Kinse minutos na lamang ay paalis na ang coaster na sasakyan namin pauwi. Mabigat ang aking dibdib lisanin ang lugar dahil sa mga naganap ng nakaraang araw.
Imbis na magsiya ay nauwi pa sa pg aaway namin ng lalaki. Ngunit hindi ko lubos maisip kung bakit ganon na lamang ang reaksyon nito kay Mason at pagkatapos naman ay sa akin. Parang may iniipon itong galit sa kanyang dibdib na hindi naman na dapat pang pakawalan.
At speaking of the devil, nakita ko nga itong naglalakad patungo sa kanyang sports car habang kaakbay si Peachy. Mukang okay naman ang dalawa at heto naman ako tila may tinutusok na patalim sa dibdib.
Lumapit ito saamin at huminto sa aming harap.
"Guys, I just want to apologize for my actions last night. Especially to Ellie. And just to clear the air, yes, we know each other even before she worked at Highlands. So yun lang, I'm glad to have met you. And I look forward to get to know you guys these coming days" Pahayag nito habang tahimik akong nakayuko at nakasandal sa coaster.
"It was nice to meet you guys" Si Peachy na nagsalita at isa isang nagpaalam sa mga staff pwera sa akin.
Matalim ang tingin ng babae sa akin at hindi ko naman masisi ito.
Nagtinginan naman ang mga staff sa aking direksyon matapos ibunyag ni Levi ang totoo. Nagpapasalamat naman ako at hindi nito sinabing minsan din kaming nagkaroon ng relasyon in the past.
"And Ellie? Can I speak with you?" Si Levi na tinawag ang pangalan ko at bilang ito nga ang boss ko at nirerespeto ko iyon, ay tumango ako at sumunod.
Nakita kong may binulong ito sa nobya bago pumasok ang babae sa loob ng sasakyan na nakasimangot.
Naglakad pa si Levi patungo sa ilalim ng puno at sinundan ko ito, bago sya huminto at humarap sa akin.
"Ellie, I'm sorry for what I said last night" Sinserong tugon nito.
"Okay lang" Maikling sagot ko.
"Does that mean you're not gonna quit the job?" Tanong nito at sandali akong nag isip kung papano nga ba sasabihin.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Levi ng mapansing hindi ako sumagot.
"You need this job to support your studies at hindi ko gustong umalis ka sa bar dahil lang sa mga nasabi ko. I made a mistake and I'm sorry.."
"It's Okay.. kalimutan na lang natin ang nangyari.." Sabi ko.
Tinapos na nito ang usapan ngunit hindi ako mapakali hanggang hindi ko nasasabi rito ang gusto kong sabihin.
Huminga ako ng malalim at saka tinawag ito.
"Levi..wait.." I called him and he turned around.
"Alam kong hindi ito ang tamang lugar upang sabihin ito at alam kong its too late..pero..patawad..patawad kasi sinarado ko ang aking sarili sayo..imbis na pag usapan ang nangyari ay umalis ako at hindi na muling nagpakita..I'm sorry.." Nanginginig ang aking labi at pinipigilan ko ang aking luha bago ito pumatak at gumawa nanaman ng panibagong eksenang pag uusapan ng staff.
"Ellie..." Medyo nagulat ito sa aking sinabi at napatigil. Dahilan upang magpatuloy ako.
"Yung..yung gabing nadatnan mo kami ni Garette.." Pag uumpisa ko at nakita ko namang nanigas ang panga nito matapos manumbalik sa kanyang alaala ang gabing iyon.
"Nakita ko ang p-picture nyo ni Jessica magkayakap sa isang coffee shop.. at ng umagang iyon ay nakita ko kayong papalabas ng hotel.. akala ko.. akala ko hindi mo ako mahal.. na niloloko mo lang ako.. pasensya kana.. alam kong tapos na pero.. g-gusto ko lang malaman mo ang dahilan kung bakit pinilit kong lumayo.. mahirap.. napakahirap kang kalimutan.. " Naninikip ang aking dibdib habang nilalahad ang lahat ng aking kinikimkim ng nakaraang taon.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...