Chapter 59

4.9K 65 4
                                        

Sa mga nagdaang araw hindi matutumbasan ng kahit ano pa man ang kaligayan na pareho namin natatamasa ni Levi sa piling ng isa't isa.

Ngunit kailangan na ng lalaki bumalik sa Maynila sapagkat nakatanggap ito ng tawag patungkol sa kasong kinahaharap ni Caleb.

Hindi madali ang pinagdadaanan ni Levi lalo pa at kapapanaw lamang ng ama nito.

Nagpapasalamat naman ako at dininig ng diyos ang aking panalangin na parating patnubayan ang lalaki at nakikita ko naman ang unti unting pagpawi ng lungkot nito sa puso.

Ngunit isang unos nanaman ang dumating sa kanyang buhay at ng pamilya nito ng mahatulang guilty ang kanyang kapatid sa kidnapping. Napagdesisyonan kasi naming pareho ni Levi na hindi na ako magsasampa pa ng anumang reklamo kay Caleb at nagpasalamat ng husto sa akin ang lalaki.

Ngunit kailangan pa rin nitong pagbayaran ang kayang ginawang kasalanan at heto na nga iyon.

Caleb will face 8 years in prison at kahit kayang kaya lamang ito i-bail ng kanyang ina ay minabuti ni Agatha na matuto ito sa kanyang ginawang kamalian.

Humingi ng tawad sa akin ang buong pamilya ng Maximus sa pamamagitan ng tawag. Gumaan naman ng husto ang aking loob sa mga ito sapagkat sa pinakitang kabutihan kahit ganunpaman ang ginawa ng kanilang anak.

Balang araw siguro ay mapapatawad ko Si Caleb ngunit hindi pa sa ngayon at naiintindihan nga nila ito.

Kahit papaano sa isang banda ay may awa rin akong naramdaman para kay Caleb. Sapagkat hindi na nitong muli nasilayan ang kanyang ama sa mga huling sandali nito. Kahit pa ginusto nyang mangyari iyon ay alam kong kahit papaano sa kanyang puso ay may lugar pa rin ang kanyang pamilya.

Pinili ko namang manatili muna sa aming tahanan at lubusin ang kapiling sila Mama at Papa.

Dahilan upang unti unti nang maghilom ang sugat sa aking puso.

Ngunit may kulang pa rin.

At iyon ay Si Levi. Sapagkat miss na miss ko na ito.

Ilang araw na lamang ay magkikita na kaming muli matapos ang tatlong linggo at hindi na ako makapaghintay pa.

Nasa sala kaming tatlo nila Papa ng hapon na iyon at busy si Mama na nagbabasta ng aming kakainin mamayang gabi habang si Papa naman ay panay ang pagbabasa ng magazine.

Nakabukas naman ang aming TV at tahimik akong nanunuod ng balita. Matapos ang ilang sandali ay ang inaabangan ko nang showbiz balita ang nasa palabas. Sapagkat nabasa ko sa facebook na may interview si Peachy ngayong gabi.

"Punta naman tayo sa showbiz balita. Yumanig sa bansa ang balitang hiwalay na nga ang Maximus Tycoon na si Levi at ang showbiz personality na si Peachy Gonzales.."

"Nak..nak Laksan mo yung TV!" Si Mama na binitawan ang hawak na
malunggay.

"Teka at ako na" Nagmamadaling sambit ni Papa at hindi ko alam kung maasar ba ako o matatawa sa reaksyon ng mga ito.

"Sinubukan naman namin hingin ang pahayag ni Mr. Maximus ngunit nanatiling tikom ang bibig nito pero hindi naman namin pinalampas ng maabutan namin ang aktres matapos ang kanyang taping at tinanong ito patungkol sa issue"

Nagsimula naman akong kabahan ng makita kong ininterview ng mga ito si Peachy na muka ngang katatapos lamang ng taping at mugto ang mga mata.

"So, is it true? That you and Mr. Maximus ay break na?" Boses ng host sa likod ng kamera.

Natigilan ang babae at kitang kitang tinatago nito ang tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng pagtataray at pagtawa.

"Yes it's true. I decided to break things off with Levi 'cause I found out that he was seeing another girl. And I hate cheaters. So yeah, we broke up" Sambit ng babae ngunit iba ang pagkakasabi nito rito.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon