"Mamimiss ka namin Ellie.." Naiiyak na sambit ni Maica habang yakap yakap ako nito pati na rin si Pat at Jeff.
Maaga kong binalita sa aking supervisor ang pag-resign ko kinabukasan matapos ang huling pagkikita namin ni Levi. Kahit hindi ko man sabihin ang dahilan kung bakit biglaan ang aking pagpasyang umalis sa trabaho at umuwi muna sa aming probinsya sapagkat bakasyon na, ay alam kong alam nila kung bakit.
Alam nilang lahat kung bakit ako lilisan.
At sasamantalahin ko ang bakasyon upang makapiling ang aking mga magulang.
Na syang kinukuhanan ko ng lakas sa mga panahong ito.
"Basta mag-iingat ka at parati kang dadalaw dito ha?" Sabi naman ni Mang Larry.
"Maraming salamat Mang Larry at oo wag kayong mag-alala, dadalaw ako rito pagkagaling sa bakasyon.." Pahayag ko.
"Pero ang tagal tagal pa nun.. Hmp!" Si Jeff naman ang nagsalita.
"Kaya nga" Ang masungit kong supervisor.
"Mabilis lang ang dalawang buwan" Sabi ko at napakamot na lamang ito ng ulo.
"O sya guys, nandito na ang grab ride ni Ellie" Si Pat na hawak ang iba kong bagahe at saka nagpaalam na akong tuluyan sa mga staff.
Nagdesisyon si Pat na ihatid ako hanggang bus at tulungan na rin ako sa aking mga bagahe.
"O, bakit ka umiiyak?" Sambit ko sa babae habang nasa loob kami ng sasakyan.
"Wala lang..eh kasi naman..ang tagal nun..lagi tayo mag uusap sa messenger ha?" Pagpapaalala ng aking kaibigan.
"Oo naman Pat..at isa pa, magkikita pa naman tayo.." Sabi ko rito at saka inakap ng mahigpit.
"Saka..alam kong kayang kaya mo malagpasan ito Ellie. Makakalimutan mo rin ang mga nangyari at sana huwag mo na syang masyadong isipin..alam mo kung sino ang tinutukoy ko.."
Sandali naman akong napatigil upang isipin kung ano nga ang dapat kong sabihin ukol sa pahayag nito.
"Hindi ko maipapangakong makakalimutan ko ito agad..hindi ko alam kung gaano katagal bago iyon mangyari pero I'll try.." Pinilit kong ngumiti rito.
"He made a choice..and he chose to spend his life without you.." Sabi pa ni Pat.
Ngunit naisip ko naman ang tungkol sa nais ng kanyang yumaong ama. Ang promesong ikakasal ito bago ito pumanaw. At alam kong nirerespeto ni Levi ang pangakong iyon sa ama kaya tutuparin nya ito. Ngunit sa piling ni Peachy. At hindi ako.
"He made a choice out of respect for his father Pat. At kailangan din nating respetuhin iyon. Isa pa, hindi talaga kami para sa isa't isa" Pilit ko mang itanggi ay mahal na mahal ko ang lalaki at minsan ay ninais ko ring kami ang magkatuluyan nito ngunit hindi talaga nais ng tadhanang mangyari iyon.
Kalaunan ay nakarating din kami sa bus terminal at nanumbalik naman ang lungkot sa aking dibdib habang nagpapaalam sa aking kaibigan at pakiwari ko ay isang parte ng puso ko ang maiiwan sa lugar na ito. Kasama na don si Levi.
Handa na akong kalimutan ang lalaki.
Mahaba ang byahe at laking pasasalamat kong nakarating ako ng ligtas.Tiningnan ko ang oras at mag aalas kwatro pa lamang ng hapon.
Mabilis ko naman nakita si Mama at Papa na nakasakay sa tricycle habang hinihintay ako.
Maligayang maligaya ang dalawa ng makita ako at mabilis akong ginawaran ng halik at yakap ng mga ito bago kinuha ang aking mga dala at sinakay sa tricy.

BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...