"Maraming salamat po sa dinner and nice meeting you again" Pagpapasalamat ko kay Agatha sapagkat nagpaalam na itong magpapahinga. Wala na rin si Tyler John sapagkat nauna na itong namahinga. Mag aalas nuwebe na kasi ng gabi at maaga pa ang kanilang gising kinabukasan.
"You're welcome anytime, my dear" Humalik ito sa aking pisngi at umalis na.
Naiwan naman kami sa may veranda sapagkat nag aya pang uminom at magkwentuhan si Jackson.
Hindi naman kami nakatanggi. Actually, tuwang tuwa si Caleb sa ideyang iyon.
Si Levi ay katabi pa rin ni Jessica sa bilog na lamesa, at patuloy pa rin ito sa pag iinom samantalang si Jessica naman ay busy na may kausap at ganun din si Madison na busy naman sa pagscroll sa Instagram.
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" Mamaya ay bulong ni Caleb.
"Oo..akala ko nakalimutan mo ang birthday ko"
"Of course not. I was just planning to surprise you in front of my family"
"Nagtagumpay ka naman. Pero, thank you ha. Sa regalo" Sambit ko sabay haplos sa necklace.
"Gusto ko nakikitang parati mong suot yan, Ellie" Ika nito sa napaka sweet na tono.
Nagdaan ang oras at hindi namamalayan ni Caleb na napaparami na ito ng inom. Dahilan naman upang kung ano ano na ang nagsimulang lumabas sa bibig nito.
"Hey, you've had too much to drink, brother" Paalala ni Jackson rito.
"Who cares?" Sabi ni Caleb sa namumungay na mga mata.
Panay naman ang yakap at bulong nito saakin.
"Who's gonna drive your girlfriend home?" Sabi pa ni Jackson.
"She's sleeping at my place" Caleb answered.
At nagulat ako sa pahayag nito sapagkat wala kaming ganong usapan.
"No, she's not" Sabat naman ni Levi na sya ring iki-nasurpresa ko.
"Really? So where's she sleeping tonight? In your bed?" Caleb spats and I quickly asked him to shut up.
"Caleb, please. Nakainom kana"
"No I'm not.."
"Yes you are and you need to stop drinking" Sumbat muli na Levi na tila napipikon na sa bunsong kapatid.
"Hindi lahat ng tao susunod sayo" Mariing pahayag ni Caleb dito.
"Caleb, shut up bro" Bigkas ni Jackson ngunit hindi ito patitinag.
"No. You shut up!" Tumayo ito at tinumba ang lamesa.
"Caleb!!" Sigaw naman ni Jessica at Madison na napatigil sa kanilang ginagawa.
"Feeling mo kase napakataas mo! Pati si Mom and Dad nauuto mo!" Sigaw ni Caleb rito ngunit kalmado lamang si Levi.
"Yo, thats enough man" Ika ni Jackson na tumayo upang awatin ang kapatid. Ganun din ang ginawa ko.
"Caleb, tama na. Umupo ka na please" Ika ko rito.
"No, Ellie. You need to hear everything about that asshole!"
"Ellie, sit the fuck down" Maawtoridad na sambit ni Levi at hindi ko alam kung bakit sumunod naman ako dito. Tama sya, baka masaktan lamang ako ni Caleb sapagkat pagewang gewang na ito at anumang oras ay tutumba.
"Go on Caleb, tell her" Pagsulsol naman ni Levi na tila walang pake sa kanyang kapatid.
Madudurog naman ang aking dibdib sa away ng dalawa. Hindi ko akalaing ganito kalalim ang hidwaan nila. Hindi ko gustong makita ito kaya naman tumayong muli ako upang pigilan si Caleb.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
