Pumasok kaming halos kinseng babae sa isang kwarto na kulay puti lamang ang pader at isang napakalaking salamin na kung saan ay repleksyon lamang ang aming makikita at hindi mo maaaninag kung ano ang nasa kabila nito.
Subalit sapat upang malaman na may mga kliyente kung tawagin ni Cathryn ang nakaupo sa kabila ng salamin at isa isang mamimili ng babaeng nais nilang maging companion ngayong gabi.
Di ko naman maiwasang marinig ang sinasabi ng mga kasama kong babae.
"Ikaw ba yung pinsan ni Cath?" Isang maputi at singkit na babae ang nagtanong.
"Ah? Oo.." Mahina kong pahayag.
"Ah okay. Ganda ng suot mo. Bet ko" Tila kaswal lang nitong pahayag.
Kung tutuusin ay sanay na ang mga ito sa ganitong klase ng trabaho at muka naman silang masaya.
"S-salamat.." Sagot ko sabay sipat ng aking suot sa salamin.
Isa iyong kulay itim na bodycon dress na kung saan ay makikita ang pagkahubog ng aking katawan ngunit sapat upang hindi maging malaswa sa paningin ng iba.
Mabuti na lamang at hindi rin ganoon kataasan ang heels na pinahiram ni Cathryn.
Nagulat naman ako ng biglang lumiwanag lalo ang kwarto, dahilan upang isipin ko na nagsisimula na siguro magsipasukan ang mga clients mula sa kabilang kwarto.
Nagsimula ring tumahimik ang mga babae at inayos ang mga sarili bago humarap sa may salamin.
"Tumayo kang mabuti at ngumiti" Ika ng katabi kong babae.
Tumango ako at ginawa ko ang sinabi nito. Pinilit kong ngumiti kahit na halos sasabog ang dibdib ko sa kaba at gusto ko ng tumakbo paalis ng lugar na ito.
Nagulat naman ako ng biglang may magsalita sa speaker. Boses ito ni Marie. Mukhang nagsisimula na mamili ang mga clients sa kabilang kwarto at sya namang inaannounce ni Marie kung sino ang mga pinili.
"Megan, pumanhik ka na sa room 3" Ika ni Marie.
Hindi ko maiwasang magtaka Sa aking loob loob. Anong ibig sabihin ni Marie?
"Asia at Mattie sa room 16"
Nagpapawis ang aking mga palad sapagkat may pagsisisi akong nararamdaman ngunit mas mabigat ang aking pangangailangan sa pera.
"Ellie, sa special room ka" Ika ni Marie at nagtinginan sa akin ang mga iba pang natirang babae.
"Swerte mo bilang first timer, girl" Kinindatan pa ako ng isa sa mga girls.
"Buti ka pa!" Sabi naman ng isa.
Ngunit may mga nagpahayag din ng pagkadisgusto sa aking presensya sapagkat 'unfair' daw at ako ay siningit ni Marie.
"Ellie narinig mo ba ako?! Lumabas ka na!" Pagalit na tugon ni Marie sa speaker at sya naman akong nagmamadaling lumabas.
Sinalubong ako ni Cathryn na syang maghihintay sa may hallway sa labas lamang ng kwarto.
"Sabi ko naman sayo, magtiwala ka lang at didinggin ng diyos ang pakiusap mo" Nakangiti nitong sambit.
"Ano ba ang ibig sabihin ni Marie sa special room?" Tanong ko rito.
"Ibig nitong sabihin ay isa sa mga big shot client ang pumili sayo. Mayaman" Sambit naman ni Cathryn.
"P-pero..pero paano kung matanda? Diyos ko po, hindi ko ata..hindi ko kaya" Sambit ko at tila gusto ko na umalis sa lugar na ito.
"Kayanin mo, Ellie. Alalahanin mo ang pamilya mo" Sambit ni Cathryn at napalunok na lamang ako.
"Tama k-ka..kaya ko ito..diyos ko, tulungan nyo akong malagpasan ang gabing ito.." Pagdarasal ko habang naglalakad na kami ni Marie papuntamg elevator patungo sa special room.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
