Chapter 13

5.8K 94 2
                                    

Binuhat ako ni Levi papasok sa Mansyon nito.

"Diyos ko Sir Levi ano nangyari?" Tanong ng isa sa mga matandang helpers nito na sumalubong sa may pinto.

"Get me a first aid kit and bring it up to my room"

"Yes sir"

Nakasukbit ang aking dalawang kamay sa leeg nito habang tinatahak namin ang hagdan papunta sa itaas.

Hindi ko mapigilan maamoy ang pabangong suot niya. Namula naman ang aking pisngi ng mapansin nito ang aking ginawa.

Matapos ang ilang sandali ay dahan dahan nya akong tinulungang maibaba sa kama.

"Drink this. It's painkillers" Inalalayan ako nitong mainom ang gamot at tubig at muling hiniga sa kama.

Ngayon ko lamang nakitang magulo ang postura nito. Nawawala ang ilang butones sa suot nitong formal attire, may mga bakas ng dugo sa mamahaling damit nito, habang ang kanya namang buhok ay nagkalat sa bandang noo.

Nagulat ako ng lumapit ang muka nito saakin na muntik na magdikit ang aming mga noo.

"Fuck"

"A-aray" Sambit ko ng sinipat ni Levi ang pisngi ko na palagay ko ay nag iwan na ng pasa roon.

"Tangina" Tila napapikit ito at binato ang desk clock na nabasag matapos mahulog sa sahig.

"Sir, eto na po" Tumingin pa muna ang babae saakin na awang awa sa aking hitsura. Bago tuluyang umalis sa kwarto.

Nakakunot ang noo ni Levi habang nililinis ang sugat ko sa bibig at paglagay ng ointment sa mga sugat at pasa.

"Tell me, how many times did he try to..touch you?" Tila nahihirapan itong bigkasin ang mga katagang iyon.

"I-Ito ang Unang beses..h-hindi ako pumayag uminom kasama nila..at nagalit ang mga ito..tapos.." Sabi ko at nagbabadya nanaman bumuhos ang mga luha.

"So instead they tried to rape you?" Sabad nito na tila anumang oras ay sasabog sa galit.

Nanginginig ang mga daliri nito habang nilalagyan ng band aid ang bandang pisngi ko.

"Hindi ko alam kung papaano ko susuklian ang pagligtas mo sakin. Sa pangalawang pagkakataon" Tinignan ko ito sa mga mata upang malaman nito na taos puso ang aking mga kataga.

"Bakit ka nagtitiis sa bahay na 'yon, Ellie?" Imbis ay tanong nito.

"Dahil kailangan, kung gusto ko matupad ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin. Mahirap lang kami" Sagot ko rito.

"But look what happened to you. I'm gonna make sure they'll pay for what they did to you, especially those men" Hindi ata napapansin ni Levi ang mahigpit nitong pagpisil sa aking mga kamay. Na nagdudulot na ibang pakiramdam sa aking dibdib.

Hinila ko ang aking kamay at umiwas ng tingin.

"I went to your place because I wanted to apologize for what I said to you last night at the party" Pag uumpisa nito.

"I'm sorry din..hindi ko sinasadyang masampal ka.." Paghingi ko ng paumanhin.

"No..I deserved that slap.. But you dont deserve those words I told you..so I'm sorry" Pagpapaliwanag nito. Tumango na lamang ako senyales na pinatawad ko na ito.

"Now take a rest..I'll see you in the morning" Sambit nito at bago lumisan ng kama ay dumapo ang hinlalaki nito sa aking sugat sa labi at saka hinalikan iyon. Maya lamang ay lumabas na ito ng kwarto.

Naiwan naman akong naguguluhan sa ginawa nya. Bakit parang normal na lamang kay Levi ang magpakita ng ganitong affection? At Bakit ganito na lamang ang tibok ng aking puso tuwing naglalapat ang aming mga labi? Maikli man ang halik na yon, ramdam ko ang tunay nitong kahulugan.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon