11 months later..
Oo tama ang nabasa niyo, halos mag iisang taon na ang lumipas simula ng pakikipaghiwalay ko sa hot shot billionaire na si Levi Maximus.
Nahirapan akong kalimutan ito at kahit saan ako tumingin ay mukha nito ang nakikita ko. Literal.
Sa tabloids, magazines, newspaper, billboards, at lalong lalo na sa social media kaya naman pansamantala akong nag-deactivate upang hindi na makita pa ito sapagkat mapait na alaala ang dala non.
Ang nakakainis at nakakamiss pa roon ay Wala pa rin nagbago rito at napakatikas pa din ng hitsura ng lalaki. Hindi malayong maka move on na ang lalaki lalo pa sa estado nito. At tama nga ako.
Hindi ko akalaing ang bilis ng pag move on ng lalaki dahil matapos lamang ang tatlong buwan ay laman ng social media ang pakikipag date nito sa isang showbiz personality na si Peachy Gonzales.
Blonde, petite katulad ko at sabi nga ni Pat ay hawig ko raw ito.
Aaminin kong masakit ang mga nabasa ko pero isa rin ito sa dahilan kaya naman unti unti ko nang nakakalimutan ang lalaki.
Minsan ko ring napanuod ang interview rito ng isang international lifestyle channel kung saan ibinahagi nito ang kanyang pamumuhay at kinuwento kung papano narating ang tagumpay. Punong puno ito ng confidence sa sarili at muka namang kampante na ito na wala ako sa buhay nya.
Hindi ko tinapos sapagkat mabigat lamang sa dibdib na maalala ko pa ito.
Naalala ko pa kung saan ay ilang ulit din akong sinubukan kausapin ng lalaki subalit umiiwas ako. Lumipat ako ng tirahan at nagpalit din ako ng number. Madalas rin akong puntahan ni Mang Art sa paaralan at nakikiusap na ihatid ako pauwi sa Mansion ngunit nanindigan ako na hindi na muli pang makikipag balikan kay Levi Maximus. Mabuti na lamang at naintindihan ako nito at simula non ay hindi na umulit pang sunduin ako.
Ngunit mapilit si Levi. Dumating pa sa puntong ito mismo ang sumusundo sa akin sa school ngunit mabuti na lamang ay tinatago ako ni Pat.
Talagang dinurog ni Levi ang puso ko at kahit kailan ay hindi ko malilimutan iyon.
Matapos akong sinubukang suyuin nito ay mukha namang napagod na sya at simula ng paglipat ko ng tirahan ay hindi na ako muling kinulit ni Levi. He's totally out of my life.
At masasabi kong mas mainam na 'yon.
"Uy, malalim nanaman iniisip mo" Ang kaibigan kong si Pat, na kasama ko kumain sa canteen ng araw na iyon.
"Ha? Ah eh wala. Iniisip ko lang kung ano isusuot ko para bukas" Sambit ko rito.
"Uyyy, dress to impress para kay Garette.." Pang aasar ni Pat at natawa naman ako sa sinabi nito.
Tama ang narinig nyo.
Mag iisang buwan na kaming nagde-date ni Garette ngunit pinili namin na hanggang dun muna at huwag madaliin ang isat isa.
Napaka sweet nito at caring. Masuwerte ako at may isang katulad ni Garette sa buhay ko. Tinulungan ako nitong ihilom ang sugat na binigay ni Levi.
Hindi man ito kasing yaman, at gwapo ni Levi, mabait naman ito at maunawain. Hindi ito nagsasawang tawagan at dalawin ako araw araw. Kaya naman unti unting nahulog ang loob ko rito.
Paghanga lamang ang nararamdaman ko kay Garette at alam nya iyon.
"Speaking of.." Sambit ko ng magring ang aking cellphone at nagmamadali akong sagutin iyon.
"Hi" Maikling bati ko.
"Rose.." Si Garette na mas gustong tawagin ako sa aking pangalawang pangalan. Sabi nya mas okay raw yon kasi sya lang tumatawag sakin non.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomantikSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
