinulungang mag pack up. Talagang maswerte naman ako sa pinapakita nitong kabutihan. Kung sino pa ang mayaman at mataas na ang narating sa buhay, sila pa ang may mabuting kalooban.
"Caleb?" Tawag ko rito habang nasa sasakyan kami nito pauwi.
"Yes?"
" Wala lang. Napakaswerte ko may isang katulad mong tao sa buhay ko. Kaya salamat. Ng marami" Pahayag ko rito at bahagya itong tumingin saakin bago ngumiti.
"You're like a sister to me Ellie. I wont let anything bad happen to you. You're one of the most precious people in my life" Ika ni Caleb na syang ikinatuwa ko. Kailangan ko na talaga sigurong tanggapin na hanggang dito na lamang kami nito.
Haaaay. Ang sakit. Pero magiging okay din ako.
"Uhm Thank you sa paghatid, Cal" Sabi ko rito at bago ko buksan ang pinto ay nagsalitang muli ito.
"Els, before I forgot. One of our family friend is getting married next Saturday and I was wondering if you'd come with me? to be my date?" Tanong ni Caleb. Nagtaka naman ako bakit hindi si Bree ang inaya nito.
"S-sige. Sure" Sagot ko na lamang dahil sayang rin ang pagkakataong makasama ko ito.
"Huy Ellie sino yon, naka Mustang GT? Boypren mo?" Pag usyoso nanaman ni Juliet habanag ngumunguya pa ng bubble gum.
"Boss ko sa bake shop"Pataray kong sagot. Akmang aakyat na ako ng bigla muli itong magsalita.
"Sino nga?!" Pagsigaw nito at gustong gusto ko ng hampasin ng lampaso ang mukha nito. Sapagkat akala mo kung sinong makatanong.
"Si Piolo Pascual" Pagsagot ko sabay takbo sa aking kwarto sa attic. Narinig ko pa itong sumigaw ng "Punyeta!".. Habang Tawang tawa naman ako sa reaksyon ni Juliet.
Kinuha kong muli ang key chain na pasalubong ni Caleb mula Hawaii sabay bagsak ng aking katawan sa kama. Habang tinititigan ko ito ay hindi ko maiwasang maalala ang mga katagang binitawan nya sa telepono.
Caleb was just being protective of me. Dahil ayon sakanya, ay para na akong kanyang nakababatang kapatid. After all, Caleb is one year older than me.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang hawak ang key chain sa aking dibdib at nananaginip tungkol kay Caleb.
Sana balang araw ay matuto ka ring mahalin ako.
I love you, Caleb John Maximus.

BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...