Ellie's POV
Gusto kong lumisan sa lugar ngunit tila nakadikit ang aking mga paa sa mamahaling semento ng mamahaling restaurant kung saan kasalukuyan kong kaharap ang lalaking hindi ko akalaing makikita ko pang muli.
Worse, ang bago kong boss.
Oo tama ka ng pagkakabasa. Si Levi ang bumili ng Highlands Restobar at ang may pakana sa nakuha kong cheque kay Sir Leo. Sya rin ang dahilan ng pag increase ng aming sweldo at dahilan upang matuwa ang buong staff.
At sino ba ako upang magreklamo? Isa na lamang akong hamak na empleyado ni Levi at wala ng iba. Dapat nga ay magpasalamat pa ako sa natanggap kong biyaya na ito.
Pero paano? Lubos nitong dinurog ang aking puso ng lumipas na taon.
Habang busy itong nguyain ang masarap na pagkain sa aming harapan, pagkakataon ko na upang pagmasdan ito.
Isang simpleng puting t-shirt ngunit malamang at di hamak ay mas mahal pa sa upa ko sa apartment. Black tattered jeans at boots na kulay itim. Diyos ko, hindi na ako magtataka kung bakit napapatingin rito ang ibang kababaihan sa loob ng restaurant dahil sa gwapong mukha ng lalaki. Not to mention ang bakat na muscles ng kanyang katawan. Malinis naman ang pagkakashave nito sa mukha.
Ang putok na putok na panga at tangos ng ilong nito na parang patalim. Ang dimples nito kapag ngumiti ay talaga namang kahuhumalingan ng mga kababaihan mapatanda o bata man. Ang kulay abo nitong mata na nagtatago sa makapal na pilikmata at kilay. At sa twing magsasalita ito ay hindi ko maiwasang tumingin sa labi nitong napakasarap halikan.
Diyos ko Ellie, mahiya ka nga sa pinagsasabi mo.
"Ehem.." Halos nasamid ako sa sariling
Iniisip."Are you alright?" Tanong nito habang nakatingin sa akin ng seryoso.
Tumango ako at bumalik ito sa pagkain.
Malamig ang simoy ng hangin sapagkat nasa paanan ng bundok ang restaurant na ito at makikita ang makapal ng fog na bumabalot sa syudad. Dapat dinala ko ang aking jacket. Ngunit nakalimutan ko ito sa locker.
Tila nabasa naman nito ang iniisip ko at bahagyang tumayo at binalot sa akin ang kanyang leather jacket. Kaagad naman nag umapaw ang amoy ng mamahaling pabango ng lalaki at pakiramdam ko ay namumula na nga ang aking pisngi.
"T-thank you.."
"Did you enjoy it?" Biglang tanong ng lalaki.
"H-ha?"
"The food. Nagustuhan mo ba?" Tanong muli nito at gusto ko naman tampalin ang sarili sapagkat tila humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan.
"Y-yes I like it.." Maikling sagot ko.
"Do you think we should add something like this in our menu?"
"Uhm..oo..bakit hindi? Sa totoo lang, mas masarap pa nga ang luto ni Mang Larry dito.." Napangiti ako ng maisip ang minsang hinandang pasta ni Mang Larry sa staff at pang five star hotel ang lasa non.
"Who's Mang Larry?" Levi asked, nakaarko ang kilay.
"Head chef ng Highlands..masarap itong magluto kaya naman binabalik balikan ng mga customers namin..I mean..natin" Tila may nagbara sa aking lalamunan. Kailangan ko na yatang masanay na ito na ang aming bagong boss.
"That's great.. I would like to meet them these coming days..I'm just kinda busy.." Sagot ng lalaki at may kung anong bigat akong naramdaman sa aking dibdib.
"Lagi ka namang busy.." Pinilit kong ngumiti.
Sandaling natigilan si Levi sa komento ko at nilagok ang natitirang champagne sa baso bago nagsalin ng panibago.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomantizmSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...