"Happy Birthday sa pinakamamahal kong Ellie!" Sambit ni Pat matapos kami magbukas ng bake shop. May hawak itong maliit na kulay orange na cake na may cute na kandila sa gitna.
"Awww, thank you Pat" Sambit ko rito at saka hinipan ang kandila pero bago iyon ay nagsambit muna ako ng munting hiling.
Today is my 18th birthday at masaya naman ako dahil may kasama akong icelebrate ito kahit wala ang aking mga magulang rito.
Pero syempre hindi naman nagpatalo si Mama at Papa sapagkat umaga pa lang ay binati na ako ng mga ito. Sinabi ko rin na umalis na ako kila Tiya Anabelle sa dahilan na malayo ito sa aking school. Nag alala si Mama pero nang lumaon ay naintindihan din nito.
Mamaya lang ay nagpatuloy na kami sa gawain sa loob ng bake shop.
Tulad ng dati, sakto lang ang customers namin.
"Sabi ko naman sayo dun ka na lang sana sa bahay tumira! Wala ka pang babayang renta" Ika ni Pat habang inaayos ang mga condiments sa bawat table sa loob ng bake shop.
"Salamat sa offer pero alam mong hindi makapal ang mukha ko Pat. Tsaka may sakit ang mama mo. Magiging sagabal lang ako don" Paliwanag ko habang naglilinis naman ng mga table.
"Sige ikaw bahala, basta nag offer ako" Pagsusuplada naman nito at hindi ko maiwasang ngumiti dahil napakabait nitong kaibigan.
At hindi ako hinusgahan nito ng pinaliwanag ko ang pag alis ko sa Mansion ni Levi. Sabi nya ay kung ano raw ang nasa puso ko ay syang sundin ko.
Tatlong linggo na ang lumipas ng huli kaming nag usap ni Levi. Natapos ang usapan namin ng hindi maganda. ngunit kahit anong pilit kong alisin ito sa aking isipan ay hindi nangyayari.
He always bothers my mind.
Pero sinaktan ako nito.
"Kumusta nga pala kayo ni Caleb?" Tanong nito out of the blue.
"Okay naman"
"Bakit parang bored ka girl?"
"Ha? Hindi ah"
"Sus nagdedeny pa eh kapag si Levi ang usapan halos hindi mapukaw ang ningning sa iyong mga mata" Sambit nito.
Tototoo ba?
"Walang katotohanan yan. Matagal ko ng tinapos ang samin. Si Caleb ang mahal ko" Sambit ko kasabay ng pagtapon ng basura sa may kusina.
Hindi naman tumigil itong si Pat sa kanyang mga tanong at nagpasya pang sundan ako sa aming locker.
"Eh bakit ba napaka uptight mo pagdating kay Levi? Sorry Ellie pero hindi mo maamin nararamdaman mo sakanya dahil sa fiance nito. At alam mong hindi ka mahal nito"
Bakit masakit ang mga sinasabi ni Pat?
"Kaya naman lagi mong sinasabing mahal mo si Caleb kasi dimo maamin sa sarili mo mas mahal mo ang kuya nito..Haaay girl" Patuloy nito sa seryosong tono at alam ko namang concerned lang ito sa nangyayari sa king buhay. Hindi ko masisisi si Pat sapagkat may punto ito.
"H-hindi ko alam Pat..gulong gulo ako.." Napaupo ako sa upuan ng wala sa oras at huminga ng malalim bago tumingin muli kay Pat.
"Ganito, tatanungin kita at promise me sasabihin mo totoo.."
Tumango naman ako.
"Bago matulog, sinong laman ng isip mo?"
"C-caleb.."
"Kasasabi ko lang na sabihin mo totoo diba?"
"Si Levi"
"Kapag tumatae ka or nagtotoothbrush, kumakain, naliligo, sino nasa isip mo?"

BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...