Chapter 29

5.4K 76 0
                                        

"Ellie, wait!" Si Caleb na humahangos palapit sa akin.

Napahinto naman ako sa paglalakad papunta sa aking next class dahil dito.

"Hi" Bati ko sakanya.

"Hey, sorry. Just want to ask you something" Ika nito.

"Sure"

"Have you heard? My brother's pushing the wedding by the end of the month"

"Yup nabalitaan ko" Kaswal kong sagot pero deep inside I'm hurting.

"And?"

"And what?" Tanong ko rito.

"I mean whats your plan?" Tanong nito.

"What do you mean Caleb? Gusto mo bang ihinto ko ang kasal?" Sarkastiko kong pahayag habang nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi ko alam bakit tinatanong ni Caleb ang mga ito pero hindi ko nagugustuhan. Its none of his business.

"Hey, It's not what I meant Ellie. I'm just concerned about you" Sagot nito at hinawakan ang aking braso upang humarap sakanya.

"Thanks Caleb pero hindi dapat natin pinag uusapan ito. Isa pa, bakit hindi ang kuya mo ang kausapin mo na tigilan na ako"

"Really? You just told me yesterday you're willing to be his other woman depsite him being engaged. So what happened now? What made you change your mind?" Dagdag pa nito na nagpakulo naman ng aking dugo.

"Well I give up, Caleb" Marahas kong hinila ang aking kamay.

"I'm sorry, Ellie" Ika nito.

Napatigil naman ako saglit at huminga ng malalim. Hindi maganda ang naging trato ko rito at wala naman syang kasalanan sa gulo na pinasok ko.

"Sorry din.." Sambit ko sa mababang tono.

"It's fine. By the way, if you want to chill, I'm throwing a party tonight at my condo" Sagot nito at napaisip naman ako.

"Pupunta ba si Aaron?" Tanong ko sapagkat gusto ito makausap ng aking kaibigan na si Pat.

"Yeah, he'll be there. Why?" Caleb asked.

"Ah wala wala. Sige pupunta ako sa party" Sagot ko rito.

"Cool. I'll see you. Bye"

Mamaya lang ay wala na ito sa aking harap.

Dali dali ko namang binalita kay Pat at tuwang tuwa ito sapagkat may pag asa syang makausap ang kanyang boyfriend na si Aaron.

Nagpasya akong pumunta sa party para kay Pat. Gusto kong mabigay rito ang closure na hinihingi nya galing kay Aaron kahit pa hindi ko gustong makisalamuha sa mga kaibigan ni Caleb.

Nagdaan ang araw at nagsimula ng dumilim. Nagpasya ulit akong dumeretso kila Pat para makapaghanda sa party mamayang gabi.

Hindi pa ako nakapunta sa condo ni Caleb pero alam ko ang address nito.

"Sa tingin mo ba kakausapin ako ni Aaron?" Tanong sa akin ni Pat matapos sya maligo.

"Oo naman. Nobyo mo pa rin naman ito, diba?" Sagot ko.

Nakita ko ang pag aalangan sa mga mata ng aking kaibigan.

"Pero..papano kung may iba na sya?" Pahayag nito na halos maiiyak.

"Wag ka mag alala. Hindi naman tayo iimbitahan ni Caleb kung ganun nga" Paalala ko rito.

Nagpatuloy na nga kami sa pagbihis ng kasuotan. Pinahiram muna ako ni Pat ng damit nito. Isa 'yong crop top at high waisted pencil skirt. Nagpasya naman akong ipares ito sa sneakers na suot ko.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon