Chapter 16

5.4K 79 0
                                    

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking cellphone.

Nagmamadali akong kinuha ito sa ilalim ng unan at tsaka sinagot kahit tulog pa ang diwa ko.

"Hmm.."

"Ellie.." Ang malalim na boses ng lalaki. Na isa sa laman ng aking isip bago matulog kagabi.

Naalimpungatan naman ako at napaupo sa kama nito.

"H-hi" Natataranta kong sagot. Bakit ganun na lamang ang sabik kong makausap ito? Hindi ito maaari.

"What were you doing in that bake shop?" Tanong nito sa malalim at seryosong tono.

Nagulat naman ako. Ngunit hindi na magtataka kung bakit nya nalaman. Marahil ay nireport ito ni Manong Arthur, ang driver, kay Levi.

Nagpasya akong sabihin ang totoo.

"I work there after school" Simpleng pahayag ko.

"What?!" Pagalit nitong bigkas.

Nagulat naman ako sa naging reaksyon nito.

"Kelangan ko rin makapag ipon ng sariling pera. Hindi ako mayaman katulad mo" Pagalit ko ring sagot.

"But we talked about this. You go back straight to our house after school, isnt that right?"

Our house.

Tila napaniwala naman ako sa sinabi nito. At parang may naramdaman akong munting paro paro sa aking tyan.

"I understand that you need to save money for your future but you don't have to work in that bakeshop. I can give you everything you need. I'm going to transfer 5 million in your account right now, and another--" Pahayag nito ngunit pinutol ko ano pa man ang kasunod non.

"Huwag ka mag alala, ligtas naman ang lugar na 'yon, hindi ako mahahanap nila Tiya. Isa pa Levi, ilang beses ko ba sasabihing hindi ko kailangan ng salapi mo. Maraming salamat sa tulong pero alam mong hindi ko iyan matatanggap" Pagpapanatag ko sa loob nito sapagkat alam kong nag aalala lang naman ito at wala ng iba.

"Money is not an issue here. But when it comes to your safety, you have to understand where I'm coming from, El" Pahayag muli nito sa frustrated na tono.

"I understand Levi, sana maintindihan mo rin na may buhay din ako sa labas ng school at ng Mansion mo" Mariin kong sagot.

"But--"

"Please? Trust me" Sambit ko.

"Fine." Sagot nito at tila nag give up na sa usapang iyon.

"Uhm..ano ginagawa mo?" Iniba ko naman ang usapan.

"The meeting just ended. I'm here in my office. Thinking about you.." Maikli ang sagot nito ngunit iba naman ang hatid ng mga salitang yun sa akin.

Bago ito umalis ay inamin nito ang atraksyon nya sa akin. At ganun din ang nararamdaman ko rito.

"Really.."

"Yes. I miss you. Your skin, your lips...I miss waking up with your beautiful face beside me.." Paglalambing nito. Enough to make my heart beat rapidly.

Bolero.

Pansamantala kong pinikit ang aking mata upang humugot ng lakas na magsalita matapos nya sabihin iyon. Dahil sa tuwing naiisip kong sabihin ang gusto ko rito, mukha ni Caleb ang nakikita ko. At di ko maiwasang ma-guilty.

"Levi.."

"Hindi mo ba ako namimiss, Ellie?" Malalim na tugon nito.

"Kung alam mo lang.." Napatakip naman ako sa aking bibig matapos lumabas ang mga katagang iyon.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon