"Happy Birthday to you..Happy Birthday..happy birthday to you.." Masigabong palakpakan ang sumalubong sa akin habang papasok sa hardin sa Mansion.
Maganda ang sikat ng araw at ganun din ang liwanag na hatid ng mga ngiti ng aking pamilya at mga kaibigan na masayang sumalubong sa akin.
May hawak na regalo si Mama sa kanyang mga kamay at inabot iyon sa akin matapos akong halikan nito sa pisngi.
"Maligayang kaarawan anak" Naiiyak na tugon nito at ganun din si Papa na sumalubong sa akin.
"Thank you, Ma, Pa" Sambit ko sa mga ito.
Ngunit lalo namang nagliwanag ang lugar ng makita kong palapit ang lalaking nagpapatibok ng aking puso.
Ang nag-iisa kong mahal.
Si Levi.
Pinagmasdan ko ito habang papalapit at may hawak na maliit na box.
"Happy birthday, baby" Sambit nito at saka binuksan ang karton at kinuha ang nilalaman nito.
Isang singsing.
"Will you marry me?" Lumuhod ito ngunit hindi ko masyadong makita ito sapagkat malaki na ang umbok ng aking tiyan at malapit na akong manganak.
"Yes!" Masayang sagot ko at hindi nagtagal ay nagpalakpakan ang mga tao at bumalot ang dalawang kamay nito sa aking baywang at dinampian ng halik ang aking labi bago dumapo sa aking tiyan.
Nagsimula namang dumilim ang paligid at lumakas ang hangin. Hanggang sa bumuhos nga ang malakas na ulan at napatingin ako sa lalaki.
Ngunit tahimik ito na nakatingin sa akin habang nagbabadya namang bumuhos na ang ulan.
Tumingin ako sa aking paligid at nakitang nakatingin lamang sa akin ang mga bisita. Ngunit laking pagkatataka ko na hindi sa akin nakatingin ang mga ito.
"Levi?" Tawag ko sa lalaki ngunit nakatingin ito sa lupa.
Sinundan ko naman kung saan ang tingin nito at nagulat ako sa aking nasaksihan.
Punong puno ng dugo ang suot kong puting dress at ang nakapagtataka ay wala na ang umbok ng aking tiyan.
Pinilit kong humingi ng tulong sa lalaki ngunit hindi ito gumagalaw.
"Levi!!"
"Tulong!!"
"Tuloooong!!" Sumigaw ako sa abot ng aking makakaya.
"Ellie! wake up!" Naririnig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
Ngunit hindi ko magawang idilat ang aking mga mata.
"Wake up!" Boses ni Levi ang aking naririnig at mamaya lang ay nagawa kong idilat ang aking mga mata.
Only to find myself lying on a hospital bed at maraming kung anong nakadikit sa aking katawan.
Pinilit kong umupo ngunit tila mababasag ang ulo ko sa sakit.
"Ellie..nananaginip ka.." Boses ni Levi at napatingin ako rito.
"W-what happened?" Pinilit kong itanong rito.
Sandaling tumahimik ang lalaki at nag atubiling magsalita. Huminga ito ng malalim at saka hinawakan nito ang aking mga kamay.
"You were passed out for three days. And we're lucky we got the bullet out of you safely and didn't cause any infection..but.."
"Bullet?" Tanong ko rito na naguguluhan at bigla ngang nanumbalik ang lahat ng mangyari. Kung saan kinidnap ako ni Caleb at muntik na kaming patayin nito. Ang huling naaalala ko ay ang maramdaman ang pwersa ng bala sa aking tiyan.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
