Chapter 2

9.9K 141 3
                                        

"Mahal na mahal ka namin anak, mag iingat ka 'ron!" Sigaw ni Mama at Papa habang paalis na ang bus na aking sinasakyan patungo sa Maynila.

Pinunasan ko ang munting luha sa gilid ng aking mga mata habang nakatunghay pa rin ako sa aking mga magulang.

"Bayad nyo po" Kalabit ng lalaki na sya namang tinatawag na konduktor.

Pinunasan ko ang natitirang luha at kinuha ang pera sa bulsa ng aking bag at sabay abot sa driver.

"Heto po sukli, mam. At mam, 'wag nyo po ilalagay dyan ang pera ninyo at baka mabiktima kayo ng mandurukot pagdating sa Maynila" Paalala ni Kuya na sya namang nagpakaba saakin.

"Salamat po sa paalala Manong" Pagtanggap ko sa sukli.

At bago umalis ang konduktor sa tabi ko, may huling sinabi ito.

"Papatayin na ho ang ilaw, matulog na kayo at mahaba pa ho ang byahe" Sigaw ng kinduktor sa mga pasahero na sinundan naman ng pagdilim.

Nagdasal muna ako bago pinikit ang mga mata at saka nagpasyang matulog.

Makalipas ang ilang oras ng sakit sa pwet ng pagkakaupo, sawakas ay dumating na kami sa aming destinasyon.

Hindi naman ako nagpalipas ng oras at matapos kong kunin ang aking bagahe, sumakay ako ng Taxi papuntang Quezon City kung saan ay makikipagkita ako sa aking Tiya Anabelle na syang pinsan ni Mama. Matanda sya ng apat na taon kay Mama at ito ang unang pagkakataon na sya ay makikita ko.

Napagkasunduan kasi nila ni Mama na pansamantala muna akong maninirahan sakanila hanggang may sapat na akong ipon upang kumuha ng sarili kong dormitoryo.

Laking pasasalamat namin na pumayag si Tiya Anabelle.

Matapos magbayad ng aking pamasahe ay bumaba na ako sa lugar kung saan ay nakatakda kong kitain si Tiya.

Pumasok naman muna ako sa loob ng isang matayog na building upang magpalamig ng bigla akong hinarang ng guard.

"Huy, bawal tumambay diyan" Paglapit saaking ng dalawang guard sabay sipat sa aking mga bagahe.

"Hindi mo ba kami narinig?" Tanong pa ng mas nakakatandang guwardiya.

"Pasensya na ho" Aking sambit at sabay kuha ng aking bagahe at naglakad papalayo sa building.

Hmmm. Dito nagtatrabaho si Tiya Anabelle? Sambit ko sa aking sarili na puno ng paghanga habang nakatingin sa napaka garang building na aking palagay ay puro mga propesyonal na tao lamang ang mga nagtatrabaho rito.

The Maximus Trading Co. Mukang mayaman may ari netong gusali--

"Ow!" Malalim na sigaw ng isang lalaki sa aking may likuran. Hindi ko napansin at may tao pala roon.

"Pasensya na po! Sorry!" Agad naman akong humingi ng paumanhin sabay sipat sa business attire suit nito na natapunan ng kanyang dalang kape.

"Fuck!" Pagmumura nito na sya namang pagtingala ko upang pagmasdan ang kanyang mukha.

At tila hindi ko na maalis ang aking mga mata sakanya.

Diyos ko, tao ba 'to?

Hindi ko napigilang mamangha sa hitsura nito. Kulay abo ang mga mata nito, at medyo kaputian na may halong kayumanggi naman ang balat.

Ang kanyang ilong na tanging napapanuod ko lamang sa mga banyagang aktor sa isang telenovela. Ang labi na medyo natatabunan ng kanyang balbas at bigote na bumabalot sa kabuuan ng kanyang panga. Talaga namang ito ang tunay na ehemplo ng kagwapuhan.

At hula ko ay nasa late 20's o early 30's na ito na sya namang pagkadismaya ko sapagkat ako ay 17 anyos pa lamang. Idagdag na rin ang katangkaran nito na kailangan ko pang tumingala upang tingnan sya.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon