"A-anong ginagawa mo?" Pilit kong hinanap ang aking boses.
Prenteng nakaupo ito sa aking tabi at nakatunghay sa akin habang ako naman ay tila mahihimatay sa nerbyos.
"I just wanted to see how you are now" Sagot nito.
Dumapo ang aking mata sa suot nitong leather jacket at black pants. Napaka gwapo pa rin talaga ng lalaki. Lumipas man ang halos isang taong hindi namin nakita ang isat isa, iba pa rin sa pakiramdam tuwing malapit ito sa akin. Hindi pa rin nag iba ang aking emosyon tuwing kasama ito.
Binura ko ang paghanga sa aking isipan at pumalit ang mapapait na alaala ko rito.
"Okay lang ako.. salamat sa pagtatanong pero nagmamadali ako kaya pwede bang sa susunod na lamang tayo mag usap.." Ang pagtataray ko at sandali namang natigilan ito.
Naasar ako sapagkat ayaw pang umusad ni manong driver at kung hindi pa ito aalis ay bababa na ako.
"Where are you going?" Tanong nito.
"It's none of your business Levi. Please get out of the cab" Pakiusap ko ngunit hindi naman papatinag ang lalaki.
"Sa dinami dami ng pwede mong pasuking trabaho,why here?" Sambit nito na tila nang iinsulto.
"Whats wrong with my job?" Naasar kong tanong.
"Everything. You're 18, working in a bar who sells alcohol, who's customers are 80% guys who'll try and flirt with you because of your uniform which shows your ass and tits" Komento nito at kumulo ang dugo Ko sa mga sinabi nito.
Bakat sa mukha ni Levi ang pagkadisgusto sa uniporme ko. Ako tuloy ay naguguluhan sapagkat bakit ganito ang reaksyon nya? Na para bang hindi lumipas ang labing isang buwan?.
"Hindi ko kailangan ng ibang tao upang diktahan ako sa aking desisyon. Marangal ang aking trabaho at sapat na iyon. Kung may problema ka sa uniporme ko, dun ka magreklamo sa boss ko!" Hindi ko na mapigilan ang inis ko sapagkat imbis na humingi ito ng paumanhin ay mukang naka ngisi pa ito at walang pakialam kung magalit man ako o hindi.
"You'll see Ellie, you'll see.." Yun lamang ang pahayag nito bago kumuha ng kung ano sakanyang jacket at inabot sa driver.
"Keep the fucking change" Sambit ni Levi bago lumabas ng taxi.
"Pasensya ka na manong, tara na po. Sa UP diliman" Pakiusap ko rito.
"Ang yabang ng boypren mo pero galante" Natatawang sabi ni manong at dahil may shock pa rin ako sa nangyari ngayong gabi, pinili ko nalang tumahimik at pagmasdan ang dumadaang puno at streetlights habang tinatahak namin ang daan.
Wala pa ring pinagbago ang lalaki. Pakiwari nya ay pag mamayari nya ang tao sa kanyang paligid porke nahihiga ito sa pera.
Lumipas ang isang oras na byahe dahil sa traffic, nakarating din ako sa aking destinasyon.
Napakaraming tao at maririnig ang kaskas ng gitara at tambol ng drums kasabay ng hiyawan ng mga tao sa lyrics ng Araw Araw ng Ben and Ben.
Isa rin ito sa paborito kong banda at ni Garrette kaya naman mabilis akong naglakad patungo sa field upang hanapin ito.
Tinawagan ko ito at hindi nagtagal ay nakita ko itong naglalakad at nakangiti patungo sa aking direksyon. As usual, hawak nito ang kanyang skateboard at nakatali ang buhok.
"Rose" Sambit nito at saka niyakap ako ng mahigpit.
"Sorry na-late ako.. Si Pat?" Tanong ko rito.
"Hindi raw makakapunta dahil sa Red day. Ano ba yon?" Tanong nito sa inosenteng tono at natawa naman ako.
"Kaming girls lang nakakaalam nun. Di bale, tara" Sambit ko at saka magka hawak kami ng kamay patungo malapit sa stage.
![](https://img.wattpad.com/cover/212770615-288-k362836.jpg)
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
Lãng mạnSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...