The Final Chapter

7.5K 118 17
                                    

Nagdaan ang araw na masaya kami sa piling ng isa't isa at hindi matatawaran ang ligayang natatamasa ko sa piling ng pinakamamahal ko.

Sinsero naman ang lalaki na tinupad ang kanyang pangako na he'll make it up to me. Ni minsan ay hindi nito pinaramdam na hindi ako importante sa buhay nito at talagang pinasasaya ako ni Levi.

Kahit madalas ay kitang kita ang pag aadjust ng lalaki sa mundong ginagalawan ko at ganun din ako dito.

Unti unti ko na rin sinasanay ang aking sarili na hindi pribado ang buhay ni Levi at kilala ito sa mata ng publiko at hindi lahat ay sasang ayon sa aming relasyon ngunit panahon na upang isipin kong mas ipagtibay pa ang aming relasyon. Sa daming unos na aming pinagdaanan ay heto pa rin kami at magkasama ay sapat na.

Ngayong araw ay napiling sabihin sa akin ni Levi ang surpresa nito at iyon nga ay mag out of the country kami nito sa unang pagkakataon at hindi naman ako magkamayaw sa excitement ng sabihin nitong dadalhin nya ako sa Norway.

"Talaga?!" Masayang masaya kong sambit ng araw na sunduin ako nito sa campus.

"Yes, Here's your passport" Inabot nito saakin ang kapirasong papel na tinatawag ngang passport.

Lalo lamang akong na-excite at hindi napigilang mapatalon sa aking upuan at yakapin ito.

"Why are you crying?" Natatawang sambit ng gwapong lalaki.

"W-wala lang..I'm so happy.."

"I'm glad I make you happy.." At dinampian ako ng lalaki ng halik sa pisngi.

Sa sabado na ang nakatakdang pag-alis namin but if feels like forever dahil gustong gusto ko ng makarating sa lugar at pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog sa excitement na hatid ng surpresa ni Levi.

Matapos akong sunduin nito ay nagpasya kaming magtungo sa mall. Alam kong ayaw ng lalaki nagpupunta sa mataong lugar ngunit buti na lamang ay napilit ko ito. Hindi naman nakatutol si Levi at walang magawa kundi umoo nalang.

Sabi ko kasi ay gusto kong bumili ng mga gagamitin para sa aming trip sapagkat may mga naitabi naman akong pera para sa ganitong okasyon.

"Oops. Ako ang magbabayad ng mga ito, okay?" Pagtataray ko sa lalaki at napapakamot na lamang ito ng ulo.

Hindi naman lingid sa aking kaalaman ang mga tinginan ng tao lalong lalo na kay Levi. Sino bang hindi hahanga rito?

He's wearing his office attire at medyo magulo ang pagkakatali ng buhok nito ganun din ang gusot sa kanyang white longsleeves na nakatanggal ang tatlong butones dahilan upang magtititili ang mga babae tuwing dadaan ito.

Aaminin ko ay nagseselos pa rin ako sa mga nakukuha nitong atensyon sa mga dalaga ngunit tulad nga ng sabi ni Levi, I'm his just as he's mine kaya naman pinipili ko na lamang balewalain ang mga pagpapansin ng mga babae rito.

At hindi lang mga dalaga kundi pati may mga edad na at mga bading ay panay ang sipol pag daraan ito.

"I told you I can pay for your stuff. Keep your money para sa studies mo" Pagpupumilit ng lalaki habang nakaupo sa labas ng dressing room at hinihintay akong magbihis.

"I don't need you to buy me stuff, babe. I can pay for my own" Naka-smile kong sambit rito at saka dinampian ng halik sa pisngi.

"Sooo..ano sa tingin mo, bagay ko ba?" Tanong ko rito at kunwari ay umikot ikot pa ako upang bigyan ito ng munting show.

"I don't like it. It's too short" Pagsusuplado nito.

"Hmp"

Bumalik muli ako sa dressing room upang subukan naman ang isang kulay peach na summer dress.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon