Chapter 42

5K 54 0
                                        

"Ingat ka ha? Mamimiss kita! Bye!" Si Garette na tumawag ng gabing iyon upang magpaalam dahil may nakuhang raket ang banda nito sa isang bagong bukas na bar sa laguna. Isang linggo ang binata doon at ang lima pa nitong band members.

Suportado ko naman ang lalaki sapagkat masaya sya sa kanyang ginagawa at pangalawa ay suportado din ako nito sa anumang gusto ko.

"Bye, love!" Sambit ko bago pinatay ang telepono at binalik sa aking tote bag.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa bar ng gabing iyon at dumeretso sa locker room upang kunin ang uniform ko.

Subalit nagtaka ako bakit wala don ang aking uniform. Sakto namang bumungad ang aking boss sa likuran ko.

"May bago tayong uniform. Eto ang sayo medium size" Sambit nito at saka inabot sa akin ang kulay itim na tshirt at itim na pants.

"H-ha? Anong nangyari sa luma?" Tanong ko rito.

"Utos ng big boss" Sagot nito at lalo lamang akong naguluhan.

"Big boss? Eh diba sya nga ang pumili ng luma naming uniporme?" Pahayag ko rito.

"Bago na ang may ari ng restobar na ito. Kaninang umaga lang nabili" Sagot ng boss ko at tila sya ay naguguluhan din.

"Ganun ba..weird.." Sagot ko na lamang.

"O sya, wag na maraming tanong at bumalik ka na sa trabaho.." Pataray na utos nito.

"Yes mam" Sagot ko rito at saka nagpuntang banyo upang magbihis.

Sa totoo lang hindi naman sa ayaw ko ang luma kong uniporme pero yun lamang ang dahilan bakit nakakakuha kami ng tip.

Hindi ko alam kung may makukuha pa ba kami sa ganitong klase ng uniporme. Medyo maluwag ang kulay itim na tshirt at black na slacks. Mabuti nalang kahit papano ay nadadala ito ng aming brown na apron na nakatali sa bewang.

Alas siete pa lang pero marami na kaming customers. Ang iba ay nagsimula ng umorder ng buckets of beers at wines at ang iba naman ay tamang dinner lang muna.

Lumapit ako kay Maica matapos dalhin sa kusina ang mga plato.

"May bago na raw tayong boss?" Tanong ko rito.

"Kaya nga. Mukang conservative ang bago. Tignan mo naman ang uniporme natin? Para tayong makikilamay" Pagrereklamo nito.

"Masyado raw kasi malaswa ang lumang uniporme" Si Jeff.

"Hindi ah. Tsaka, disente naman ang lumang uniporme. Kasalanan ba natin na halos lumuwa ang mga mata ng customers dahil don?" Pagtataray muli ni Maica.

"Tama naman si Maica. At nakapagtatakang hindi man lang tayo naabisuhan na may bago na pala tayong boss?" Tanong ko sa dalawa.

"At ang weird pa don, kaninang umaga lang daw nabenta. Ang laki daw ng offer kaya kinagat na ng lumang boss" Sabi ni Jeff na nagpupunas ng plato.

"Hmm..magkano naman kaya?" Si Maica na naghahanda naman ng drinks.

"Ayon sa bulung bulungan, Disi siete mil daw..Milyon ang pinag uusapan dito.." Si Jeff

Nanlaki naman ang mata namin ni Maica matapos marinig iyon.

Hindi na kami magtataka kung bakit kinagat ng luma naming boss iyon.

"Guys?" Lumapit ang aming suspervisor.

"Yes boss?" Tanong namin.

"Dadaan ang kliyente in an hour at magkakaroon tayo ng maikling meeting. Ayusin nyo na ang dapat ayusin" Utos nito at nagkatinginan naman kaming tatlo.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon