Chapter 14

6.2K 83 0
                                        

Nagising ako ng nag iisa na lamang sa kwarto at walang saplot. Parang may kulang naman sapagkat wala na si Levi at nagtungo na sa business trip nito.

Ngunit nag iwan naman ito ng sulat sa isang maliit na papel sa ibabaw ng lamesa na mabilis kong kinuha at basahin. Sa tabi ay isang Amex credit card.

Use it to buy what you need. Its yours. I will miss you.

-Lev

Tiyak na malaking halaga ang nilalaman nuon base pa lamang sa itsura ng card.

Tinapik tapik ko naman ang aking pisngi upang subukang gumising kung panaginip nga ito.

Pero lahat ay totoo.

Hindi pa rin ako makapaniwalang may nangyari muli sa amin ni Levi kagabi subalit hindi naman ako inangkin nito. Nakahinga ako ng malalim. I am still a virgin.

Gusto nyang manatili akong puro. Pero hanggang kailan? Magpapasya ba akong ibigay ang aking pagkababae kay Levi sa kabila ng lahat?

"Urgh!" Pagsuntok ko sa malambot na kama. Naiinis ako sa aking sarili sapagkat hindi ko nanaman napigilan ang atraksyon ko rito kagabi.

Halo halo ang aking nararamdaman. Pagkamuhi at hindi maipaliwanag na saya.

Sa gitna ng malalim na pag iisip ay Nagulat naman ako ng bigla umanong bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga naka unipormeng helpers sa Mansyon at may bitbit na tray ng pagkain.

Mabilis kong hinila ang kumot at tinakpan ang aking hubad na dibdib.

Ngunit tila parang normal lang ang postura nito at hindi na nasurpresa. Habang ako naman ay namumula ang mukha sa hiya.

"Magandang umaga Mam Ellie. Ako nga pala si Lisa. Naghanda kami ng pancake at bacon with orange juice tulad ng utos ni Sir Levi. Kung ayaw nyo po ay maari po kayong magrequest ng iba at ipeprepara ng ating chef" Sambit nito at dahan dahang pinatong ang tray sa aking hita na parang wala lang.

Chef. Oo nga pala, naninirahan ako sa isang Mansyon ng isa sa pinakamayamang tao sa Asya.

Napaubo naman ako upang maitago ang aking pagkahiya bago nagpasyang sumagot.

"M-maraming salamat..sapat na ho ito..At Ellie na lang ang itawag ninyo sa akin.." Nahihiya kong sambit.

Ano na lamang ang iisipin ng mga ito sa akin lalo pa at alam nilang may fiance na ang amo nilang si Levi.

"Marapat lang po na tawagin ka namin ng Mam. Baka mapagalitan ho kami ni Sir Levi kapag nagkataong marinig nito" Tugon nito.

"Ako na lamang ang bahalang magsabi sakanya..pasensya na ho kayo sa abala.." Sabi ko rito na umiling iling pa at natawa.

"Sige na nga. Tutal wala naman si Sir ng isang bwan" Ngumiti ito.

"Maraming salamat uli sa almusal Lisa, hayaan mo at hindi ako magiging abala habang narito" Sambit ko pa muli dito.

"O sya Ellie, kapag may kailangan ka ay tawagin mo lang kami sa intercom" Pahayag nito bago nagpasyang umalis.

Nagsimula na akong kumain. Halos abot tenga naman ang aking ngiti dahil ito ang unang pagkakataon na nakatikim ako ng ganito kasarap na almusal. Buhay hari siguro si Levi dito.

"Hmm" Napa ungol pa ako sa sarap bago tumunog ang aking telepono na mabuti na lamang ay nabitbit ni Levi kasabay ng aking bag na naglalaman ng aking school materials bago lumisan sa bahay ni Tiya Anabelle matapos ang masalimuot na nangyari saakin.

Lumakas naman ang kabog sa aking dibdib ng makita ko kung sino iyong tumatawag.

Naka 6 missed calls na pala ito.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon