Chapter 67

6K 69 7
                                        

Sinunod ko na lamang ang payo nila Mama at piniling manatili muna kila Pat kahit pansamantala lamang.

Mabuti na lamang ay may mabuting kaloobaan si Pat at ang ama nito at maluwag akong pinatuloy sa kanilang tahanan.

At si Pat, bilang matalik kong kaibigan, na naiintindihan ang lahat ng aking pinagdaraanan ay nandyan lamang sa aking tabi at hindi ako nilisan.

Ngunit kailangan naman nitong umalis ng araw na iyon sapagkat makikipagkita ito sa kanyang nobyo na si Jeremiah.

"Sige na kasi, sumama kana para hindi ka mabored dito kakaisip" Sambit nito habang naglalagay ng make up sa mukha.

"At maging third wheel nyo ni Jeremiah? Di bale nalang" Paghindi ko rito.

"Kasama naman namin yung isang friend nito na si Christian" Sambit ng babae.

"Nakakahiya" Ika ko na lamang.

Pinapanuod ko lamang ito habang parito paroon sa loob ng kwarto at hindi magkandaugaga kung ano ang kanyang susuotin.

"Sige na, please? Para naman kahit papano maalis ang isip mo dyan kay Levi" Sabi pa ng babae.

"Haaay. Sige na nga"

"O sya, bilisan mo at magbihis kana. Susunduin tayo ng mga ito in an hour" Ika ni Pat at saka napilitan na nga akong magbihis.

Lumipas nga ang oras at hindi nagtagal ay narinig namin ang busina ng kotse ni Jeremiah.

"Yan na silaaaa!" Tumitili at kinikilig na sambit ni Pat.

Napapailing na lamang ako bago ako hinila ng babae pababa ng hagdan.

"Pa! Alis na kami!" Sigaw ni Pat sa kanyang ama na mukang busy nag aayos ng pampasadang jeep nito.

"Aba Mag-iingat kayo! At umuwi kayo ng maaga hindi umaga!" Sigaw naman ng kanyang ama at saka dumeretso na kami sa labas ng gate.

Kung saan nakaparada ang race car ng binata at saka naka roll down ang window  nito.

"Hi, babe, hi Christian!" Sambit ni Pat na tila nagniningning pa ang mga mata.

"Hi girls" Sambit naman ni Jeremiah matapos ko ring batiin ito.

"Ah Christian, si Ellie nga pala, yung bestfriend ko na kinukwento ko" Nakangiting pagpapakilala ng babae at di nagtagal ay binati ko ito.

"Hello.." Sambit ko ngunit ngumiti lang ito ng pilit.

Tila napahiya naman ako mabuti na lang inaya na ako ni Pat pumasok sa loob.

Lumipat naman si Christian sa likod upang makaupo si Pat sa passenger seat. Dahilan upang magtabi kami ng lalaki sa likod at maging awkward ang byahe patungo sa aming destinasyon.

Ni hindi man lang kami hinintay ni  Pat at Jeremiah na nag aapurang kumuha ng ticket para sa entrance sa Enchanted Kingdom.

Kitang kitang bored ang mukha ni Christian at parang napipilitan lang din itong sumama.

Makaraan ang ilang sandali ay wala na ang dalawa sa aming paningin.

"Where the hell are they?" Sambit ni Christian.

Nagulat naman ako ng marinig ang boses nito dahil halos pareho sila ng accent ni Levi at napansin ko rin na may lahi ito. Gusto ko atang itanong kaso mukang suplado ang lalaki.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon