Chapter 66

4.3K 60 6
                                    

Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman. Matutuwa ba ako sa aking ginawa o matatawa dahil hindi ko inaasahang hahantong ako sa presinto ng gabing iyon.

Nagpaliwanag ako sa pulisya na kumuha ng aming kanya kanyang statements. Kitang kita naman ang tuwa sa labi ng tatlong demonyo dahil nagtagumpay silang dalhin ako rito.

"Ano pong mangyayari sa akin?" Tanong ko sa babaeng pulis.

"Maaari kang matulog sa presinto kung hindi sumipot ang contact person mo upang i-bail ka.."

"Ha? Ano pong ibig ninyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.

"May nakapagbigay alam na sa kaibigan mo na narito ka"

"S-sinong kaibigan?"

Diyos ko. Huwag naman sanang malaman ni Levi.

Sasagot pa lamang ang pulis ng biglang may narinig kaming nagsisigawan sa labas ng presinto. At tama nga ang aking hinala.

You're dead, Ellie. Napapikit na lamang ako sa nangyayari.

"Sir! Huminahon ka!" Boses ng isa pang pulis na syang mukang pumipigil kay Levi.

"Where the fuck is she?!" Narinig ko pang sabi nito.

"Nasa loob po sir" Sabi ng pulis at mamaya lang ay nakita ko itong papasok ng entrance.

Napalunok ako at bumilis ang tibok ng aking puso. Aaminin ko, medyo natatakot ako sa lalaki dahil sa hatid na kapangyarihan at awtoridad ng pagkatao nito. Parang natural na lamang sa lalaki iyon.

"Ellie?" Naguguluhang sabi nito at saka lumapit sa akin na nakaupo at nakaposas sa loob ng presinto.

"Can someone get this thing off her?" Utos nito ngunit hindi pumayag ang pulis.

"What the fuck happened?" Tanong nito na naglalabasan ang ugat sa leeg.

Ngunit magsasalita pa lamang ako ng biglang may narinig kaming iyak ng babae. Si Peachy. Na napakagaling umarte. Tumayo ito at lumapit kay Levi.

"Levi.." Lumuluhang sambit ng babae na may pasa sa tabi ng labi at maliit na gasgas ng kuko sa pisngi.

"Peach..what happened?" Tanong ni Levi ngunit imbis na magsalita ang babae ay yumakap ito sa lalaki.

Nagulat naman si Levi ngunit nanatiling nakatayo at naguguluhan sa mga nangyayari.

"She..s-she hit me..we were just joking about something and she thought it was her..so she hit me.." Tuloy tuloy ang pagluha ng babae at tila nakikisimpatya pa rito ang lalaki imbis na tanungin ako.

Bigla ko naman naalala ang sinabi ni Peachy kanina sa bar.

"You fucked him while we were together! Levi told me everything!"

Napapikit ako sa hapdi na dala nito sa aking dibdib at lalo pang bumibigat ang aking loob na makitang magkalapit at magkaakap ang dalawa sa aking harapan.

Imbis na umiyak ay nilakasan ko na lamang ang aking loob.

"Is it true? Did you hit her?" Tanong saakin ni Levi at kitang kita ang galit sa mga mata nito.

Gusto ko sanang magpaliwanag ngunit para saan pa? Mauubos lamang ang aking enerhiya tutal may pinaniniwalaan naman na ito without even hearing my side of the story.

I guess he still loves her. Otherwise he wouldn't care about her.

Hindi ako sumagot bagkus tumingin na lamang ako sa sahig.

"See? Look how guilty she is.. she even tried to hit me with a beer bottle..I was so scared Levi.." Pagsisinungaling ni Peachy at hindi ko na napigilang tumawa.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon