"You look beautiful" Papuri sakin ni Marco habang nasa loob kami ng sasakyan nito.
"Thank you, ikaw rin" Pagbalik ko naman rito.
"Maganda?" Pagbibiro nito.
"Hmp, sige na nga. Gwapo" sambit ko at tumawa ito ng napakalutong na tila nakakahawa.
He looked gorgeous in his casual attire. But not as gorgeous as Levi.
Stop thinking about him Ellie.
Mabuti na lamang ay tinulungan ako ni Cathryn bihisan ng gabing iyon at tuwang tuwa ito sapagkat nagustuhan ako ng kliyente. Ngunit hindi ko pwedeng sabihin rito kung sino iyon. Mas maigi na rin na walang makaalam bukod kay Marie sapagkat hindi naman ito maaring magtagal.
I settled for my favorite color. Yellow off the shoulder sundress na may slit sa skirt habang nagpasya naman si Cath na itali pataas ang aking buhok para umano lalong maexpose ang aking mukha.
Hindi naman napunta sa wala ang pag-aayos sa akin ni Cathryn dahil sa sinabi ni Marco. Siguradong matutuwa ito kapag kinwento ko sakanya iyon.
"So, where do you want to go first?" Ngumiti ng maluwag si Marco sa akin.
"Uhm..kahit saan?" Pagkagat ko sa ibabaw kong labi.
"Ang cute mo talaga kapag ginagawa mo yan.." Sabi nito.
"Bolero"
"Oh, really?"
"Just kidding.." sabay ngiti ko rito.
"Ah eh.. may gusto sana akong puntahan.. pero baka nakita mo na ito kaya di bale na lang.." Pahayag ko.
"Okay lang. Saan ba?"
"Sa Cliff Art Museum"
"Alright, then art museum it is!" Ika nito bago pinaharurot ang kanyang sasakyan.
Mabilis lamang sana ang byahe kung hindi traffic. Ngunit maigi na rin iyon sapagkat mas maraming oras kaming nakapag kwentuhan pa ni Marco.
At katulad kagabi, panay ang papuri nito sa akin at masarap raw akong kausap.
Nakwento ko rin rito na mayroon na akong minamahal ngunit hindi ko binanggit ang pangalan ni Levi.
Napagtanto ko namang muntik na rin pala ikasal si Marco ngunit nahuli nyang may kalaguyo ang kanyang fiance.
Hindi naman ako makapaniwala sapagkat wala ng hihilingin pa ang ex fiance nito sakanya. Bukod sa mayaman at guwapo, gentleman pa at down to earth.
"Hindi ko akalaing mahilig ka rin pala sa mga obrang katulad nito.." sambit nito habang ginugugol namin ang aming oras sa pagsipat sa mga naggagandahang likha ng mga lokal na artists.
Talagang napakaraming maipagmamayabang sa ating bansa kung tutuusin. Isa na ang talento ng mga pilipino sa pagpipinta.
"This specific art work here was made by my friend, Jess" Ika ni Marco.
"Napaka galing nya.." Papuri ko sa kanyang kaibigan.
"She is. She's amazing. And kind" Sambit muli nito ng may paghanga.
"Gusto ko rin ito.."
Pagtukoy ko sa isang obra na naglalarawan ng kagandahan ng mga ating kababaihan sa probinsya. Ang mga ito ay may buhat ng nahakot na palay sa may ulo habang ang kanilang mga anak ay habol habol ang mga ina.
"It's beautiful.." sambit ni Marco ngunit bakit ko nararamdaman ang mga mata nito sa akin?
Huminga ako ng malalim at sumagot.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomantizmSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...