Chapter 37

5K 58 6
                                        

Nagising ako ng umagang iyon na wala na si Levi sa aking tabi. As usual ay maaga itong umalis para sa business meeting nito ngayong araw sa kanyang opisina.

Ininda ko ang aking sakit ng ulo at pinilit tumayo. At syang pagtayo ko ay naalala ko ang mga nangyari nagdaang gabi lalo na ang sinabi ni Jessica.

Habang nasa sasakyan kami pauwi ng gabing iyon ay gustong gusto ko na kausapin si Levi dala na rin ng tama ng alkohol sa aking sistema.

Ngunit sinikap kong pigilan ang sarili dahil mas mainam na mag usap kami kapag hindi kami parehong nakainom.

Nagshower at nagbihis na ako saka nagpahatid kay Mang arthur patungo sa aking paaralan. Sinikap ko makinig sa aking mga propesor ngunit ang isip ko patuloy na lumilipad hanggang sa dumating ang hapon ay wala pa rin tawag si Levi. O text man lang.

Pinuntahan ko si Mang arthur na naghihintay sa parking lot at saka kinausap.

"Mang Art, tumawag ba si Levi sainyo?" sambit ko.

"Ha? Ah hindi, wala naman" Pahayag nito.

"Ganun po ba.." Pagbitaw ko ng malalim na hininga at saka sandaling nag isip.

"Uhm Mang Art, naalala ko meron nga pala kaming project ngayon na kailangan tapusin"

"Ah ganun ba? Alam ba ni ser?" Tanong nito at sa kinakabahang tono, sumagot ako.

"O-opo" Pagsisinungaling ko. Hindi naman malalaman ni Mang Arthur na alam ni Levi sapagkat hindi nito sinasagot ang aming mga tawag.

Ang totoo nyan ay kailangan kong malaman mismo sa aking sarili kung totoo o haka haka lang ba ang mga binitawan ni Jessica na salita.

Hindi ako makakatulog hanggat hindi ko nalalaman ang totoo.

Kaya naman ay hindi ako nagdalawang isip na aksyunan ang aking plano na iniisip ko mula pa kagabi sa party.

At yun ay puntahan ang sinabi ni Jessica na hotel. Sa Edsa Shangrila.

"Oh sya sige, mag iingat ka. Tumawag ka lang kung magpapasundo ka" Ika ng matanda at tila naman nabunuta ako ng tinik.

Nagpaalam na ako at Binilisan ko ang aking paglalakad sapagkat kailangan ko pa pumila sa taxi lane. Gusto ko sanang mag bus na lamang pero matatagalan ako at baka malaman pa ni Levi ang aking plano.

Lumipas ang kalahating oras at nakarating ako sa nasabing building. Bawat yapak ko ay bumibilis lalo ang tibok ng aking puso.

Dumeretso na nga ako sa lobby at laking pasasalamat ko ay hindi ako sinita ng guard. Ngayon naman ay kailangan kong mag isip kung papaano ko malamang nagpunta nga ba talaga si Levi dito.

"Uhm, excuse me, miss?" Sambit ko sa receptionist. Lumingon ito sa aking direksyon at saka ngumiti.

"Do you have a reservation mam?" Sambit pa muli nito.

"Wala po but I'm visiting my cousin, miss Jess--" Sambit ko at naputol ang aking sinasabi ng biglang lumingon ang dalawang receptionist sa direksyon ng elevator.

Tila kinikilig ang mga ito at naguluhan naman ako kung ano ba ang tinitingnan ng mga ito. Out of curiousity, lumingon din ako kung saan nakatingin ang dalawa at parang nakakita ako ng multo.

Nanlaki ang aking mga mata at tila nanigas ang aking buong katawan.

Si Levi at Jessica naglalakad sa lobby palabas ng gusali.

Hindi ako nagpahalata at tumalikod ng bahagya upang hindi ako makita nito. Kinuha ko ang bucket hat ko at sinuot upang lalong hindi makita ng mga ito.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon