"Hello, anak kumusta ka na diyan?" Si Mama ang tumawag ng umagang iyon.
Nagtaka naman ako sapagkat kung tumawag ang mga ito ay madalas sa hapon matapos ang kanilang trabaho.
"Maayos naman ako ma. Kayo dyan?" Tanong ko habang nag aabang ng jeep papasok sa school.
"Uh..eh okay naman 'nak" Tugon nito ngunit parang may kakaiba sa tono ng boses ng aking ina.
"Ma,may problema ba?" Tanong ko naman rito habang nakatayo p rin sa pila ng pampasaherong jeep papasok sa campus.
"Nak, wag ka mabibigla" Tugon naman ni Mama at hindi ko maiwasang kabahan sa sinabi nito.
"Ha? Bakit, ma?"Parang sasabog ang aking dibdib sa sinasabi nito.
"Si Papa mo, nasa kulungan" Tila naiiyak na sabi nito.
"Ano?! P-papaano nangyari?!" Nanlalaki ang matang tanong ko na syang dahilan kung bakit lumingon ang mga mata ng nasa pilahan ng jeep.
"Eh anak sinabi ko namang huwag na sasama kay Manuel sa sabong. Nagkataon naman tumaya ang Papa mo dahil sa pagkakaalam eh mananalo muli ang alaga ni Manuel. Ayun... natalo"
"At bakit nakarating dyan si Papa?!"
"Malaki ang natalong pera anak kaya ayan nangutang kay Manuel hanggang umabot ito ng 50,000.. Ng sinisingil na eh wala pang pambayad ang iyong Papa kaya pinakulong ng bruhang asawa ni Manuel!" Tila naiinis at nagagalit na tugon ni Mama.
"Diyos ko, kung kelan tumanda si Papa eh syang natutong sumugal..eh papano na iyan Mama alam mo namang wala tayong pambayad.. hindi natin pwede hayaan si Papa.." Tila maiiyak kong tugon.
"Sinubukan kong kausapin ang bruhang asawa ni Manuel kaso nagmatigas ito..kaya tinawagan kita anak.." Sambit ni Mama at naawa naman ako rito.
"S-sige Ma, hahanap ako ng paraan.. aalisin natin si Papa diyan.." Buntong hininga kong tugon.
"Salamat anak at pasensya ka na ha.." Sabi ni Mama sa nanginginig na boses.
"Huwag ka na masyado mag isip Ma at sabihin mo kay Papa magtiis lang.."
"Sige anak, mag iingat ka. Paalam"
Mamaya lamang ay hindi ko na napansing mag iisang oras mahigit na akong nakaupo sa waiting shed habang papalakas naman ang buhos ng ulan na tila sumasabay sa aking damdamin.
"Ellie..mag-isip ka.." Tugon ko sa sarili.
Naisip kong lumapit kay Pat ngunit naalala kong may sakit din ang ina nito at naggagamot.
Hindi naman ako pwedeng lumapit sa aking Boss na instik sapagkat nasa Taiwan ito at nagbabakasyon. Sa susunod na linggo pa ang uwi nito at hindi ko hahayaang makulong si Papa ng ganung katagal.
Lalong hindi ko pwedeng galawin ang pera sa aking account na bigay ni Levi sapagkat hindi naman sa akin iyon. At hinding hindi ko gagalawin iyon sapagkat kailangan kong ibalik rin iyon sakanya.
Halos patong pato na ang aking problema at di ko maiwasan sisihin ang aking sarili sapagkat kung nakinig na lamang sana ako kay Mama at duon na lamang sa aming probinsya nag aral at nagtrabaho ay hindi sana mangyayari ito.
Hindi sana magagawang magsugal ni Papa.
"Miss, dito ba sakayan ng taxi?" Tanong ng isang babae na sa hula ko ay nasa terenta pataas. Nakasuot ng red dress at high heels habang kulay blonde naman ang buhok nito.
"Miss?"
"S-sorry?"
"Saan ba ang pila ng Taxi rito?" Tanong nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/212770615-288-k362836.jpg)
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
Lãng mạnSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...