Chapter 45

4.8K 65 1
                                        

"Sige na, sumama ka na!" Si Maica, na kausap ko sa telepono ng umagang iyon. Pinipilit akong sumama nito sa outing ng mga staff na sagot ng management ng Highlands.

Off ko ngayon at sya namang shift ni Maica ng buong araw.

"Masakit ang ulo ko Maica, next time na lang siguro" Pagsisinungaling ko.

"Sus! Ayan tayo eh. Wala ng next time ito at isa pa, libre naman ni boss Leo" Excited na bigkas ni Maica.

"S-sige na nga.." sambit ko at tutal ay kailangan ko rin ito. Aminin ko man o hindi, I have been so stressed lately at I need some fresh air to breathe and think.

"Yessss! Thats my girl. Aalis na tayo in two hours so be ready.."

"San ba tayo pupunta?"

"Sa Zambales daw sabi ni Bossing at magdadagat tayo. Excited na nga ako at magagamit ko ang bago kong swimsuit"

"Sus papacute ka lang kay Jeff.." Pagbibiro ko rito. Halata kasi ang paglalandian ng dalawa tuwing night shift.

"Eww! Hindi ah" Pagsisinungaling babae.

"O sya, see you later.." Sambit ko at saka binaba na ang cellphone.

Nagsimula akong mag empake. Sinubukan ko namang tawagan si Garrette ngunit hindi ito sumasagot. Mukang natutulog pa ito dahil pagod at puyat sa gig nila kagabi. Kaya naman minabuti ko na lamang magtext rito.

To: Love

Good morning, magpapaalam sana ako tungkol sa out of town ng mga staff ngayong araw pero baka tulog ka pa. Ingat ka at tawagan mo ako kapag nabasa mo ito! - Rose

Nagpatuloy ako sa pag eempake at nagsimulang maghintay ng oras. Binuksan ko muli ang aking cellphone at nag search kung ilang oras nga ba ang byahe papunta doon.

"Four hours? Not bad" Sabi ko sa sarili. At saka binalik ang cellphone sa aking bag.

Bigla ko namang naalala ang mga naganap kagabi. Alam kong mali ang pag walk out ko kay Levi at kung makita ko man ito kung may pagkakataon muli, hihingi ako ng paumanhin. But I doubt it, masyado itong busy.

I let out a deep breath and decided to take a quick nap instead.

Hindi ko naman namalayang napahimbing na pala ako ng tulog at nagising na lamang ako 30 minutes before ng scheduled departure namin.

"Shit!" Napamura ako at saka nagmamadaling kinuha ang mga gamit at nilock ang apartment at nagpatuloy na sa paglalakad.

Isang malaking backpack lamang ang dala ko ngunit may kabigatan iyon. Nagpasya naman akong magsuot ng denim shorts at off shoulder white top at simpleng tsinelas lamang. At saka nagtali ng buhok.

Pagdating sa Bar ay nakita kong pasakay na ng coaster ang mga empleyado at mukang excited ang lahat sapagkat kumpleto kami at ito ang unang beses na mag out of town kami bilang grupo.

"Yey! Nakarating ka on time!" Si Maica na niyakap ako.

"Tama na yan! Tara na at gusto ko ng uminom ng malamig na beer at maligo sa dagat at makipagkilala sa mga chix!" Si Jeff na patalon talon pa sa excitement.

"Edi go!" Si Maica na may bahid ng selos sa boses.

Natatawa na lamang ako bago tuluyang pumasok sa loob ng coaster at nagdasal na maging safe ang aming byahe ngayong araw.

"Guys, remember, be responsible of yourselves, okay?" Sita ng aming supervisor.

"Yes boss!!!" Sabay sabay naming sambit bago nito sinenyasahan ang driver na umusad na.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon