"Thank you and Have a nice day Ma'am at Sir.." Pagbati ko sa mag asawang bumili ng cake sa shop.
"Hindi na nga nagpaparamdam ang ugok na Aaron na yon.." Si Pat na nagpupunas ng mga tables ng shop.
"Ha? Akala ko ba okay na kayo?" Sabi ko rito habang nagbibilang ng pera sa kaha.
"Akala ko nga rin. Bigla na lang hindi sinasagot mga tawag ko sa messenger tapos parating busy sa school ang gago" Kita naman ang lungkot sa mata ni Pat.
"Bakit hindi mo subukang puntahan sa bahay nila?" Muli kong tanong.
"Sinubukan ko pero wala raw sya sabi nung helpers nila" Sambit nito at tila naawa naman ako kay Pat. Katulad ko, marami din itong problema dinadanas sa buhay.
Huminto naman ako sa aking ginagawa at lumapit rito. Hinila ko ito niyakap ng mahigpit. Mamaya lamang ay naramdaman kong humihikbi na ito ng tahimik.
"Hayaan mo na 'yun. Makakatagpo ka rin ng lalaking aalagaan ka at mamahalin" Sambit ko rito habang ito naman ay nagpupunas ng luha.
"Eh mahal ko nga. Ayoko ng ibang lalaki" Ika nito na napapaos ang boses.
"Ano ang balak mo ngayon?"Tanong ko rito.
"Gusto ko syang makausap Ellie. Gusto ko marinig mismo sakanya na tapos na kami" Sagot nito at naiintindihan ko kung saan sya nanggagaling.
"Hamo at kakausapin ko si Caleb" Aking pahayag at tila nabuhayan ito.
"T-talaga? Pero akala ko ba hindi kayo okay ni Caleb?" Tanong naman nito.
"He wants us to be friends again at pumayag naman ako. At saka, una sa lahat ay ako ang nagkasala dito" Paliwanag ko kay Pat.
"Sabagay. Alam ba ng boyfriend mo?" Ika ni Pat.
Natawa naman ako sa sinabi nito at napaisip.
"Hindi ko sya boyfriend at hindi naman nya kailangan malaman" Paliwanag ko muli ngunit bakit may kakaibang pakiramdam sa aking dibdib habang iniimagine kong kung kami nga ba talaga?
Napaisip tuloy ako. Ano ba ako kay Levi? Am I his girlfriend too? Or just a third party? Some woman in his life?.
"Sabagay ay tama ka dyan.." Ika nito at ilang sandali lang ay nagsalita muli.
"Girl, may customer ka" Sambit nito at lumingon ako sa direksyon ng glass door.
Nanlaki ang aking mata at tila nanigas ang aking mga daliri.
"J-jessica?" Sambit ko at nakikita ko na pati si Pat ay nasurpresa.
"S-sige, punta muna ako sa locker bes" Sambit nito na tila aligaga at sabay umalis na nga.
"Hi, Ellie. How are you?" Si Jessica na nakangiti sa aking direksyon.
"H-hello..uhm..i'm good. Ikaw? Napadaan ka yata?" Tila kinakabahan kong sambit.
Sino ba ang hindi mahuhumaling rito? Bukod sa maganda, matalino, sikat ay isa pa ito sa mga A-listers ng bansa? Mayron itong 1 million followers sa Twitter at Instagram at minsan ay nabasa ko pa nga sa social media na sya ang bukod tanging tagapagmana ng kanilang mining business.
Kumikinang naman ito sa suot na v shaped ruffled top na kulay silver at leather pants with high heel boots. Muka rin mas mahal pa ang suot nitong bag kesa sa pinagsama samang allowance ko sa isang taon.
"Actually, I wanted to check out your wedding cakes" Sabi nito.
Pakiramdam ko naman ay may tumusok sa aking dibdib sa sinabi nito. Pero bakit ko nga ba iniisip na hindi itutuloy ni Levi ang kasal rito eh wala naman syang binanggit na ganon tuwing magkasama kami. At isa pa ay hindi nito gustong pagusapan si Jessica tuwing kami ay magkasama.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomansaSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...