Abot langit ang aking ngiti matapos naming mag-usap ni Levi sa cellphone. He told me he misses me at ganun din ako rito.
Nag uumapaw ang pagmamahal ko sa lalaki na ako mismo ay hindi makapaniwala. Levi brings happiness to my life at nakakalimutan ko ang mga problema ko sa tuwing kasama ko ito.
I tried to swallow all my pride ever since mangyari ang gabing nag isang dibdib kami sa aking munting apartment. Alam kong hindi tama ngunit masyadong malakas ang hatak nito saakin na hindi ko kayang balewalain ang nararamdaman ko sakanya.
Umaasa ako na balang araw ay masuklian nito ang aking pag-ibig. I'm not ashamed I told him that I love him. Gusto kong malaman nya iyon at upang gumaan ang aking loob tuwing kasama ko ito.
Never in my wildest dream na makakatagpo ko ang tulad nito.
At higit sa lahat ay makakatabi sa kama.
I was a virgin when we first had sex and ever since that day hindi ako tinigilan tawagan nito at kumustahin. Gusto kong maniwala na kahit papaano ay may nararamdaman ito saakin. At okay na ako don. Masaya kami sa anumang meron kami ngayon.
Ilang beses rin akong binantaan ni Pat sa aking desisyon sapagkat marami kaming masasaktan unang
una na dito ay si Caleb.
Naalala ko naman ang huling pag uusap namin sa kanyang Penthouse ng umagang iyon.
"I want you on birth control asap. I'll talk to my friend tonight. She's a doctor. She'll schedule the shots for you"
"B-birth control?" Tila naguluhan naman ako sa sinabi ni Levi.
Bahagyang ngumiti ito at dinampian ako ng halik sa noo sabay bulong.
"So you won't get pregnant" Levi smirked.
Tumango naman ako ng maintindihan ang ibig nyang sabihin. Tama si Levi. Kailangan naming mag ingat. Lalo pa at napakabata ko pa para magkaroon ng anak.
It's been weeks since his absence at kahit isang kataga ay wala itong iniwan sa akin. Bigla na lamang ito naglaho. Kahit gusto kong tanungin si Levi tungkol sa kanyang kapatid pero hindi ko magawa sapagkat hindi rin nito gustong pinag uusapan namin ang sensitibong topic na iyon.
Papasok na ako sa school ng umagang iyon na umaasang makita si Caleb upang pormal na sabihin dito na hindi na marapat pang ipagpatuloy ang aming relasyon at humingi ng paumanhin.
Ngayon ay Lunes at malakas ang aking kutob na narito na nga ang lalaki.
At hindi ko nagkamali sapagkat nakita ko ang sports car nitong nakaparada sa may carpark.
Pareho kami walang first subject sa araw na iyon at maigi yon upang sana ay makausap ko sya.
"Nakita nyo ba si Caleb?" Tanong ko sa mga kaklase nito.
"Oo, nandun sa stadium" Sambit nito at dali dali naman ako nagpunta ron.
Habang papalapit ay lalong lumalakas ang kabog ng aking dibdib.
Hanggang sa pumasok ako sa loob at madali ko itong nahanap na nakaupo sa isa sa mga bench.
May mga tao rin sa loob na galing pa sa theatre department. Mukhang may praktis ang mga ito.
Nagtama ang mga mata namin ni Caleb ng umupo ako sa tabi nito. Sakto lang ang space sa aming gitna upang mabawasan ang anuman tensyon sa pagitan namin.
"Hi" Sambit ko rito.
He looks at me for a moment bago ito may inabot sa aking isang maliit na brown envelope.
"A-ano ito?" Tanong ko rito.
"Someone put it on the hood of my car this morning.." Simpleng pahayag nito ngunit makikita ang bakas ng nag aapoy na mata nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
