"Ooops!" Natatawang sambit ko habang muntik akong mahulog pagbaba ng sasakyan.
"Uy Mam Ellie! Mag iingat ka" Nag aalalang tugon ni Mang Art na syang inalalayan ako palabas ng sasakyan.
Tila ako lumilipad sa ere at bumabagal ang paggalaw ng dahon ng mga puno sa aking paligid. Hindi ko naman maramdaman ang lakas ng paghampas ng hangin ng gabing iyon dala ng alak sa aking katawan.
Hindi ko alam kung anong oras na kami umuwi pero alam kong masesermonan ako ni Mang Art bukas dahil masyado kaming nag enjoy ni Pat at hindi ko na namalayan ang oras.
"Kaya ko na ito Mang Art! Ako pa ba? Lakas lakas ko oh" Pahayag ko rito habang sinisinok sinok pa.
"Naku Mam Ellie mabuti na lang wala si Sir kundi ay malalagot tayong pareho.." Paalala ng matanda at natawa lamang ako sa sinabi nito.
"Sino? Si Levi? Hindi maggagalit yon! Busy yon sa fiance nya! Lam nyo po ba na ang saya saya nga nila sa litrato! Oops!" Napabungisngis ako matapos maalala ang litrato ng dalawa sa Switzerland.
"Naku Mam Ellie. Iba hong magalit iyon" Paalala nitong muli habang patuloy ang pag-alalay sa akin patungo sa main door.
"Edi sikreto lang natin ito!" Sabi ko kay Mang Art.
"Sabi ko naman kasi sainyo na huwag magtagal. At uminom pa kayo ng kaibigan mo" Panenermon nito ngunit napapangiti na lamang ako. First time kong maapektuhan ng alak na ganito katindi.
Apat na bote lamang ng serbesa ngunit may tama na ito sa akin sapagkat hindi naman ako talaga sanay uminom.
"Ay patay tayo" Sambit ni Mang Art at napahinto kaming pareho sa madilim na sala.
"S-sir Levi.." Ninenerbyos na sambit ng matanda.
At pakiramdam ko pa din ay nakalutang ako sa ulap.
Nakita ko ang anino nito malapit sa bar. Nakaupo ito sa kahoy na stool at may hawak na baso ng paborito nitong scotch.
Dahan dahan itong lumapit sa amin ni Mang Arthur. Mukang kanina pa ito naghihintay at wala ito sa mood base sa naglalabasang ugat sa leeg nito.
"Hi! Welcome back!" Masayang bati ko dito. Ngunit hindi ako pinansin at kinausap si Mang Art.
"Bakit ngayon lang kayo? And why is she drunk?" Mababa ang boses nito at mapanganib dahilan upang lalong nerbyosin ang matandang driver.
"Ah eh..sir..ano kasi.."
Pinutol ko ang sasabihin nito at ako ang sumagot.
"Kasalanan ko! Nag enjoy kami masyado ni Pat eh..sorry na, ha? Hik!" Tinakpan ko ang aking bunganga upang hindi matawa sa seryosong hitsura nito.
"Pasensya na kayo sir. Sabi kasi ni Mam Ellie mamimili lang sila ng kaibigan nya pero lasing na nung sinundo ko" Paliwanag ni Mang Art pero mapanganib pa rin ang tingin nito.
"I told you to go straight to our home. What was she doing roaming around in a fucking mall?!" Binato nito ang hawak na baso at saka hinila ang aking braso.
Napatalon ako sa gulat at nanatiling nakayuko lamang si Mang Arthur. Nakakaawa ang hitsura ng matanda. At kasalanan ko iyon.
Hindi ko naman mapigilang maiyak.
"Hmm.." Napa ungol ako at hindi ko na napigilang maiyak.
"Why the hell are you crying?" Tanong ni Levi sa nagbabagang tingin.
"Eh bakit mo inaaway si Mang Art? Kasalanan ko naman eh! Ako ang awayin mo!" Sinuntok ko ang dibdib nito ngunit hindi ito natinag. Napapailing na lamang ito sa aking mga aksyon.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
Roman d'amourSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
