"Anooooooo!????!!" Sigaw ni Pat na nahulog pa ang hawak na tinapay sa sahig.
Tatlong araw ang nakalipas bago ako nagdesisyon sabihin kay Pat ang mga naganap kay Caleb. Ngunit hindi ko pa sinasabi rito ang nangyari saamin ng kuya nitong si Levi.
Hindi ko mapigilan ang tibok ng aking pusok tuwing naalala ko ang halik namin nito. Kahit kelan ay hindi ko akalaing sya ang magiging unang halik ko.
At nagkamali ako, hindi naman pala sya hambog tulad ng iniisip ko. Ngunit kung magsalita ito ay punong puno ng awtoridad. Sapat upang ipaalam sa tao sa paligid nito ay sya ang nakatataas.
Pero ang kapaganapang iyon sa kanyang kwarto ang dahilan upang hindi ako makatulog ng tatlong araw. Hindi maikakaila ang matinding pagkagusto ko rito. Na tila nalalampasan na ang feelings ko towards Caleb.
Nilagay ko ang palad ko sa aking dibdib at huminga ng malalim. Hindi pwede malaman ni Pat ito. Hindi pa ako handa.
"Grabe! Akalain mo 'yon, nakasama mong magkape ang isang Caleb Maximus?!!! Samantalang ako ni hi or hello hindi ko magawa sakanya" Ika ni Pat na tila nawindang sa narinig.
"Hindi nya alam na kaklase natin sya, hindi ko nasabi" Sagot ko kay Pat.
"Eh ano naman?! Magkikita naman kayo bukas for sure. I'm excited! Magsuot ka naman ng sexy attire at hindi yung pang manang bukas ha" Pang iinsulto nito sa clothing style ko.
"Hoy wag mo naman laitin ang fashion style ko" Sabi ko rito.
"Joke lang. Mabuti nalang maganda ka at matalino" Pang aasar muli nito na syang tinawa namin ng malakas sa loob ng bake shop.
Nagdaan ang araw at hindi ako magkandauto sa pagpili ng damit na isusuot ng umagang iyon. Paano ba naman ay makikita kong muli ang crush ko. Tulad nga ng sabi ni Pat, Crush ng entire campus.
Si Caleb Maximus.
Long haired, Chiseled jaw, grey eyes, perfectly tanned skin. Haaaay.
Just thinking about our precious conversation kahapon makes me want to see him again.
Ngunit, bakit ganon?
Iba ang napipicture ko sa aking utak? Hindi si Caleb. Ngunit si Levi. At hindi maaari ito. May girlfriend na si Levi at higit pa roon, malayo ang agwat ng aming edad. Mahiya dapat ako sa aking sarili.
Bumuntong hininga ako bago dumeretso sa banyo bitbit ang aking black polka dots high waisted skater skirt at yellow off shoulder top. Na Regalo sa akin ng aking kaibigang si Kath matapos ang aming graduation. Bigla ko tuloy itong namiss. Pati na si Angelo. Na may ilang beses na nagpahayag ng nararamdaman saakin ngunit hindi ko ito gusto. Tanging pag aaral lamang ang laman ng isip ko nuon.
Matapos maligo, ay nagmamadali akong nagbihis. Naglagay ako ng kaunting press powder sa aking mukha at blush on. Tumingin ako sa salamin bago sinuot ang aking kulay itim na doll shoes.
"Papasok na ako kuya Carlos" Sabi ko sa aking pinsan na prenteng nakaharap sa TV at tila di ako narinig.
Kinuha ko ang aking backpack at nagpatuloy na sa sakayan.
Matapos ang isang oras na byahe ay nakarating ako sa campus. Tulad ng dati, naglakad ako patungo sa aking unang subject kay Prof. Santos.
The day went by smoothly. Walang Caleb sa paligid na syang ikinalungkot ko.
Wag ka magmadali Ellie, isang oras pa at makikita mo na si Ca--
Nagulat naman ako ng biglang may tumapik saakin sa balikat at ng paglingon ko ay tila huminto ang pagtibok ng aking puso.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...