Nagdaan pa ang ikalawang linggo ng buwan na iyon at matapos ang aking kaarawan at pagpanaw ng ama ni Levi.
Sabado ng araw na iyon at nagsilbing half day lang ang aming klase kung saan nagdesisyon akong magpunta sa Mall upang bumili ng aking outfit para sa party ng business department mamayang gabi.
Magsisilbi na rin itong selebrasyon sa mga nakapasa sa baby thesis at isa na ako don.
Excited na binalita ko iyon kila Mama at Papa at hindi naman matawaran ang tuwa ng dalawa.
May naitabi rin naman akong pera para sa ganitong klaseng okasyon kung saan ay pagkakataon ko nang makakilala ng mga panibagong kaibigan.
Balitang mayroon din kami isang guest na sikat para kumanta mamayang gabi. Usap-usapan ay si Blanche Gomez daw ang dadalo. Isang sikat na artista at performer. Kaya naman lalo akong naexcite sa pagdalo.
Hindi naman makakadalo si Pat sapagkat i-cecelebrate nila ng kanyang nobyo ang one year Anniversary nilang dalawa.
Masaya ako na nahanap naman ni Pat ang magpapaligaya sakanya.
Busy ang mga mamimili sa Mall ng araw na yon. Kaya naman nagsimula na akong magtungo sa Ladies Wear department at sinimulang mamili.
Tahimik kong iniisa isa ang rampa ng mga dress ng marinig kong magbulung bulungan ang mga sales lady sa aking tabi.
Na-curious naman ako kaya lumapit ako sa mga ito at tahimik na nakinig sa kanilang pinag-uusapan.
"Oo grabe ang puti sa personal teh.." Ang isa sa mga ito.
"True! At ang kinis infairness! Kaso mukang masungit" Sabat naman ng isa.
Hindi ko naman alam kung sino ang tinitukoy ng dalawa at nagkibit balikat na lamang ako para ipagpatuloy ang pamimili.
Hindi naman nagtagal ay nakapili na ako ng aking isusuot. Bukod sa simple lang ay mura pa. Isang kulay itim na spaghetti strap backless na hanggang tuhod.
Busy kong nilalagay ang barya sa aking pitaka ng biglang may kumalabit sa akin.
Nagulat naman ako at napalingon. At hindi ko inaasahang ito ang aking makikita.
"J-jack?" Oo si Jack, ang masayahing kapatid ni Levi.
"Hi, Ellie. Kumusta?" Tanong ng lalaki na poging pogi naman sa suot nitong tie dye shirt at pants.
"E-eto okay lang..Nabalitaan ko nga pala ang pagpanaw ng ama mo..nakikiramay ako.." Sinsero kong tugon sa kabila ng malakas na kabog ng aking dibdib.
"Uh. Ellie? Can we talk somewhere less crowded?" Mukang seryoso ito at hindi naman ako nagdalawang isip pumayag.
Napili namin maupo sa mga upuan sa tabi lamang ng entrance ng cinema kung saan hindi magulo at medyo tahimik.
"I'm sorry kung nabigla ka kanina.." Pag uumpisa ng binata.
"Okay lang" Maikli kong sagot.
Ngumiti ito subalit maya lamang ay napawi iyon at napalitan ng lungkot. Malalim ang pagtaas baba ng dibdib ng binata senyales na hindi nito alam papanong magsisimula.
Kaya naman tinapik tapik ko ito sa balikat upang maging komportable sya kahit papanong sabihin sa akin kung ano man ang gusto nitong sabihin.
"Is everything okay, Jack?" Tanong ko makaraan ang ilang sandali.
"I'd be lying If I said Yes. Because it's not Ellie. As you know, my father just passed and Levi has threatened to leave the company" Sambit ni Jack habang tahimik akong nakikinig. Nagpatuloy naman ito..
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
Storie d'amoreSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
