Chapter 17

5.6K 88 8
                                        

Nakabalik ako ng Mansion ng mag-aalas onse na ng gabi. Humahangos naman ako sa loob ng bahay ng biglang lumapit si Lisa sa akin na may hawak na telepono.

"Ellie! Bilisan mo at galit na galit si Sir!" Pag-aalala nito.

Parang sasabog naman ang aking dibdib sa sinabi nito. At hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon.

"Levi..I'm sorry" Paghingi ko kaagad ng paumanhin rito, habang hinahapo.

"Where the fuck have you been, Ellie?" Totoo nga ang sinabi ni Lisa. Galit na galit ito.

Napalunok ako ng mariin bago sumagot.

"Uhm..may project kaming tinapos ni Pat.." Pagsisinungaling ko.

"Don't fucking lie to me" Malalim na tugon nito.

"I'm not..tanungin mo pa si Mang Arthur" Pagpapalusot ko.

"I'm not stupid Ellie. I know you're with my brother" Giit nito.

"Papaano.."

"Paano ko nalaman? I have eyes everywhere. Baka nakakalimutan mo ang pinag-usapan natin bago ako umalis patungong States!" Pagbabanta pa nito. Na syang nagpakulo ng aking dugo.

"Nobyo ko si Caleb. Mahal ko sya katulad ng pagmamahal mo kay Jessica. At nangako ka na bibigyan mo ako ng panahon para sabihin dito ang totoo" Pagtatanggol ko sa aking sarili laban sa masasakit nitong salita.

"I know but I didnt agree about other men touching you even my own brother!" Nagsimulang tumaas ang boses nito na syang nagpayanig sa aking tenga. Pakiramdam nya ay pag-aari nya ako na syang ikinaiinis ko.

Ngunit papanong nalaman ni Levi ang namagitan sa amin ni Caleb sa ferris wheel?

"Levi, I'm..--" hindi na pinatapos ni Levi ang sasabihin ko.

"I can't believe you let my brother finger you in public, Ellie" Tahasang pagsagot nito.

Halos sasabog naman ako sa galit sa aking narinig.

"You're selfish and unfair! Alam kong kasama mo si Jessica at wala kang narinig sa akin Levi" Naiiyak kong tugon. Hindi ko gustong nag aaway kami at ito ang unang pagkakataon na sumabog kaming pareho ni Levi. Galit na galit ito na parang wala ng bukas.

At ako rin dahil ayaw nitong mahawakan ako ng kanyang kapatid o kung sino mang lalaki ngunit pagdating sakanya ay maari nitong gawin lahat ng kanyang gusto.

"Jessica is my fiancé whether you like it or not, Ellie. I can fuck her and I can fuck you whenever I want to. Pero hindi ko sinabing  ayos lang saaking magpagalawa ka sa ibang lalaki!" Sigaw nito mula sa kabilang linya.

Ang mga kataga nito ay tagos sa puso at sampal sa mukha.

I can fuck Jessica and I can fuck you whenever I want to.

Halos sasabog ang dibdib ko sa galit. Nanginginig ang aking buong pagkatao habang nakakapit ako ng mariin sa telepono na anumang oras ay mawawasak iyon.

"Ganon ba ang tingin mo sakin? Pwes binabawi ko na ang sinabi ko. Aalis ako sa Mansion mo ngayon din.." Mahina ngunit punong puno ng determinasyon ang boses ko.

"Ellie..don't be stubborn.." Biglang huminahon ang boses nito.

"I'm sorry. I shouldn't have said that.." Paghingi nito ng paumanhin ngunit bago pa man ito makapagsalita ay nagpaalam na ako.

"Paalam...Levi"

"El--"

Hindi ko na hinintay ang ano pa mang sasabihin nito dahil pinatay ko na ang telepono.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon