Nagdaan ang linggo na halos araw araw kaming magkapiling ni Caleb. Mapa school man or sa labas. Parati akong inaaya nitong magcoffee at minsan tatambay ito sa bake shop.
Dahil absent pa rin si Pat sapagkat tinamaan ito ng sore eyes pero sa madaling panahon makakabalik na ito sa school.
Madalas din kung manuod kami ng sine ni Caleb tuwing matapos ang school na syang dahilan kung bakit lalo lamang akong nahuhulog dito. Napakabait at maalalahanin niyang tao.
Malayo ang mundong aming ginagalawan ngunit ni minsan hindi nito pinaramdam sa aking iba ako sakanya.
Caleb is rich, famous, handsome boy and I'm nothing. Isa lamang hamak na probinsyana. Tanging talino lamang ang maipagmamayabang ko.
"I'll see you tomorrow" Sambit nito ng ibaba ako sa aming kanto upang hindi nanaman ako matukso ni Juliet.
"Teka, ano nga pala ang susuotin ko?" Naalala ko wala nga pala akong ideya kung anong klaseng attire ang required sa kasal para bukas.
"Dont worry about it, Here. I chose this. Hope it fits you" Inabot ni Caleb sa akin ang isang Chanel na paper bag at laking gulat ko naman.
"Grabe, ang mahal nito! Hindi ka na sana nag abala pa. Pwede naman akong humiram kay Pat" Pahayag ko kay Caleb. Natawa lamang ito.
"I know you'll like it. I'll pick you up at 6 in the evening tomorrow" Sambit nito sabay buhay ng car engine at dahan dahang nagpatuloy na sa daan.
"Bye, ingat! thanks ulit!" Pahabol ko rito at nagbusina lamang ito ng isang beses bago kumaripas ng andar.
At dumating ang Sabado.
Ginugol ko ang oras sa pagbabasa ng libro at paggawa ng homework at pagdating ng hapon ay nagshower na ako upang magprepara sa kasal ng kamag anak ni Caleb.
Bigla nanaman umatake ang pamilyar na pakiramdam sa aking dibdib ng maalala kong baka naroon din si Levi.
Napatingin ako sa salamin at mabuti na lamang naglaho na ang bakas ng mga bite marks nito. Dala ng pagka-agresibo ni Levi ng gabing iyon.
Sa katunayan nyan, Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kapag nagtagpo kami nito. Mukang hindi magandang ideya ang pagpayag ko na maging date ni Caleb mamaya.
Ngunit ayoko namang biguin ito.
Sinuot ko ang binigay nya sa aking damit at tuwang tuwa naman ako ng tamang lang ang sukat at pagyakap ng tela sa aking katawan.
Isang white off shoulder sequin dress na may nakaburdang purple tulips sa may skirt. Nagustuhan ko ang damit sapagkat simple ngunit elegante ang dating nito.
Pinilit ko namang itali ang aking buhok at maglagay ng floral head band. Mabuti na lamang at meron akong dalang puting sandals galing sa probinsya. Tama lang ang taas ng heels nito.
Mamaya lamang ay sumapit ang alas sais at tumunog ang aking telepono. Nagtext si Caleb.
I'm here.
Ok.
Hanggang sa sumakay ako sa loob ng sasakyan nito.
"Wow" He muttered. Appreciating my look.
"Wow what?"
"Did anyone ever tell you how pretty you are?" Sambit nito habang nakatingin sa kabuuan ko.
Namula naman ang aking pisngi ng maalala ko ang gabing nagpabago ng buhay ko.
"You're so beautiful" Sambit ni Levi habang nakatunghay sa hubad kong katawan.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
