Tatlong araw ang lumipas simula ng hindi malilimutang gabing iyon. Kung saan ay muling pinag-isang dibdib kami ng tadhana.
Ngunit tadhana nga ba ang nangyari?
Hindi ko na nadatnan ang lalaki ng umagang iyon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nakikita at hindi rin ito nagpaparamdam.
Madalas namang lumipad ang aking isip tuwing nasa klase hanggang pag-uwi. Kaya naman katulad ng dati ay sinusubsob ko na lamang ang aking sarili sa pag-aaral.
Panay pa rin ang ulan at tulad nga ng sabi sa balita ay mas lalo pa itong lalakas ngayong gabi dahil sa bagyong paparating.
Nagprepara naman kami nila Lisa sa kung ano mang mangyayari matapos ang bagyo.
Matapos kong kumain at magshower ay nagpatuloy na ako sa pagbabasa sa kwarto. Pinili kong isuot ang binili sa akin ni Levi na kulay dilaw na pantulog. At sa hitsura pa lamang ay muka na itong mamahalin at napakasarap sa pakiramdam sa balat.
Tiningnan ko ang orasan at mag aalas onse na ng gabi. Lumalamig na rin ang simoy ng hangin at nagbabadya pa itong lumakas.
Di kalaunan ay maririnig ang paghampas ng hangin sa mga puno at at ang pagsipol na tunog na hatid nito.
Nagpasya akong kumuha ng jacket at saka magtalukbong ng kumot. Dinala ko naman ang binabasa kong libro at saka ginamit ang flashlight ng cellphone ko at sinimulang magbasa.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng marinig ko ang tunog ng makina ng sports car ni Levi. Tila napatalon sa tuwa ang aking puso at saka nagmamadali akong tumakbo palabas ng kwarto upang batiin ito.
Miss na miss ko na ang lalaki at sana ganun din ito.
Mabilis kong tinahak ang hagdan pababa at nagtama ang aming mga mata. Abot tainga ang aking ngiti na binati ito.
"Hi!" Tila batang pahayag ko.
Hindi ito nagsalita bagkus tahimik lang at hindi ako pinansin. Hindi nga nagtagal ay malalaman ko ang dahilan kung bakit hindi ako kinikibo nito.
"Babe, I can't find my phone" Lumitaw ang isang babae mula sa pinto at may hawak itong bag.
Si Peachy.
Nanlumo ang puso ko subalit its too late na upang umatras at bumalik sa kwarto ng makita ako ng babae.
"It's you" Tila tinatago lamang nito ang pagkagulat.
Tumingin ito kay Levi at mukang nag aakusa ang mga titig ng babae rito.
"Why's she here?" Bulong ni Peachy pero sapat upang marinig ko.
Levi let out a deep breath before answering.
"She's Lisa's niece" Pagsisinungaling ng lalaki at lalo akong nanlumo.
Pinilit ko namang lakasan ang aking loob at imbis na manatiling tikom ang bibig ay binati ko ito.
"Magandang gabi" Pagbati ko rito at tila walang ganang kausapin ako.
"Hey" Si Levi na lamang ang nagsalita.
"Can you tell Manang Lisa to prepare us some food?" Pag uutos ng babae at tila nabuhayan naman ako ng dugo at napatingin rito.
"S-sige" Maikli kong tugon at saka dumeretso na sa Maid's quarter sa likod ng Mansion upang gisingin ang matanda.
"Oh, Ellie. Bakit? Ang lakas ng ulan mababasa ka" Sabi nito ng pagbuksan ako ng pinto.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
