Chapter 65

4.7K 56 2
                                        

It's been three days since the confrontation sa pagitan namin ni Levi sa isla nito.

Pilit ko namang inuunawaan kung bakit panay ang iwas at distansya nito sa akin simula ng pangyayaring iyon. Marahil ay dahil ito sa aking mga nasabi. Ngunit nasabi ko lang naman ang mga 'yon upang sana ay maintindihan nito kung ano ang gumugulo sa aking isipan.

"Alam mo, tama ka naman girl pero syempre hindi maiiwasan masaktan si boss. Ikaw ba naman bawiin ang engagement diba?" Sambit ni Maica habang kasalukuyan ang shift nito ng gabing iyon sa bar.

Mabuti na lamang at hindi masyadong jam packed ang crowd at may tsansang makausap ko ito tungkol sa kinakaharap kong problema.

"Pero hindi ko gustong magsinungaling dito, Maica"

"Alam ko, pero hayaan mo na munang mag calm down si boss at saka mo kausapin muli..isa pa, syempre mas lalong magagalit yon kase masyadong big deal sayo ang age gap nyo.."

"Ano naman pinag-uusapan niyo dyan?" Biglang sulpot ni Jeff.

"Etong kaibigan natin biruin mo, pagkain na naging bato pa" Si Maica.

"Ha? Diko gets" Si Allen na nagpupunas ng counter.

"Ibig kong sabihin, binawi nya ang engagement nila ni bossing dahil hindi pa daw sya ready at tsaka nahihiya sya sa age gap nila" Walang prenong sabi ni Maica.

"Ano?! Aba kung hindi ka ba naman isang libong tanga, ineng" Si Allen na hinampas pa ang pamunas sa sahig.

"Hindi naman sa ganon..tanggap ko ang agwat ng edad namin ni Levi pero hindi ko lang maatim ang sinasabi ng mga tao saamin..kaya nabobother ako.." Pahayag ko sa mga ito.

"Aba dapat lang! Consider yourself a very lucky girl dahil pinili ka ng isang bilyonaryo makasama habambuhay at isa pa Ellie, uso na maging praktikal ngayon, gets mo?"Sabat naman ni Maica.

"Jusko dai, bakit ka ba bothered sa sasabihin ng tao about sa age gap ninyo? Nagkalat naman ang mga kapareho mong sitwasyon! Swerte ka nga at kahit sa edad na iyon ni bossing, super yummy pa rin nito" Naaasar na tugon ni Allen.

"Unfair ba at selfish na gusto ko munang makamit ang mga pangarap ko?" Seryosong tanong ko sa mga ito.

"Of course not dahil pinag uusapan ang future mo pero may punto si Levi. Why not do it as husband and wife?" Pahayag ni Maica.

"Sounds to me na medyo tagilid ka sa reason na yan kaya nagagalit si Boss sayo kasi sarili mo lang iniisip mo sa part na yan" Pahayag ni Jeff at saka napaisip naman ako ng husto.

Ano ba talaga ang gusto mo, Ellie?

Seryoso kaming nag uusap usap ng biglang tumunog ang glass door hudyat na may mga customers na pumasok at kailangan nang magbalik sa kanya kanyang trabaho.

Tatayo sana ako sa aking kinauupuan sa bar ngunit laking gulat ko kung sino ang pumasok.

"Girl, si Ex" Bulong ni Allen sabay tapik sa aking balikat.

Si Peachy. At may kasama itong isang bading at isa pang babae.

Elegante ang galaw ng babae at kitang kita ang kakinisan nito sa suot na damit na wala namang panama sa aking kutis kayumanggi na medyo may kaputian lamang.

Stop comparing yourself to her. Bulong ko sa sarili at saka tinanggal ang tingin ko sa mga ito.

"Ano naman kayang ginagawa nyan dito?" Tanong ni Maica.

"Ahm..kakain? Iinom?" Mahina kong sagot at saka ngumiti na lamang si Maica.

"Ellie, ikaw hinahanap" Si Jeff na huminto sa aking harapan.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon